[REESE POV]
"Saan ka na naman galing?" ulit na tanong nya, bakit parang mainit na naman ang ulo nya? porket ba hindi ako nagpapa alam?
Hindi ako sumagot at tumingin lang sa ibang direksyon
halos mapatalon ako ng padabog syang tumayo sa sofa, kulang na lang ay ibalibag nya ito,
napansin kong may hawak syang brown envelope, iniabot nya sakin ito at pumamewang sa harapan ko.
Halos manlaki ang mata ko sa litratong hawak ko,
Kuha namin ni Matthew sa 7/11, ang tagpong hinalikan nya ako habang kumakain kami ng ice cream, tsaka noong nakaraang linggo pa ito ah?Sino ba naman kasing baliw ang kumuha ng litratong to?
Muntik na akong mapatalon sa kinatatayuan ko ng mag mura sya, Huhuhu wala naman akong kasalanan eh!
"kaya ba madalas kang mawala? mas gusto mong umaalis ng walang paalam! kung hindi ko pa agad nalaman baka habang buhay mo akong niloloko!!" umalingawngaw ang malakas nyang boses sa buong bahay..
"Magkaibigan lang kami," sambit ko
Magsasalita pa sana ako ng ihagis nya ang base na nakalapag sa isang maliit na lamesa,
"Fuck anong ibig sabihin non ? Friends with benefits?" Mahinang sabi nya na parang hinanghina,
"Kaya pala kung ano anong sinasabi mo tungkol sakin dahil may iba ka na pala," may pumatak na luha sa mga mata nya,
"Cane ano nanaman bang kasinungalingan ang pinagsasabi ni Tiffany sayo----" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng hiklatin nya ang braso ko..
"Shit! Wag mong idamay si Tiffany dito, Hindi sya kasama sa usapan natin ngayon!!" Mariing singhal nya sakin..
Nakatakip lang ang mga kamay ko sa mata ko, kanina pa kasi naguunahan ang mga luha ko,
Ano!! maspinaniniwalaan nya pa ang babaeng iyon kaysa sakin?
Samantalang bago mangyari ang lahat ng ito ay sobrang saya pa namin.
WALA NA !!! talagang nalason na ng babaeng iyon ang utak nya!!..
Kahit ako ay ayaw nya ng paniwalaan!!Ni hindi pa nga ako nakakapagpaliwanag eh,
"C-Cane, bakit ba mas gusto mo laging pinaniniwalan ang sinasabi ng babaeng iyon?
Paano naman ako? Asawa mo ako diba? Sabi mo mahal mo ako?" Sambit ko sa gitna ng pagluha koTinalikuran nya lang ako at humakbang palayo, lumapit ako sa kanya at niyakap sya sa likod,
"Cane! Please hayaan mo muna akong makapag-paliwanag---" hindi ko na naituloy ang mga gusto kong sabihin ng tanggalin nya ang kamay kong nakayakap sa kanya,
Saktong paghakbang nya palayo saakin ay nag unahan na naman ang mga luha ko,
Tuloy tuloy lang sya sa paglalakad paakyat sa hagdan,
Sumunod ako sa taas papuntang kwarto namin ngunit nakita kong pumasok sya sa banyo,
Nagawi naman ang mata ko sa kama namin ng mapansin kong may nakahiga doon,
"Tiffany! Anong nanamang ginagawa mo dito?!" Tanong ko.
***
[TIFFANY's POV]
"Tiffany! Ano nanamang ginagawa mo dito?!" Napalingon ako kay Reese ng bigla itong magsalita,
Nginisian ko sya at bakas sa mukha nya ang galit, basang basa din ang mukha nya dahil sa luha,
Pero wala akong pake sa kanya, tsk.
God! Sobrang saya ko ngayon dahil buong araw kaming magkasama ni Cane, hindi pa talaga sya pumasok sa trabaho dahil nalaman nyang masama ang pakiramdam ko,
Well totoo naman kasing hindi maganda ang pakiramdam ko dahil buntis ako!! Period...
kawawang Reese!! Ang hilig kasing mag emote! Ayan tuloy halos nauunahan ko na sya,
"Ang kapal talaga ng mukha mo!" Nabalik sa realidad ang isip ko ng magsalita si Reese, tss. Bahala ka sa buhay mo!
Magsasalita pa sana sya ng bumukas ang pintuan mula sa banyo,
Nginitian ko ng matamis si Cane at ngumiti rin sya pabalik.
Gosh! Tumatalbog ang puso ko!!!
****
[REESE POV]
Kanina ko pa kinakausap si Tiffany pero parang hindi naman sya nakikinig sa sinasabi ko,
Damn!
"Ang kapal talaga ng mukha mo!" Singhal ko sa kanya na nag pabalik sa realidad nya,
Magsasalita pa sana ako ng bumukas ang pintuan ng banyo at iniluwa noon si Cane,
Napansin ko namang nakangiti sya kay Tiffany, okay anong meron? So! Audience na lang ako ngayon dito?!
Pilit kong tiniti-tigan si Cane pero mukhang hindi naman sya nakakaramdam, ni hindi nya ako tinatapunan ng tingin eh, dahil na kay tiffany lang ang atensyon nya!
"C-cane" mahinang tawag ko, tumingin sya sakin pero sa cold na paraan, yung parang walang buhay at parang tumingin lang sya sa hindi nya kilala.
"Cane! Lets go to sleep!"sabat ni Tiffany ng magsasalita ulit sana ako,
"Alright" ganting sagot ni Cane at nginitian si Tiffany,
What?
Shit yung ngiting yon ay dati nyang ginagawa sakin eh! Tapos ngayon ang cold na agad ng pakikitungo nya sakin,
Paano pa kaya bukas?
Nagulat ako ng tumabi si Cane sa tabi ni Tiffany, pilit ko namang pinipigilan ang luha ko, ayokong maging weak sa harapan nila,
At isapa siguradong magdidiwang yan si Tiffany,
Gusto ko sanang sabunutan patayo ang babaeng yan eh kaso baka palayasin na ako ni Cane,
Unti unti kong hinakbang paatras ang paa ko ng makita kong yumakap sya kay Cane,
Geeezz, ansakit palang live kong makita ito,
Saktong pagtalikod ko sa kanila para lumabas ng kwarto namin ay tumalo na talaga ang luhang kanina ko pa pinipigilan,
Dire-diretso akong lumabas ng kwarto at sumandal sa pader, hinayaan ko lang na kumawala ang mga hikbi ko,
Unti unti na akong napaupo sa malamig na sahig, at niyakap ko ang tuhod ko,
Saan naman matapos na ito! Lagi na lang kaming nagkakalabuan ni Cane simula ng dumating ang babaeng yon dito.
Lumipas ang ilang minuto napagpasyahan ko naring tumayo mula sa sahig,
tinahak ko ang daan papunta sa dati kong kwarto at doon nagmukmok hanggang sa dinalaw na ako ng antok.
🌸🌸
BINABASA MO ANG
MARRIED TO THE C.E.O ✔
RomancePLAGIARISM IS A CRIME Highest Ranking in Random Category: #1 -[ 01 /19 /17] #2 -[ 01 /19 /17 ] #7 -[ 01 /18 / 17] Highest Ranking in Romance Category : #08 -[ 05/26/17] MARRIED TO THE C.E.O DATE STARTED: NOVEMBER, 16 , 2016 DATE FINISH: MARCH, 21...