" Waaaaahhhh! Dylan andaya mo naman! kainis ka!" Tili ni Lady ann. Tawa naman ako ng tawa habang naka tingin sa kanilang dalawa, grabe ang kukulit nila.
Nandito kami sa Mall. Pagkatapos namin mag ikot ikot kanina ay nag kayayaan silang maglaro sa 'fun quantilum' double date daw kami, kami ni Cane at si lady ann naman tsaka Dylan.
Hindi ko alam na matagal na palang nag de-date ang dalawang ito, akala ko talaga hindi nila mapapansin ang isa't isa.
Napatingin naman ako kay Cane na ngayon ay busing busy sa pag shoot ng bola sa pangbatang ring, pinapanood ko lang sila habang nakangiti, kanina pa nga nag aaway si Dylan at lady ann, nag aagawan silang dalawa sa bola.
napatingin ako sa paligid dahil andami na palang nanood sa paglalaro ni Cane.
"Girl ang gwapo nya no? May girlfriend na kaya sya?" Curious na tanong ng isang babae sa tabi,
"He's so hot! Gusto ko sya ang mapangasawa ko" tili pa ng isang babae.
Tumingin naman si Cane sa mga babae at nginitian ito, halos mahimatay naman ang mga kababaihan, ppffttt..
Kinalaunan naman ay tumingin sakin si Cane at lumapit pa lalo sa pwesto ko,
Napasinghap ang lahat ng tao, lalo na ang mga kababaihan ng halikan ako ni Cane sa harap nila.
Hindi nagtagal ay bumitiw na rin sya habang ako ay nakatulala parin, ang pakiramdam ko priceless, ngayon lang kasi ako nahalikan sa harap ng maraming tao
"sorry girls, May asawa na ako" sambit niya at inakbayan ako.
nakangiti lahat ng tao habang nakatingin samin, si Dylan at lady ann naman ay humahagikgik sa tabi.
hindi nagtagal ay napagpasyahan naming kumain muna sa isang resto,
nakangiti ako habang nakatingin sa kanilang tatlo, nagtatawanan kasi sila kahit na kumakain. mukhang wala ng issue sa pagitan ni Cane at Dylan, siguro narealized nilang walang patutunguhan ang galit nila nuon.
Napatingin ako sa labas ng resto, Nahagip ng mata ko ang isang pamilyar na tao, Nasa gilid lang kasi ako nakapwesto tapos salamin lang ang nagsisilbing pader nito,
Masigla syang kumaway sakin, kinawayan ko rin sya. may binabanggit sya pero hindi ko maintindihan, At saan nya naman kaya iniwan ang anak nya ngayon? ang sabi nya at ayaw nyang ipaalaga sa iba ang anak nya, gusto nya sya lang.
"Anong ginagawa mo?" napalingon ako kay Cane, takado syang nakatingin sakin, ganon din ang dalawa.
"sinong kinakawayan mo?" tanong pa nya ulit habang nakatingin sa labas, hinahanap ko agad si mathew pero wala na sya.
"wala naman, 'di nyo kasi ako pinapansin, feeling nyo tatlo lang kayong nagpunta dito."
nagtawanan silang tatlo, napailing nalang ako.
Pagtapos naming kumain ay kung saan saan pa kaming store sumuot, binilhan ako ni Cane ng mga kung ano anong damit at iba pang gamit,
Feeling ko nga ay nahihilo ako, siguro dahil napagod lang ako masyado sa pinag gagawa namin kanina.
"Are you okay? gusto mo bang umuwi na tayo? parang namumutla ka." umiling ako kay Cane
"ayos lang ako, hindi lang ako sanay mag mall, nalu-lula ako kapag nakatingin ako mula dito sa itaas, alam mo naman, pang ilang beses ko pa lang nakapasok ulit dito, tapos nakaka heart attack pa yung mga items na binili mo, sobrang mahal." napangiwi ako habang sya ay tumatawa lang.
nag eenjoy naman akong panoorin sya, Sana lagi na lang syang ganito, palaging nakangiti at alam kong parte ako ng kasiyahan nya.
"Kaya kong bilhin lahat ng bagay para sayo, kaya kong ibigay lahat, ang kayamanan ko, ang puso ko, ang buong pagkatao ko, basta akin ka lang, ayun lang masaya nako." napanganga ako.
"pero paano kung may mga bagay na sisira sa'ting dalawa?" tanong ko.
"then, hindi natin hahayaang mangyari yon."
"pero paano kung may isa satin ay may ginawang kalokohan, tapos pareho tayong nasasaktan. ano bang gagawin mo?" napaisip sya.
"ikaw ano ba ang gagawin mo kung sakaling nasasaktan ka na?" balik na tanong nya sakin.
napayuko ako.. ano nga ba?
"E-ewan ko, hindi ko alam, basta bahala na. kalimutan mo na nga! kunwari wala akong tinanong sayo." napakamot ako sa ulo.
Habang naglalakad kami sa parking lot papuntang sasakyan namin ay may biglang sumulpot na babaeng hindi ko naman kilala.
Sexy ito manamit, medyo makapal nga lang ang make ups, lumapit sya ay Cane at hinawakan ang kamay ng asawa ko, bigla na lang tumulo ang luha ng babae,
Napakunot ang noo ko, napatingin din sakin si cane at may halo ring pagtataka ang mukha nya
Anong meron? at bakit parang namumukhaan ko ang babaeng ito? hindi ko lang talaga matandaan kung saan banda!
Napansin ko namang naginginig ang babae at humawak sa tyan nya, ok anong meron?
"Placidex Cane Jenkinson magiging daddy ka na."
🌸🌸
BINABASA MO ANG
MARRIED TO THE C.E.O ✔
RomancePLAGIARISM IS A CRIME Highest Ranking in Random Category: #1 -[ 01 /19 /17] #2 -[ 01 /19 /17 ] #7 -[ 01 /18 / 17] Highest Ranking in Romance Category : #08 -[ 05/26/17] MARRIED TO THE C.E.O DATE STARTED: NOVEMBER, 16 , 2016 DATE FINISH: MARCH, 21...