[REESE POV]
Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga ng maramdaman kong naduduwal nanaman ako, Nakaramdam pako ng matinding pagkahilo,
Geezz sobrang sakit pa ng ulo ko!! Kaylangan ko na atang mag pa check-up, palagi na lang kasi ganito ang nararamdaman ko, baka may malala na akong sakit.
Nasa banyo na rin naman ako maliligo na lang ako para mabawasan ang sakit ng ulo ko kahit na masyado pang maaga, sisikat pa nga lang ang araw eh,
Nagsuot na lang ako ng itim na t-shirt at puting palda na hanggang tuhod,
Paglabas ko ng banyo ay hinawi ko ang mga kurtina sa bintana, nagawi naman ang mata ko sa bandang gate ng bahay, kita kasi iyon mula rito,
At isapa may mga ilaw naman sa paligid,Kahit medyo madilim pa sa labas ay alam kong si Cane iyon, may dala dala pa syang mga supot,
Sigurado akong para kay Tiffany na naman iyon, tss. Anong purpose ng pag hire nya ng MIB at mga maids kung si Cane parin ang nabili ng lahat ng iyon?
Napansin ko namang nagawi ang paningin ni Cane dito sa kinatatayuan ko kaya't agad ko syang kinawayan,
Alam ko namang nakita nya ang pagkaway ko dahil maliwanag dito sa kwarto kaso lang inisnob nya lang ako,
Naglakad na ulit sya papasok hanggang sa hindi ko na sya nakita, hay! Nagbabaka-sakali lang naman ako na baka pansinin nya na ako ngayon,
Humugot ako ng malalim na hininga at umupo sa kama, tiningnan ko naman ang daliri ko kung saan ang nakalagay ang singsing na ibinigay sakin ni Cane,
Tinanggal ko ito sa daliri ko at saka tinitigan ito,
Ilang minuto ang lumipas ng tumunog ang cellphone ko kaya't inilapag ko muna ang singsing sa maliit na lamesa na nasa gilid ng kama,
"Pusang gala! Alarm lang pala tss." Sambit ko, nakalimutan ko kasing nag a-alarm pala ako para magluto ng almusal namin ni Cane ,
Tumayo ako sa kama at lumabas ng kwarto sa tinahak ang daan papuntang kusina,
Ngunit napahinto ako sa di kalayuan ng maka rinig ako ng tawanan ng dalawang tao,
Walang iba kung hindi si Cane at Tiffany,
Tingnan mo! Dati kaming dalawa pa ang ganyan kasaya pero ngayon mukhang masaya na ata sya sa feeling ng iba!
tumingin naman sa gawi ko si Tiffany at tinaasan nya ako ng kilay, si Cane naman ay nakatalikod sa pwesto ko.
Tinaasan ko rin sya ng kilay at inirapan, nagtuloy tuloy ako ng lakad papunta sa pwesto ng Ref. At kumuha ng tubig,
Ngayon naman ay nakaharap na ako sa kanilang dalawa,
Tss.Nagluluto pala si Tiffany, Wow! Pakitang gilas lang!
Dumaan naman sa ilong ko ang amoy ng niluluto nyang may sabaw, ewan ko kung anong tawag doon, tinakpan ko ang ilong ko dahil parang bumabaliktad ang sikmura sa amoy noon,
hindi naman iyon amoy ewan, basta hindi ko talaga type, tinakpan ko ang ilong ko pagkasara ko ng Ref,
Napansin ko namang nakatingin sakin si Cane, at nakakunot ang noo nya, Ano nanaman problema nito?
"Wow naman! Ang saya saya nyo masyado ah? Ano na bang ganap ko dito? Maglalayas na ba ako!" Sambit ko!
Tumingin silang dalawa sakin, si Tiffany ay mukhang masaya pa sa sinabi ko habang si Cane ay cold parin ang expression pagdating sakin,
Parang kanina lang ay tawa pa sila ng tawa ah?
Ilang segundo ang lumipas ng biglang tumayo si Cane "wait! Saan ka pupunta?" Pigil ni Tiffany kay Cane
BINABASA MO ANG
MARRIED TO THE C.E.O ✔
RomantizmPLAGIARISM IS A CRIME Highest Ranking in Random Category: #1 -[ 01 /19 /17] #2 -[ 01 /19 /17 ] #7 -[ 01 /18 / 17] Highest Ranking in Romance Category : #08 -[ 05/26/17] MARRIED TO THE C.E.O DATE STARTED: NOVEMBER, 16 , 2016 DATE FINISH: MARCH, 21...