Epilogue PART 1❤

68.8K 1K 116
                                    

[[ REESE POV ]]

"EREEEN!! Hoy gising! Nasa baba si Reese pati ang mga anak mo! Ano bang nangyayari sayo?!" Sigaw ni Paeng kay Eren, akala siguro ni Paeng ay nasa Sala parin kami, Iniwan ko yung dalawa sa baba para gisingin si Cane.

Bubuksan ko pa lang sana ang pinto ng marinig kong magmura si Cane, hindi nakaligtas sa pandinig ko ang sinabi nya

"Fucking Tiffany!"

Tuluyan ko ng binuksan ang kwarto at bahagyang nagulat pa sya dahil sa pag sulpot ko, Nagtataka siguro sya kung paano ako nakarating dito sa kanila

Salamat talaga kay Paeng..

Agad akong lumapit sa kanya at hinawakan ang noo nya, Napansin ko kasing namumutla sya at namamawis ang noo nya

Ano bang ginawa nya sa panaginip nya? Nag Fun Run?

"Anong nangyare? Okay ka lang ba? At anong meron kay Tiffany?" Sunod sunod na tanong ko, Tumingin muna sya kay Paeng at bumaling na sakin

"Si Tiffany! That Bitch! Pagbabayaran nya ang ginawa nya sakin, dahil sa kanya nahiwalay ako ng matagal sayo, Kung kinakaylangan lang na patayin ko sya ay gagawin ko!"

Ano? Hanggang ngayon pala sya parin ang poprobolemahin namin. Bakit ba lagi na lang si Tiffany? Hayop na babaeng yan hindi pa namatay!

Ikinuwento lahat sakin ni Cane ang napanaginipan nya, At hindi lang yon basta pananginip, Naalala nya lahat ng detalye ng araw na yon.

Ibig sabihin ay si Tiffany ang may kagagawan ng lahat ng 'to? Sya ang mastermind ng pagtangkang pagpatay kay Cane!

Naramdaman kong nanginginig ako sa galit, Halos makagat ko na ang dila ko, Pero kung ako ay sobrang galit ang nararamdaman ay mas lalo naman si Cane

Nakakuyom ang kamao nya at handang handa ng  manapak anytime

Bumuntong hininga muna ako at pinawala saglit ang pagkainit ng ulo ko, sunod na binalingan ko si Cane

"Cane, Wag kang mag alala, Sasabihan ko agad ang mga kakilala ko na hanapin ang Baliw na yon! Pagsisihan nya ang lahat ng ginawa nya!" Mariing sambit ko sa kanya

Mukhang hanggang ngayon ay hindi parin napapawi ang galit nya

"Ah Eren? Ibig sabihin ay ako ang may kasalanan kung bakit ka nandito sa Cebu? Kung sana tiningnan ko agad ang laman ng truck Van na dinadrive ko bago ako umalis noon may posibilidad na nakabalik ka ng maaga sa pamilya mo, huhuhu sorry talaga." Naiiyak na Sabi ni Paeng

Bigla namang lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Cane at bumaling Kay Paeng

"Hoy Tarat! Wala kang kasalanan, saka Hindi mo alam na naandon ako, nagpapasalamat pa nga ako sayo dahil tinulungan mo ako, Hindi mo ko pinabayaan kahit mukha na akong patapon dati,
At saka kung hindi ako napunta dito ay sana hindi ko nakasama ang isa ko pang anak, kaya wag kang maarte dyan ha!" Napangiti ako sa sobrang tuwa

Sobrang Close nilang dalawa, kaso? Bakit Tarat ang tawag ni Cane kay Paeng?

Tinawagan ko si Mama Adara at sinabi ang tungkol kay Tiffany, pero hindi nya alam na kasama ko ngayon si Cane, gusto ko maging surpresa ang balitang to, Nasabihan ko narin si Yaya Amarie at Lazaro na wag munang sabihin sa iba ang bagay na 'to

Galit na galit si Mama Adara tungkol sa baliw na iyon, muntik ko na ngang masabi kung saan ko nakuha ang impormasyon na 'yon

****

[[ ADARA'S POV ]]

Kuntikan ko ng maihagis ang lahat ng gamit ko dito sa office ko, Pagtapos ng narinig ko kay Reese sino ba namang hindi ha-highblood-in

MARRIED TO THE C.E.O ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon