Part 19❤

61.6K 1.2K 27
                                    

(Fast forward)

[[ REESE POV ]]

Naalimpungatan ako dahil kanina pa nag ri-ring ang Cellphone ni Cane na nasa tabi ng lamp shade. Sinilip ko naman sya sa tabi ko at kinalabit.

"Cane! May tumatawag sayo, kanina pa." sambit ko sa kanya, nakapikit parin ang mata nya at hindi manlang ako pinapansin.

Maya maya huminto na rin ang pagtunog ng cellphone nya, naisip namang tingnan ang oras.

Alas tres palang ng madaling araw, sino kaya ang tatawag ng ganong oras?

Maya maya ay tumunog nanaman ang cellphone kaya tiningnan ko kung sino yung natawag, ngunit number lang ang nakalagay.

Sinagot ko na lang dahil baka emergency ito.

"Hello Babe? Kanina pa ako tumatawag bakit ngayon mo lang sinagot?" Singhal ng kung sino man sa kabilang linya.

Kumunot naman ang noo ko at tumingin kay Cane na natutulog parin.

Babe? May hindi ba ako nalalaman?

Hindi muna ako sumagot at hinintay magsalita ang babae.

"HELLO? Dex are you still there?"

Oh kita mo na Dex pa ang tawag nya sa asawa ko?! Aba ang kapal ng mukha ng babaeng to ah!

Nakaramdam naman ako ng galit at tumingin kay Cane bago ako sumagot sa babae.

"Hoy! T*ang*na mo wrong call ka!"sabay patay ko ng tawag.

Napapamura talaga ako sa  mga ganitong eksena, tss.

Naku nako! malaman ko lang talaga na may iba sya, kakalbuhin ko talaga ang babae nya.

Bumalik na ulit ako sa pagtulog at yumakap kay Cane....

*****

Nagising ako ng wala ni Si Cane sa tabi ko. Tumayo ako at sinilip sya sa Banyo pero wala sya don.

Ginawa ko muna ang morning Rituals ko bago ako bumaba para makapag luto ng agahan namin.

Kaso wala naman akong nadatnan don ni Anino ni Cane. Lumabas ako ng bahay para tingnan sa garahe kung nandon pa ang kotse nya, kaso wala na din ito.

Ibig sabihin hindi sya nag paalam sakin pag alis nya?

Malungkot naman akong pumasok ng bahay at dumiretso sa kwarto para maligo dahil papasok pa ako.

----

Pagpasok ko sa trabaho ay nagpalit na agad ako ng uniform kasabay si Lady ann pero hanggang ngayon hindi nya parin ako pinapansin.

Kahit si Dylan ay ganon din sakin, naiintindihan ko naman kung bakit ganon si Dylan, pero si lady ann? Wala akong alam kung ano ba ang ikinagagalit nya.

Bago pa umalis si Lady ann ay hinawakan ko sya sa kamay kaya napahinto sya.

"Pwede ba tayong mag-usap?" Mahinahong tanong ko sa kanya.

Tumango naman sya "sige, pero mamaya na lang" Umalis na sya agad.

-----

Nasa kalagitnaan ako ng trabaho ng makita ko si Dylan pag labas nya ng office nya, simula ng mag away sila ni Cane ay hindi nya na ako pinapansin.

Nakita ko namang tumingin sya sakin pero ay agad ding umiwas.

May pumasok namang lalaking Costumer, kung titingnan mo ay mayaman ito, maputi, matangkad at gwapo.

Napansin ko namang nagtitingnan sa kanya lahat ng tao.

Umupo pa sya sa bandang gilid at tumawag ng waiter. Napagawi naman ang tingin nya sakin at tumitig ng matagal.

MARRIED TO THE C.E.O ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon