Part 8❤

82.6K 1.8K 34
                                    

Pagkapasok na pagkapasok ko kanina kung saang private room dinala si papa ay sumalubong na agad saakin ang walang humpay na sermon ni mama,

Paulit ulit nyang sinasabi na pagala gala lang ako habang si papa ay nakaratay at hindi pa alam kung kaylan gigising,

Ngunit gaya ng nakagawian ko ay tumatahimik lang ako para hindi na humaba ang usapan,

Si Marcus naman ay lumabas muna para bumili sa labas ng makakain namin,

Bigla namang may pumasok na lalaking nurse at chineck ang kundisyon ni papa, Habang ako ay nakamasid lang sa pinag gagawa ng nurse,

"Ah kuya ano po ba yang itinuturok nyo kay papa ?" tanong ko sa nurse dahil kahit si mama ay gusto din magtanong pero parang napaos na sya kakahagulgol at kaka sermon,

Ngumiti naman ang lalaking nurse sa akin.

Sa tingin ko ay nasa twenty pataas lang ang edad nito at may pagkasingkit ang mga mata nya,

" Wag po kayong mag alala ma'am , gamot po iyon para sakanya at para maging madali pong maka recover ang pasyente "

Tumango na lang kaming dalawa ni mama.

"By the way ma'am ako nga po pala ang private nurse na titingin palagi sa kundisyon nya "

Nagulat naman kami ni mama dahil sa sinabi nya.

"Private nurse ?" Tanong ni mama na may pagka paos parin ang boses,

"Aba sino ba yang good samaritan na yan may pa private nurse pa?" sabi ni mama na may pagtataka ang itsura, Bumaling naman sa akin si mama,

"Ikaw kilala mo ba kung sino?" Umiling lang ako kahit may idea ako kung sino ang may gawa ng lahat ng ito,

"Hay sana naman magpakita na ang taong yon, kung sino man sya salamat talaga sa kanya." kausap nya sa sarili nya.

Bumaling naman ulit ang tingin ko sa nurse at bahagyang nginitian sya,

"Ah ma'am pupunta po muna ako kay doc. pero babalik din po ako ka agad."sabi nya at lumakad palabas ng pintuan,

"Salamat kuya" sabi ko saka nginitian sya,

"Dino na lang po mam ang itawag nyo sakin " sabi nya at ngumiti bago tuluyang umalis,

"Oy ikaw! Bakit panay ang ngitian nyong dalawa? Wag kang maharot ah! may kasalanan ka pa sakin" sermon nanaman sakin ni mama,

Tss. Lagi naman akong may kasalanan eh, may bago pa ba don?

Bumukas naman ang pintuan at iniluwa nito si Marcus, agad nyang inilapag ang mga pagkain sa mesa.

"Mama, Ate kain na po tayo."

Tumayo ako para sandukan si mama ng pagkain at ibinigay sa kanya, ganyan naman yan e.

Tiningnan ko muna ang orasan na nakasabit sa pader, alas otso na pala ng gabi.

"Ate kumain kana, alam kong kanina ka pa nagugutom."

"Panong di magugutom eh pagala gala kung saan saan." biglang sabat ni mama,

Eto na naman si mama sa mga pinagsasabi nya! Wala kasi syang ideya kung ano ang hirap na ginagawa ko para sa kanila,

"Ma, pwede bang wag muna kayong magsalita dahil hindi nyo naman alam kung ano talaga ang ginagawa ni ate."matapang na sabi ni marcus kay mama,

Ano ba itong si Marcus! Ang hilig talagang singhalan si mama o kaya si papa, Pero sabagay tama naman ang sinabi nya.

Huminto naman si mama sa pagkain at tumingin ng pagalit kay marcus,

MARRIED TO THE C.E.O ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon