Janine's Pov2 weeks na rin ang nakalipas mula nung ligawan ni Kuya Eon si Zoe. Masaya ako para kay Zoe dahil nakahanap siya ng katulad ni kuya Eon... kaso alcoholic yun.
Kasalukuyang nakikinig ako sa advicer namin dahil may announcement daw siyang sasabihin.
"Class, we're having a pageant this next month."
Pageant?
Naghiyawan ang mga kaklase ko. Siguro the best lagi ang pageant sa school na ito kaya ganito ang kanilang reaksyon.
"Class quiet!"
"So, sinong ilalaban natin, class?" Aniya.
Nagtaas ng kamay yung aming class president.
"Ashley?" Pinatayo siya ni Prof.
"Nandyan naman po ang Muse at Escort natin. Kaya hindi na po natin kailangan mag-decide kung sino ang ilalaban para sa pageant."
What? Muse at Escort?
Tumango ang aming Advisory teacher at pinatayo ang Muse at Escort. Which is ako yung Muse at si Jillian naman ang Escort.
Tiningnan ko si Jillian na mukhang bored na bored na sa nangyayaring usapan.
"So, okay lang ba sa inyong sumali sa pageant or we have to choose other para sa pageant?" Nagtaas ng kilay ang Prof. Nagkatinginan lang kami ni Jillian bago siya muling umupo.
Anong ibig sabihin niya nun? Hindi siya sasali?
"Kung sasali si Ms. Valeriano, sasali na din ako." Nagbulong-bulungan ang mga kaklase namin. Hindi maiwasan maging malisyoso dahil sa binaggit ni Jillian.
Napatingin ako kay Ma'am na mukhang hinhintay ang sagot ko. "O-okay po, Ma'am. Sasali po ako."
Tumango ito. "That settle then. Sasali kayo pareho. At mamaya punta kayo sa dance studio dahil doon gaganapin ang rehearsal niyo at para na din i-meet ang instructor niyo sa pageant. Be there at 3pm."
~~~~~
To Mang Elmer:
Itetext ko na lang po kayo mamaya pag susunduin niyo na ako. Thanks po!~~~~~
Nilagay ko na ulit ang cellphone ko sa aking bag matapos magpaalam kay mang Elmer. Narito na ako sa may dance studio katabi yung mga kasali sa pageant. Hinihintay namin yung aming instructor na mag-ga-guide sa amin para sa gaganaping paghahanda para sa pageant.
Si Jillian? Hindi ko alam kung nasaan. Baka hindi na yun aattend---
"Wala pa yung instructor?" Bigla siyang sumulpot.
"Ay kabayo!"
"Sa gwapo kong ito? Mukha akong kabayo?" Itinuro niya ang sarili.
Napakapresko naman pala ng isang ito. Akala mo kung sinong nakakamatay ang ka-gwapuhan!
"Wala akong sinabing ganiyan! Expression lang yun!"
Umupo na siya sa tabi ko at bahagyang yumuko habang nakatukod ang mga siko sa bandang tuhod.
Umingay ang mic ng hinawakan yun nung bakla na sa tingin ko ay ang magiging instructor namin. Sa fashion palang niya ay alam ko na.
"So, pwede bang lumapit na ang mga candidates sa akin? Ayokong magaksaya ng oras kaya bilisan niyo!"
BINABASA MO ANG
Change of Hearts
ActionWARNING: CLICHE! CRINGE! Janine Samantha Valeriano was once a fine lady. Until she met Jillian Alexander Salveda who made her life turn upside down that make her heart change from it's typical norm.