Xander's PovNakatulog na ako sa may salas sa mansion nila Janine dahil sa matagal na paghihintay sa kaniya. Limang oras na ata akong naghihintay dito at hindi ko sigurado kung dumating na ba siya o ano. Pero kung dumating naman siya, dapat ginising na niya ako kaya baka hindi pa siya umuuwi.
Sinilip ko ang aking cellphone. Wala pang reply sa mga text ko sa kaniya.
Saan kaya siya nagpunta? Kung aalis man siya dapat nagpaalam na siya sa akin pero ni kahit lugar kung saan siya pupunta ay hindi niya sinabi kaya nagaalala na ako. Nagtanong na din ako sa mga kasambahay nila ngunit hindi din nila alam.
Saktong dumaan ang mayordoma ng mansion. Sa pagkakaalam ko eh siya yung tagapag alaga ni Janine nung bata pa siya kaya baka nalalaman niya kung nasaan si Janine since malapit sila sa isa't isa.
"Manang Linda, nakita nyo ho ba si Janine?"
"Naku hijo, akala ko ba ay magkasama kayo? Nagmamadali kasi siyang umalis kagabi at ang paalam niya ay pupuntahan ka dahil may sakit ka daw. Kasama niya si Elmer pero nauna siyang makauwi dahil nagpaiwan sa inyo."
What the hell? Anong may sakit? Wala akong sakit! Sino naman ang nagbigay ng ideya na 'yun sa kaniya.
Nagmamadaling kinuha ang cellphone, tiningnan ko ang message ko sa kaniya at nag-backread. Saka ko lang napansin ang isang text message na nasisiguro kong hindi ako ang nagcompose.
Muli kong ini-contact ang kaniyang number pero ganun pa din, unattended.
Saglit akong natigilan ng makita ang pababang si Jastine sa hagdanan. Ni hindi ko sinulyapan ang suot niyang halos ipakita na ang maseselang parte ng kaniyang katawan.
"Si Janine ba?" Yeah right! Sino pa nga ba ang gagawa ng bagay na ito? Siya lang! At nasisiguro ko talaga na siya ang may pakana kung bakit hindi ko mahanap si Janine ngayon!
"Ikaw ang nagtext sa kaniya ng putanginang message na 'yun diba?"
Naikuyom ko ang aking kamay ng tumango siya. Putangina! Putangina talaga!
"Bakit mo ginawa 'yun?!"
"DAHIL GUSTO KONG MAGING AKIN KA! DAHIL MAHAL KITA! MAHAL NA MAHAL KITA, JILLIAN!" Iniwaksi ko ang kamay niyang humawak sa aking braso. Wala siyang karapatang hawakan ako! Tangina! Hindi ba siya makaintindi na hindi ko siya gusto? Sa ginagawa niyang ito, mas lalo ko lamang siyang kinamumuhian! Simula pa lamang ng pagkakita ko sa kaniya ay hindi ko na siya gusto. Lumala pa dahil sa mga kabaliwang ginagawa niya ngayon!
"Wala kang mapapala sa akin, Jastine! Ilang ulit ko pa bang ipapaintindi sayo na hindi kita gusto! Si Janine... Si Janine ang gusto ko kaya tumigil ka na dyan sa kahibangan mo! Tama na ang pagiging desperada, Jastine! Spare your self! Maawa ka naman sa sarili mo!"
Umiling lamang siya. Parang hindi niya ipinapapasok sa kaniyang utak ang mga sinasabi ko! Sarado na ang kaniyang isip! Nabubulag na siya sa pagkagusto sa akin!
"H-hindi! Hindi mo ako mapipigilan! Aagawin kita sa kaniya at sisiguruhin kong mapapasakin ka! Mamahalin mo din ako, sinisiguro ko 'yun, Jillian!"
Napasintido ako ng makaalis siya. Hindi ko na alam ang gagawin ko para tigilan na niya ako! Naiipit na ang relasyon namin ni Janine sa sitwasyon ngayon! Tapos nawawala pa si Janine! Fuck!
Naramdaman ko ang pagvibrate ng aking cellphone. Nabuhayan ang aking loob ng makitang may message mula kay Janine.
Nagmamadali ko yung binasa pero parang binuhusan ako ng malamig na tubig ng mabasa ang kaniyang mensahe.
~~~~~
From Baby:
I'm breaking up with you.~~~~~
BINABASA MO ANG
Change of Hearts
ActionWARNING: CLICHE! CRINGE! Janine Samantha Valeriano was once a fine lady. Until she met Jillian Alexander Salveda who made her life turn upside down that make her heart change from it's typical norm.