Chapter 4

2.3K 93 3
                                    


Janine's Pov

Maaga akong gumising dahil may pupuntahan nga kami ni Mommy. Ewan ko nga kung saan eh. Pero sabi ni Mommy kasama daw sila Raiko, Georgina, Zoe at Athena.

Tatawagan ko na lang ang isa sa kanila. Baka alam nila kung saan kami pupunta. Si Mommy naman kasi, di pa sinabi kung saan.

Si Zoe ang napili kong tawagan.

("Yes?")

"Anong oras kayo pupunta dito? Kasama ba talaga kayo? Tsaka saan ba talaga tayo pupunta?" Sunod-sunod ang naging tanong ko.

("Dahan-dahan ka lang sa pagtatanong. Basta on the way na kami and yes, kasama kami. About naman sa tanong mo kung saan tayo pupunta, I don't know. We're also clueless.")

Oh gosh! Pupunta na sila agad dito? Eh kagigising ko lang!

Nagmamadali akong nagayos pero bago 'yun ay nagpaalam na ako kay Zoe.

"Okay. Thanks, Zoe." mabilis kong pinatay ang tawag at nagtatakbo na papasok sa bathroom.

Saan naman kaya kami pupunta? Kahit sila Zoe ay hindi 'rin alam. Ano kayang pakulo ni Mommy?

T-shirt, black shorts at sneakers na lamang ang sinuot ko. Hindi naman siguro formal ang pupuntahan namin at lalo namang hindi siguro party.

Nagaayos na ako ng kumatok si Mommy sa pintuan. Nakabukas 'yun kaya nakikita ko siya.

"Good morning, Mommy." Itinigil ko muna ang pagtitirintas sa aking buhok at sandaling humalik sa kaniyang pisngi. Hinaplos-haplos niya ang buhok aking buhok.

"Let's go?"

"Wait lang, Mom. I'm not yet done with my hair."

"Okay honey, hihintayin ka nalang namin sa baba." Agad 'rin siyang lumabas sa kwarto.

Nagmamadali ko ng tinapos ang pagaayos sa aking buhok. Kahit may mga parteng gulo-gulo pa ay hinayaan ko na lang dahil hindi naman ganun kahalata. I'm sure aasarin na naman nila ako ng pa-VIP.

Aaminin ko na lagi ako ang late sa tuwing magtatagpuan kami everytime na may pupuntahan kami. Alam ko na naiinis sila sakin pero hindi to the point magagalit sila sakin.

Ang galit ay bihira saming magkakaibigan. Hindi kami nagkakagalit ng sobra ang I'm happy about it dahil sa tingin ko doon nasusukat ang tunay na pagkakaibigan.

Pero may nagsasabi na ang tunay na pagkakaibigan ay yung kapag nagkagalit kayo ay mauuwi 'rin sa pagbabati dahil nga mga tunay silang kaibigan.

Well... meron naman tayong ibat ibang philosophy sa buhay.

Bumaba na 'rin ako agad. Si Mommy na lang ang naabutan ko sa may salas. Ang sabi niya ay nauna na sila sa sasakyan.

"Lets go." Hawak ni Mommy ang kamay ko habang sabay kaming pumupunta sa garahe.

Sa usang sasakyan lang kami dahil ayaw ni Mommy na mag-convoy kami kaya iniwan na lang nila Georgina ang sasakyan nila sa garahe.

"Mom, where are we going exactly?"

"Sa Salveda University"

Nagkatinginan kaming magkakaibigan.

"Bakit po tayo pupunta doon, tita?" Athena asked.

Hindi lingid sa aking kaalaman na ang Salveda University ang pinakasikat na school sa Lorietaga, ang city na tinitirhan talaga namin. Pumupunta lang naman kami sa Manila dahil para doon bumili ng mga high qualities na mga gamit. Dito kasi sa Lorietaga walang Mall na katulad ng sa Manila. Kumbaga ang Lorietaga ay hindi pa ganun ka-sibilidad pero magaganda talaga ang mga subdivision at marami pang mga puno. Masasabi ko na mas gusto kong tumira dito kesa sa kapital ng bansa.

Change of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon