Chapter 2

3.3K 83 3
                                    

JANINE SAMANTHA

Nagising ako sa marahang pagyugyog sa akin ng kung sino. I slowly opened my eyes. And there he is.

"Hi..." He greeted, smiling gorgeously at me as he was sitting beside me.

Hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa napaka-gwapo niyang mukha. How I miss him so much! Akala ko, hindi ko na ulit siya makikita. Pero ngayon, narito na siya sa harap ko.

I smiled back and hugged his waist, still laying on my bed.

"Miss na miss na kita." I murmured.

Nakikipagtitigan lang siya sa akin ng nakangiti parin.

"I love you so much, Samantha." He lovingly said. Dahan-dahan lumapit ang mukha niya sa akin at marahan idinampi ang labi sa akin.

Napangiti ako pagkatapos niya akong halikan.

"I love you too." I wispered to him.

Ngumiti ulit siya sa akin at hinalikan muli ang aking labi. This time it's more passionate. I love the sensation he's giving me with his lips. Parang gustong sumabog ng dibdib ko sa sobrang lakas ng tibok ng aking puso.

Ngumiti kami sa isat-isa, nakasandal ang noo nya sa noo ko at matamang tinititigan ang mata ko habang hawak ng dalawang kamay niya ang magkabila kong pisngi.

"Samantha, listen to me." Napansin ko ang pagkislap ng mata niya.

Bahagyang nangunot ang noo ko dahil sa pagtataka.

Bakit siya ganyan? Magkasama kami ngayon, dapat masaya siya, pati na rin ako, pero bakit ang bigat ng pakiramdam ko?

"Open your heart, kailangan mo na akong kalimutan." He said. His tears are flowing down on his cheeks that makes me gasped. Why is he crying? And what is he talking about?

"Why are you saying that? Come on, Alex, 'wag kang magbiro ng 'ganyan." I hissed. Lumayo ako sa kanya pero hinawakan niya ang dalawa kong kamay.

"Because... we will never see each other. It will take time before we see each other again, Samantha." Tumigil siya sandali at hinalikan ang mga kamay ko.

Tuluyan na akong humaguhol sa kaniyang sinabi.

"Please don't leave me... please." I begged.

"No! Samantha, kailangan tanggapin mo na... na wala na ako. Kahit wala ako sa tabi mo, binabantayan pa rin kita... because I love you, Samantha." Pakiramdam ko ay parang nahahati ang puso ko habang magkalapat ang labi namin. I know, ito na ang huling magkakasama kaming dalawa kaya ng binitawan niya ang mga kamay ko ay walang tigil ang pagtulo ng aking luha.

Please don't leave me... please.

Tumayo ako at hahawakan sana ang kaniyang kamay, pero hindi ko siya mahawakan. Tumatagos lamang kamay ko sa kaniya.

Ngumiti siya sa akin sa kabila ng mga luha niya.

"Goodbye..."

Tuluyan na siyang nilamon ng liwanag. Sinubukan kong habulin siya pero parang hindi ako umaalis sa kinatatayuan ko.

Napahagulhol na lamang ako.

Wala na siya.

Wala na.

Ang pinakamamahal ko... tuluyan ng naglaho.

Napasinghap ako nang marinig ko ang boses niya pero hindi ko na siya makita.

"May darating para sayo mahal ko, at tanggapin mo siya ng higit pa sa pagtanggap mo sa akin. I love you, Samantha."

I love you too.

I opened my eyes.

It was just a dream but it seems so real.

Bumangon ako at huminga ng malalim. Tumulo na naman ang luha ko.

"May darating para sayo mahal ko, at tanggapin mo siya ng higit pa sa pagtanggap mo sa akin. I love you Samantha."

"Paano kung hindi ko kaya?" I whispered and wiped my tears.

My phone vibrated. May tumatawag and it was Zoe.

("Hello, Janine?")

"Why?" Matamlay kong tanong.

("OTW na kami diyan.") She said, pero parang lumungkot ang boses niya?

"Okay." Then, I hang up.

Wala akong kabuhay-buhay na bumangon sa kama at nagpunta sa walk in closet ko para magpalit.

Hindi maalis sa isip ko ang panaginip ko. Sa tuwing naiisip ko 'yun ay napapaiyak lamang ako.

Alam kong kailangan kong pakinggan si Alex pero hindi ko talaga matanggap.

I shook my head.

Nagpalit na lamang ako ng damit. Kinuha ko na 'rin ang purse at cellphone ko. Para handa ng umalis.

ZOE NADINE

("Okay.") Napakunot ang noo ko ng mapansing matalay ang boses ni Janine sa kabilang linya.

"Oh, what's with the face?" Tanong ng nagda-drive na si Georgina.

On the way na kami sa mansion nila Janine para magshopping.

"Si Janine kasi..." Tiningnan ko si Athena at Georgina sa rear view mirror ng sasakyan.

"What's with Janine?" Pag-aalala ni Athena.

"Mukhang malungkot na naman si Janine."

"Mukhang hindi pa rin maka-move on si Janine."

Sino nga ba namang hindi malulungkot kung 'yung boyfriend mo ay...

Napabuntong hininga na lamang ako.

"We need to help her para maka-move siya." Athena suggested.

"Masakit naman talaga yung nangyari kay Janine eh. Kung ako man ang nasa katayuan ni Janine eh hindi 'rin ako makaka-move on agad." Georgina.

"Yeah right. Umalis pa 'yun papuntang states kung di siya nasaktan sa pagkawala ni Alexander." Raiko added.

Sabay-sabay na lamang kaming napabuntong hininga at hindi na muli pinagusapan ang nakaraan ni Janine.

Hanggang sa makarating kami sa mansyon. Nasa may labasan na si Janine at hinihintay na lamang kami.

"So? Saang mall tayo pupunta?" Tanong niya ng makapasok sa loob ng sasakyan.

"Sa Ayala Mall na lang tayo, mas malapit 'yun." Georgina.

"Okay. Ayala Mall it is."

Change of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon