Janine's Pov
Gosh! Hindi ko alam na sasabihin sa akin 'yun ni Jillian.
Tsaka bakit nung.. hinawakan niya ako sa practice, parang may kuryente. Ano yun Spark? Napatawa na lang ako sa naisip ko. Imposibleng spark 'yun.
I shook my head in. Why can't I threw it out of my mind?
"Oh. Bakit ka umiiling?" Napansin pala ni Georgina. Umiling lang ulit ako sa kaniya bilang sagot. Narito kami ngayon sa living room ng bahay namin.
Hinihintay namin yung nire-commend sa akin ni Georgina na tutulong daw sa akin para makahanap ng gown na isusuot ko sa pageant. Two weeks na lang kasi, pagent na kaya naghahanda na ako.
Bumukas ang maindoor namin sa living room at bumungad ang babaeng nasa mid-30's na siguro.
"Good morning" bati niya sa amin.
Tumayo si Georgina kaya tumayo na rin ako.
"Good morning, tita." Ani Georgina.
Tita?!
"Hi, po." Lumapit na rin ako sa kaniya at bumeso. Baka masabihan pa ng 'hindi hospitable'.
"Tita, this is Janine, my bestfriend. Siya pa yung sinasabi ko sa inyo." Said Georgina.
"Yeah, I know her. Model from states, right?" Aniya.
"Not really. Hehe" ani ko. "take a sit po." At giniya ko na siya pag-upo sa couch.
"So Georgina, what made you call?" Aniya.
"Ahm, tita. Kailangan po kasi ni Janine ng gown, and because you are the one I know na maraming alam sa mga gowns, ikaw na lang po ang tinawagan ko. May pageant po kasi sa S.U, yung pinapasukan po namin, eh candidate po siya." Explained Georgina.
Nakita ko si yaya na nagdala ng juice para sa aming tatlo.
"Oh, you need some gown. Buti ako ang tinawagan niyo dahil matutulungan ko talaga kayo, dyan. Anyway, I am Sandy Ferrer."
"Nice meeting you po" I politely said.
"So tita, kaya niyo po ba siyang igawa with in one week?" Tanong Georgina.
Napatigil si Mrs. Ferrer sa sinabi ni Georgina at parang nagiisip.
"Sorry pero, two weeks kasi ang inaabot ng paggagawa ko ng isang gown. Mahirap talaga siyang gawing on week. At kung i-ru-rush ko naman ang pagagawa, I'm sure na hindi siya ganun ka-ganda." Tumigil muna siya saglit. "But I have a lot of gowns and dresses in my Botique. Do you want to come with me?"
Nakatinginan muna kami ni Georgina at sabay sumang-ayon.
"Of course."
**
"This. I think, bagay to sayo.." Pinakita ni Mrs. Ferrer ang isang tube dress na maraming beads na design.
"I think it's nice." Kinuha ko 'yun at sinuri. White and black color tube above the knee length dress. Simple lang pero ang ganda
Nasabi ko na kila Mommy ang 'Pageant' thingy na sasalihan lo at sinabi nila sa akin na hahanap daw sila ng isang sikat na designer, pero umayaw ako dahil ini-recommend na ni Georgina si Mrs. Ferrer. Tutal sikat 'din naman siyang designer sa pilipinas at sa iba pang bansa.
Habang namimili sa mga naka-manikin na gown. Nakuha ng isang gown ang atensyon ko. Ang masasabi ko lang,
Napaka-elegante.
Bloody red tube gown at ang laki-laki ng petticoat . Basta, ang ganda-ganda.
"Mrs. Ferrer" Tawag ko sa designer.
Napalingon sa akin si Mrs. Ferrer, si Georgina naman, namimili din ng bagong dress. Bibili din daw siya, eh.
"I'll take this" sabay turo ko dun sa gown.
Tumango naman siya at lumapit na dun sa gown para tanggalin sa manikin na pinagsusuotan nito. Pagkatanggal niya sa gown, binigay niya 'yun sa akin.
"Isukat mo na" aniya.
"Okay po" I nodded. Pumunta na ako sa fitting room para isukat ang gown.
Tinulungan pa ako ni Mrs. Ferrer sa pagsusuot and gosh! Fit na fit siya. Medyo masikip sa bewang pero carry naman.
"Janine, 'di ko alam na ganyan pala kaganda yang ginawa ko" aniya at medyo teary eyes na siya.
"Napakaganda naman po talaga Mrs. Ferrer." Ani ko habang nakatingin sa reflection ko sa full length mirror ng fitting room.
"Tita na lang Janine. Tita na lang ang itawag mo sa akin." Aniya at inayos ulit yung gown na suot ko.
Ngumiti naman ako. Ang bait-bait niya.
Lumabas na kami ng fitting room na suot ko parin ang gown.
Grabe, expose na expose yung braso at likod ko. Lower back kasi and design. Hanggang sa pinakang-ibaba ng likod ko yung hangganan ng gown.
"Janine ang ganda mo!" Napatili pa si Georgina ng makita ako.
"Matagal na!" Biro ko.
"Selfie tayo." Ani George. Ilalabas na sana niya yung cellphone niya pero pinigilan ko siya.
"Pwedeng sa phone ko na lang. Baka kasi i-IG mo agad. Eh makita ng mga ibang candidates at ibang students ng S.U. Eh di hindi na surprise." Sabi ko habang may nakakalokong ngiti.
"Oo nga 'no. Bakit di ko naisip 'yun?" Aniya at tumawa.
Ilang shots lang ang kinuha namin.
"Janine, itong dress, isukat mo na 'din." Ani tita.
Kaya kinuha ko na rin yung at pumasok na ulit sa fitting room, as usual, nandito parin si tita para tulungan ako.
After kong sukatan, nagyaya si tita na kumain kami sa labas. 'Kuno' wala naman daw siyang gagawin sa botique niya. Sa isang italian restaurant kami nag lunch since 12:30 na rin naman.
After naming mag-lunch nag paalam na rin si tita sa amin. Kami naman ni Georgina, nag-commute lang. Hindi niya kasi dala yung 'baby Porsche' daw niya eh.
Pagkadating ko sa bahay, inayos ko na agad yung gown at dress na pinili ko.
Sa heels naman.
Syempre si mommy na ang bahala dun. Ano pa't nagmay-ari ang family namin ng Valeriano company. Eh ang product naman ng company namin ay sapatos at isama na rin ang bag.
**
"Hi Mom, Dad" hinalikan ko sila sa pisngi.
"Hi honey.." Ani Dad.
"Honey, this is your shoes" binigay ni Mom yung dalawang box ng sapatos.
After naming mag-dinner, pinapunta ko naman si Mom at Dad sa kwarto ko para ipakita yung napili kong dress at gown. At tuwang tuwa naman sila.
Pinakita ko rin yung picture ko with Georgina and Mrs. Ferrer.
Sabi pa nga nila, gusto daw nilang makilala si tita eh. Sabi ko naman, next time. Hehehe.
Bago ako matulog, tiningna ko muna yung shoes na binigay sa akin ni mom.
Yung isang shoes. Six inch ang height. Yung isa naman, five inch. Yung six inch, bagay dun sa gown ko. Glass shoes kasi. Para tuloy akong si cinderella. Hehehe. Pero sigurado naman akong di ito kita. Mahaba kasi yung gown eh. Gown nga eh.
Yung five inch naman, bagay 'dun sa white and black dress ko. Bagay din na sa gown, pareho lang naman ng color yung dress at gown. Color white yung shoes with gold color. Para naman akong Miss universe. Hahaha! Charot.
Sigurado akong magiging maganda ang kalalabasan ng Pageant.
Excited na ako!
BINABASA MO ANG
Change of Hearts
AksiWARNING: CLICHE! CRINGE! Janine Samantha Valeriano was once a fine lady. Until she met Jillian Alexander Salveda who made her life turn upside down that make her heart change from it's typical norm.