Chapter 31

1.3K 45 1
                                    


Xander's Pov

On the way ako sa bahay ni Janine para sabay na kami pumasok sa SU. Pag-dating ko sa tapat ng bahay nila ay inipark ko ang aking sasakyan sa tabi ng kalsada. Pinasadahan ko ng kamay ang aking buhok bago lumabas ng sasakyan.

Na-text ko na si Janine kaya alam niyang pupuntahan ko siya ngayon para sunduin.

Tuloy-tuloy akong pumasok sa loob ng gate. Tinanguan ko ang hardinero na nagtitrim sa mga halaman sa may bakuran bago ako pumasok sa loob ng mansion.

Pagdating ko sa living room ay isang babae ang nadatnan ko na nakaupo sa may couch. Hindi ko siya pinansin at tuloy na umakyat sa second floor. Bago pa man makatuntong ang aking paa sa hagdanan, isang malakas na suntok ang naramdaman ko sa aking likod. Halos madapa ako sa lakas noon. Fuck! Gigil ko siyang hinarap. Tangina! Sino ba itong babaeng 'to? Kahit maganda siya ay baka masuntok ko din siya! Tangina! Ang sakit sumuntok!

"Who are you?! Trespasser ka!"

"Anong tresspasser? For your fucking information, matagal na akong pumapasok dito at kilala na ako ng mga tao dito maging ang parents ni Janine! Ikaw sino ka?"

Ibubuka pa lamang niya ang kaniyang labi ay biglang pumagitna na sa amin si Janine.

"Baby!" Nakahinga ako ng maluwag. Buti naman at talagang masasapak ko ang babaeng ito pag nagkataon.

"Ate! Andito ka pala!"

Ate? Don't tell me ito yung kapatid ni Janine na sinasabi sa 'min ni Eon?

"Janine?! Who is this fuck?" The hell? Anong fuck?!

Nanggigigil kong kinuyom ang aking kamao. Fuck! I need to fucking calm down. Kailangan kong unawain na kapatid siya ni Janine. Kailangan kong makuha ang loob ng mga kapamilya ni Janine para na din sa ikagaganda ng relasyon namin kapag nagpakasal na kami.

Hell yeah! Advance akong magisip!

"He's my boyfriend ate." Sumulyap sa 'kin si Janine. "Ate, he's Jillian Alexander Salveda, my boyfriend and babe, she's my sister. Jastine Chloe Takahashi."

Takahashi?

Tumango yung babae at sandaling yumuko. Is she a Japanese? "Sorry about what I did. I didn't know your my sister's boyfriend."

Tumango na lang ako sa kaniya. Bahala siya sa buhay niya! Ayaw munang magtatanong! Manuntok ba naman daw! Shit! Masakit pa din!

"We have to go, ate. May klase pa kasi kami." Tumango siya at ngumiti sa amin bago kami umalis.

_____

"Takahashi?" Tanong ko habang narito kami sa intersection papuntang SU.

"It's his step father surname. Sorry about what happen earlier. Napagkamalan ka pa niyang trespasser."

"Ang sakit nga 'nung suntok niya sa 'kin. Babae ba 'yung kapatid mo?" Haft sister niya pala 'yun. Hindi niya ito naikwento sa 'kin, ah!

She laughed. "Oo naman. Sorry talaga ah."

Tumango na lang ako. "Mind telling me? Hindi mo ito nabanggit sa 'kin."

Pinatakbo ko muli ang sadakyan ng mag-go signal.

"Ahm... si ate Jastine ay anak ni Daddy sa pagkabinata. Japanese ang Mommy niya na ngayon ay may asawa ng Japanese din."

"Then, bakit ngayon lang siya nagpakita? Where did she came from?"

"Sa Japan siya nakabase kasi kinuha ulit siya ng Mommy niya sa 'min noong bata pa siya. Tapos umuwi siya dito kahapon. She never told us why. Nag-message na lang siya kay Mommy na uuwi siya."

Change of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon