Xander's Pov
Ngayon na gaganapin ang SU got talent kaya ito at nagreready na kami. Pero hindi naman namin goal ang manalo. I just want to sing for my beloved Janine. Gusto ko siyang alayan ng kanta dahil sa pagbibigay niya sa 'kin ng kasiyahan.
Corny? Yeah! I bacame corny when I met Janine and it's alright for me. As long as it talks about Janine.
"Xander, tara na. Nandiyan na siya." Ani Kyle habang pinapaikot ang saklob niya sa kamay niya at inihahagis sa ere.
Dumiretso kami sa headquarters. Doon kasi namin hihintayin ang isa sa mga ulol kong gangmates. Six months din na nawala ang kumag dahil nagbakasyon sa Japan. At ngayon ay nandito na siya, kumpleto na ulit kami.
Nang makarating sa headquarters ay hindi pa siya dumadating. Ito at hinihintay namin siya sa labas. Hindi ko alam kung bakit ayaw magsipasok sa loob ng quarters itong sila Eon? Masyado atang excited makita itong gangmates namin na nagbakasyon. Well... ayoko lang aminin pero na-miss ko din ang gagong yun. Nang makapunta siya sa Japan ay nawalan na kami ng communication sa isat isa tapos nitong nakaraang araw lang ay nag-message siya kay Kyle na pauwi na daw siya sa pilipinas. Tss... makakatikim sa akin ang gagong yun!
Isang itim na corvette ang pumarada sa harapan namin. Matagal pa itong tumigil na tila naghahanda sa paglabas ang kung sino mang nasa loob. Pansin ko ang pagkamot sa ulo ni Matthew at kinatok na ang sasakyan. Nagbukas ang pintuan ng driver seat at doon ay bumaba ang gago habang tumatawa.
"Grabe, Matt! Are you that excited to see me? Talagang kinatok mo na ang kotse ko!" Humalakhak siya na agad napawi ng isa isa namin siyang batukan.
"What the hell? Miss na miss niyo ako 'no? Tsk!" Inayos niya ang buhok na bahagyang nagulo. Ngisi lamang ang isinukli namin sa kaniya.
"So, Liam? How was your vacation? You didn't even bother to fucking contact us!" He just grinned.
"Japan's good. Sa susunod isasama ko na kayo doon sa pagbabakasyon ko para hindi niyo na ako ma-miss!"
Nasapok ko siya. "Tangina, Xander! Tama na. Nagugulo na ang pinakakaingatan kong buhok!" Lumapit siya sa kaniyang sasakyan at nag salamin sa side mirror noon.
Natahimik silang lahat at pansin ko ang pagsesenyasan nilang magtanong kay Liam.
Tsk! Pauyuhan pa ang mga gago!
"Any news?"
"Wala doon si Ariana."
Ariana---His Girlfriend. Actually, hindi naman talaga siya nagbakasyon sa Japan. Sinundan niya doon ang girlfriend para makipagayos dahil sa nagkaroon ang dalawa ng problema. But yeah, unfortunately, hindi pala niya nakita.
"Wala?" My idiot gangmates asked in chorus.
"Yeah. Wala siya 'dun. Sabi ay nagpunta daw sa ibang lugar... ewan ko kung saang planeta nagsuot 'yun. Pero wala na akong pakialam dun. Ayoko ng habulin ang taong pagaari na ng iba." Pansin ko ang pag-igting ng kaniyang panga.
"What do you mean? Own by someone?" Kumunot ang noo ni James.
Liam shrugged. "She's already married."
"The hell?" It was Eon. Kahit ako ay nagulat. Ano yun? Nagkaproblema lang sila nagpakasal na agad sa iba?
"How did you know?" Terrence asked at lumapit na din kay Liam. I can see the pity on my gangmates eyes.
Ako man din ay naawa kay Liam dahil mahal na mahal niya ang Ariana'ng 'yun pero hindi ko pinahalata. I know Liam. He doesn't want to be pity on.
"Their maid told me. Anyway, don't talk about it. I'm fucking sick of it!"
BINABASA MO ANG
Change of Hearts
ActionWARNING: CLICHE! CRINGE! Janine Samantha Valeriano was once a fine lady. Until she met Jillian Alexander Salveda who made her life turn upside down that make her heart change from it's typical norm.