Chapter 6

2.2K 77 1
                                    


Xander's Pov

Kanina ko pa tinititigan ang babaeng katabi ko. Para kasing kilala ko siya eh. Bukod dun sa nagkita kami nung enroll-an. I don't know where and when, but I feel like I already met her before.

Tiningnan ko pa siyang mabuti. Parang mina-magnet ang mata ko na tumingin sa mga mapupungay niyang mata.

Maganda siya, simple, maputi. Kitang-kita sa katawan niya kung gaano kaganda ang hubog niya. Makinis, matangos ang ilong at wala 'man lang kahit anong bakas ng pimples, black heads, white heads or even freckles. Napatingin naman ako sa kaniyang mapupulang labi. Damn it! Parang ang lambot-lambot ng labi niya.

I unconsciously bite my lower lip. Parang gusto kong matikman ang labing 'yun. Fuck it! Para na akong manyak nito.

Kinuha ko na lamang ang cellphone ko. Pakialam ko diyan sa prof. namin. Nakakabagot makinig diyan.

I went to my instagram app and log in to my account. Agad nanlaki ang mata ko ng makita ang isang picture na babagong post lang at si Janine Samantha Valeriano ang nag-upload ng pictures.

Did I followed her? Ang natatandaan ko ay hindi ko siya kilala so paano ko naman siya mapa-follow?
Well... it's good. Hindi ko na siya kailangan pang tanungin kung anong pangalan niya.

I went to her Profile. She has 500k plus follower. Woah! She's that famous, huh!

Tiningnan ko lahat ng mga photos niya. Hindi ko maikakaila na naa-attract ako sa kaniya. She's a beauty. Effortless siyang kuhanan ng picture at hindi na 'yun nakakapagtaka dahil isa pala siyang madelo.

Maganda at may ipagmamalaki.

"Okay... dissmised class." Anunsyo ng professor. Ni hindi ko man lamang napansin na tapos na ang klase. Ang bilis naman matapos ng dalawang oras.

Nagpatuloy na lang ako sa pag-stalk sa magandang babaeng 'to.

"Ganda ah." Napamura ako ng magsalita si Kyle sa tabi ko.

"Shit!" Bulyaw ko sa kanya. Hindi ko man lang siya napansin na pumunta sa likod ko.

Ngumisi siya ng nakakaloko at tumingin sa tabi ko kung saan nakaupo sa Janine.

"Siya yan, 'diba?" Fuckshit! Baka mahuli niya akong stalker niya sa ingay nitong si Kyle.

"Type mo?" Bigla ay napaatras ako ng sumulpot si James sa tabi ko. Isa pa ito! Mga tsismoso ka-lalaking tao.

"Hindi." Madiin kong sagot at binatukan ang mga tarantado.

Napatingin ako kay Janine ng tumayo siya. Naging visible tuloy sa magaganda kong mata ang makinis niyang legs.

Napalingon ako sa dalawa ng marinig ko ang tawanan nila! Nahuli pala nila akong nakatingin sa legs ni Janine.

Napasimangot ako.

Sige magtawanan lang kayo.

Lumabas na lang ako ng classroom. Baka hindi ako makapagtimpi at mabangasan ko lang sila.

Habang naglalakad sa hallway, kita ko si Janine na naglalakad na paalis. Hindi man pamang niya napapansin ang mga lalaking tumitingin sa kaniya. All I can see in their eyes is attraction.

"Agaw pansin talaga yung babaeng yun." Tumabi sa akin si Kyle na nakatuon ang atensyon kay Janine.

Hindi ko man lang namalayan na sinusundan ako ng mga gago.

Muli kong tiningnan ang mga lalaking pumapantasya kay Janine. Pero hindi ko sinasadya na marinig ang walang kwenta nilang usapan.

"Janine daw ang pangalan."

Change of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon