Chapter 42

1.3K 42 1
                                    


Narrator's Pov

Awang-awa ang mag-asawang Salveda sa anak habang pinagmamasdan ang pagkalugmok nito sa kwarto nito. Hindi nila ito malapitan dahil ito na din ang nagsabing gusto nitong mapag isa. Nakakalungkot na sila ang magulang ngunit wala silang magawa upang mapagaan ang loob nito.

Sobrang sakit... naninikip ang dibdib ni Xander dahil hanggang ngayon, umuukit pa din sa kaniyang isip ang halik ng babaeng mahal niya at ang tanginang lalaking 'yun! Wala siyang magawa kung hindi ang uminom ng uminom upang makalimutan ang bagay na 'yun ngunit kahit ata mainom na niya lahat ng beer na naka-stock sa kanilang kitchen ay hindi pa din yun mawawala sa kaniyang isip.

Naramdaman niya ang paglapit ng ina. Gusto man niyang muli itobg itaboy ay wala na siyang lakas. Nagawa na nitong makuha ang bote ng beer na hawak niya dahil wala ng pwersa ang paghawak niya doon.

"Son..." Niyakap siya nito. Maging ang kaniyang ama ay lumapit din at marahang hinagod ang kaniyang likod. Hindi niya napigilan ang pagluha at paghikbi. Kung bakit ba naman kasi mas nakakahabag tuwing may umaalo!

"Ano bang nangyayari sayo, anak? Sabihin mo... pease. Nag-aalala na kami ng Daddy mo!" Ramdam niya ang pagkabasa ng kaniyang balikat marahil ay sa luha nito. Shit! Mas lalo lamang sumakit ang dibdib niya sa kaalamang pinagaalala niya ang mahal na ina! Kung kaya nga lang niyang kalimutan na lang basta ang sakit ay ginawa na niya. Ngunit imposible naman 'yun!

"M-mom.." tiningnan niya ang mga magulang.

"Son, what happen?" Tanong ng ama. Kumukislap ang mga mata nito sa nagbabadyang luha.

"I found her." Nakita na niya muli ang dalaga... kaso ay may iba na itong mahal!

Nagkatinginan ang kaniyang magulang. May halong pagtataka ang kislap ng mata ng mga ito.

"Kung ganun ay dapat masaya ka dahil binalikan ka niya." Umiling siya sa ama. Sana nga binalikan na lang siya nito pero sinong niloloko niya? Bumalik ito pero hindi para sa kaniya!

"No, Dad! Babalikan niya ba ako kung mayroon na siyang iba! Mayroon na siyang ibang mahal! H-hindi na ako! Fuck!" Napasabunot siya sa sarili at tinabig ang bote dahilan ng pagkabasag nito. Hindi niya pinansin ang ina na bahagyang napalayo dahil sa direksyon nito tumalsik ang bote.

"G-gusto mo kausapin namin siya? Papakiusapan namin siyang balikan ka! Na kayo na lang ulit! Kesa naman makita kitang nahihirapan, anak ko!" Seryoso ba ito? Gagawin nito ang bagay na 'yun? Kilala niya ang kaniyang ina! Hindi ito basta basta nakikiusap dahil ayaw nitong ibaba ang sarili.

Tapos ito at makakikiusap ito para sa kaniya?

"I-iwan niyo muna ako..." ang nasabi na lang niya. Bahagyang nahihilo na din siya dahil sa nainom. At gusto na din niyang mapagisa.

Tumango lamang ang mag asawa. Humalik muna ang mga ito sa tuktok ng kaniyang ulo bago lumabas.

Napahiga na lamang siya sa carpeted floor at doon nakatulog.

Meanwhile,

Nanatili ang mag asawa sa labas ng pintuan ng anak at pinakinggan ito.

"A-anong gagawin natin, Axel? Ayokong nagkakagyan ang anak natin? Ayoko siyang nahihirapan!" Hagulhol ng ina ni Xander sa asawa.

Awang-awa siya sa anak. Mas gugustuhin pa ata niya ang pagiging basagulero nito kesa ang makita itong nasasaktan. Hindi siya sanay sa pinapakitang kilos ng anak!

Sobra-sobra ang pagmamahal nito kay Janine at nakakalimutan na nito ang sarili. Nangangayayat na din ang anak na mas labis na ikinabahala niya!

Inalo siya ng asawa. "Don't worry, Sandra. Ako ang bahala! Gagawa ako ng paraan upang bumalik si Janine sa buhay ng anak natin!"

"A-anong gagawin mo? Makikiusap ka ba sa mga Valeriano? G-gusto kong ako ang kumausap sa kanila! Kahit lumuhod ako sa harap nila para lang kumbinsihin silang ipakasal ang anak nila kay Xander ay gagawin ko!"

Umiling si Axel. "Hindi na kailangan! Just trust me, honey!" Pinatakan siya nito ng halik sa labi.

Xander's Pov

Sakit ng ulo ang nagpagising sa akin kinabukasan, pero mas pipiliin ko pa ang sakit na ito kesa sa pang matagalang sakit at paninikip sa dibdib.  Tangina! Ayoko ng magkaganito! Nakakapagod din! Pero hindi ako titigil! Dapat siguro gumawa na ako ng paraan upang makabalik siya sa akin! Hindi yung pagmumukmok lamang ang aking ginagawa!

Shit! Bakit ngayon ko lang ito naisip?! Damn!

Nagayos ako ng maliwanagan ang isip. Bakit nga ba ako magpapalunod sa sakit? I am Jillian Alexander Salveda for fuck sake! Kaya ko ang lahat. At kahit sakit ay kakayanin ko!

"Xander, kumusta ka na?" Nagaalalang bungad sa akin ni Eon ng makarating ako sa hideout. Dito muna ako magpapalipas ng oras. Rest day ko naman sa trabaho kaya ayos lang.

"Ito, naliwanagan na din kahit papaano." Ngumisi siya at tumabi sa akin. Mabuti pa ang taong ito! Okay na okay na ang buhay. Magkaka-baby na ang gago!

Kami lang ni Eon ang nasa hideout dahil may trabaho sila Kyle. Ito namang si Eon ay may trabaho din kaso may inutos ata si Zoe kaya napadpad dito.

Maya-maya ay nakarinig kami ni Eon ng tunog ng sasakyan. Akala namin ay sila Kyle ngunit ng labasin namin ito ni Eon ay bumungad sa amin ang makahawak kamay na si Janine at ang nasisiguro kong kasintahan niya. Siya yung hinalikan niya nung gabing may gang fight sana kami.

Napakuyom ang aking kamay. Anong ginagawa nila dito? Ayos lang sana kung si Janine lang ang pumunta!

Kaso hindi at kasama pa ang gagong 'to!

"Janine!" Lumapit si Eon at sandali itong niyakap. Namataan ko ang bahagyang pagngiti ni Janine.

Ngunit tila ibang tao na ata ang babaeng kaharap namin ngayon! Ang laki na ng kaniyang pinagbago! Mula sa pananamit, pagkilos at maging sa ekspresyon ng mukha niya! Hindi na siya ang Janine na kilala namin. Hindi na siya ang girlfriend ko.

"A-anong ginagawa niyo dito?"

She shrugged. "Pinapasabi ni tita na umuwi ka daw ngayon. Saan ka ba kasi tumutuloy? Ako pa tuloy ang nautusan!" Kita ko ang kaniyang pagingos kay Eon.

So? Yun ang dahilan kung bakit siya pumunta dito?

"Dapat ini-text mo na lang ako."

"Duh! Malay ko ng number mo!" Tumingin siya sa akin ngunit saglit na saglit lang. Kumbaga parang nadaanan lang ako ng paningin niya.

Nadaanan... parang ako lang sa buhay niya.

Tumango lang si Eon. Kahit siya ay parang naiilang din kay Janine. Dati naman kung maasar niya ito...

"Sige. S-salamat. Aalis na din ako."

Muli niya akong sinulyapan bago sila umalis ng wala man pang paalam. Ganyan na ba ang natutunan niya sa boyfriend niya? Walang modo? Damn!

"Shit! Mamamatay ata ako sa awkward atmosphere kanina! Tsaka, ang hirap ng pakitunguhan ni Janine!" Pumasok na ulit kami ni Eon sa loob ng hideout. Salita siya ng salita habang iniisip ko lamang ang mga asal ni Janine simula ng magkita kami.

fuck! Gusto ko na siyang bumalik sa dati!

"Nakaka-intimidate ang babaeng 'yun!"

Sumangayon ako kay Eon. "Ano kayang nangyari sa kaniya ng umalis siya?"

Tumawa si Eon. "Hindi pa ba obvious? Naging abala siya sa pagbago ng sarili niya! Sumali sa gang at paniguradong nakipagbugbugan!"

Hindi ko ata ma-imagine ang isang Janine na nakikipagsuntukan. Ni hindi nga siya makapatay ng langgam dati. Tapos ito at kasali na siya sa isang gang?!

The hell!

Change of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon