Janine's PovUmakyat agad ako sa aking kwarto pagkapasok sa bahay. Gusto ko munang umiwas sa maaring mangyaring gulo sa pagitan namin ni ate Jastine. Yeah, I am not dumb. Alam kong may lihim siyang pagtingin sa boyfriend ko pero dapat... bilang isang kapatid ay kalimutan na niya ang pagtingin na 'yun dahil sa simula pa lang naman ay ako na ang mahal ni Jillian.
Simula ng masaksihan ko ang paghalik niya kay Jillian ay hindi ko na siya kinausap. Hindi ko siya kinompronta kung bakit niya ginawa 'yun kay Jillian. At tsaka kailangan ko pa bang magtanong? Obvious na naman sa mga kilos niya. Masyado siyang halata sa pagtingin kay Jillian. Ulitimong hinalikan niya pa sa harapan ko si Jillian... ang boyfriend ko!
Sa nangyaring 'yun kailangan ko pa bang magtanong?!
Nawala pang saglit ang mga isiping 'yun ng nagring ang aking cellphone. Si Jillian, nakikipag video call.
I immediately answer the video call. Bumungad sa 'kin ang gwapo niyang mukha. Bahagyang magulo at basa ang buhok niya marahil ay kagagaling niya lang sa shower. Ang kaniyang mapulang labi ang nakaangat para bigyan ako ng kaniyang pamatay na ngiti!
"Why?" Tanong ko. Inignora ang paghanga sa kaniya.
"Hindi ka man lang ba maghe-hello sa 'kin? Why agad ang tanong?" He tsked. Ginulo niya ang buhok. Dahil doon ay nagtalsikan ang tubig mula sa kaniyang buhok at naampiyasan ang screen ng kaniyang... laptop, I think.
Umirap ako at sinunod ang kaniyang gusto. Bruho talaga! "Hi! Hello! O ayos na ba?" Ngumisi pantg siya at tumango. Hinubad niya ang kaniyang tshirt at tinapon sa kung saan. Bumungad tuloy sa 'kin ang maganda niyang katawan. At the age of 18, his body were really built and hunk. Parang kung titingnan ay 25 years old and above. Hindi ibig sabihin ay dahil mukha na siyang matanda, kung hindi dahil talaga sa katawan niya.
Sanay na naman akong makita siyang topless pero wag lang borles dahil talagang masasapok ko siya ng matindi.
"You're so cute."
"Yah. I know that." Natawa siya sa naging sagot ko.
Nagusap lang kami tungkol kay ate Jastine na kahit ayokong alalahanin ang ginawa niya ay hindi ko mapigilan.
"She likes you, you know."
Tumango siya at sumimangot. Parang naalibadbaran sa aking sinabi. "Yeah, she told me that. Pasensya ka na at marami akong masasakit na salita na sinabi sa kaniya. Hindi ko lang talaga mapigilan at alam kong kilala mo ko. Hindi ko kayang magpigil pag talagang napipikon na ako."
Oo, alam ko 'yun dahil noong minsan na nagaway kami ay nasagad ko talaga ang pasensya niya na umabot na ng maghapon ay hindi niya ako kinausap. Sinuyo ko siya noon pero syempre, bumigay din. Hindi niya naman kayang magalit sa 'kin ng matagal!
Tumango ako. "Pasensya na din sa kapatid ko, ah. Ganun kasi talaga 'yun. Pag may gustong makuha, talaga hindi niya titigilan pero sana, hindi ka mahulog sa pangaakit niya, ah. Ibang iba na kasi talaga siya ngayon. Para bang, sinapian siya ng multong malandi." Humalakhak siya.
"Damn! You look so hot when you talk like that about your sister. Nabubuhayan tuloy ako."
"Eww! Babe stop that!" Tumawa lang siya ng tumawa hanggang sa magseryoso siya bigla.
"And for your information, hindi talaga ako maaakit dyan sa baliw mo'ng kapatid. Hindi ganyan ang tipo ko sa babae!"
Umingos ako. As if hindi siya nagka-fling ng babaeng malandi. "Owws? Talaga lang huh?"
Pumikit siya at napakamot sa ulo. Akala mo ay frustrated na frustrated eh. "Well... I want to be honest with you. Before, my flings are like your sister. I already told you that there are times I laid with them, right?"
BINABASA MO ANG
Change of Hearts
ActionWARNING: CLICHE! CRINGE! Janine Samantha Valeriano was once a fine lady. Until she met Jillian Alexander Salveda who made her life turn upside down that make her heart change from it's typical norm.