Chapter 40

1.4K 46 5
                                    


Xander's Pov


5 Years Later...

"Hi, babe!" Humaplos ang malambot niyang palad sa aking braso bago ipulupot doon. Hindi pa siya nakuntento dahil pintakan pa niya ako ng halik sa aking labi na aking ikinangisi.

"Ang tagal kitang hinintay. Bakit ngayon ka lang bumalik?"

"Naisip ko lang na hindi pala dapat iniiwan ang isang katulad mo." Her red lips painted with lipstick curled up.

"Ngayon mo lang ba na-realize?"

Sumimsim muna siya sa kopita na naglalaman ng matapang na alak bago tumango at tumingin sa akin. "Yeah, like what the hell? Why would I leave Jillian Alexander Salveda? He is a package for petes sake! Every woman swoon over you. Ang swerte ko na nga at ako ang napili mo!"

Tabingi ang aking naging ngisi.

Gusto ko man matuwa sa kaniyang sinabi ay hindi ko magawa. Sana naisip niya din ang mga sinasabi ng babaeng ito. Pero wala eh, iniwan niya pa din ako kaya ito ako, nakakulong pa din sa nakaraan.

Nilapitan ko ang babae at mariing hinalikan sa labi. Sa loob ng limang taon, ito ako. Ito ang pinagkakaabalahan ko. Hindi para magpakasaya, kung hindi para makalimutan lang siya kahit sandali. Bawat segundo ata ay siya ang aking naiisip kaya ito ang ginagawa kong paraan para makalimot kahit man lang isang oras.

Pero mukhang hindi tumatalab ngayon dahil kahit kahalikan ko na ang babaeng ito ay hindi pa din siya maalis sa aking isip.

Natapos ang gabing 'yun sa isang mainit na sandali sa pagitan namin ng babaeng kakikilala ko pa lang kanina. Wala namang kaso sa akin 'yun basta malinis siya at walang sabit.

Tulog na ang babae sa aking tabi samantalang pinagmamasdan ko lang ang litrato namin ni Janine. Hindi ko maiwasang maisip na magagalit kaya siya kapag nalaman niya na ito ang mga pinagagagawa ko habang wala siya? O baka wala lang siyang pakialam dahil hindi na niya ako mahal.

Kinalabutan ako sa isiping 'yun. Parang hindi ko kaya na mawala ang pagmamahal niya sa akin. Dahil ako? Nananatili ako. Kahit madaming dumaan sa aking babae habang wala siya ay siya pa din ang mahal ko. Hindi na magbabago 'yun.

Aaminin ko, nagagalit ako. Nagagalit ako sa kaniya dahil hindi man lamang niya pinakinggan ang paliwanag ko. Mas pinili niyang umalis kesa ayusin ang problema naming dalawa.

Sabagay, bakit ko pa ba iniisip ang mga ito? Tapos na! Nangyari na at hindi ko na maibabalik pa ang nakaraan.

Pagtunog ng aking cellphone ang nagpagising sa akin kinabukasan. Nasa bahay na ako dahil madaling araw ko iniwan ang babae sa hotel na tinuluyan namin kagabi. Ayokong maabutan pa ako ng babaeng 'yun dahil paniguradong kukulitin lang din niya ako katulad ng ibang babae na dumaan na sa akin.

"Hello?" Paos ang aking tinig dahil sa katunayang kagigising ko lang.

("Xander!")

"Ano 'yun? Naririnig kita! Hindi ako bingi kaya wag kang sumigaw!" Bumangon na ako. Hindi na din naman ako makakatulog dahil sa mga isipin.

Kinuha ko ang pantalon na nakakalat sa sahig at isinuot. Naigala ko ang paningin sa aking condo. Walang mababakas na kalat dahil kalilinis ko lamang kahapon. Ewan ko! Mula ng umalis si Janine ay natuto na akong maglinis ng condo ko. Gusto ko pagbalik niya, may maipapagmalaki na ako sa kaniya kahit maliit na bagay lang 'yun.

("Nakita ko si Janine, Xander!")

Napahinto ako sa pagsusuot ng tshirt. "Wag mo akong lokohin, Eon! Maawa ka sa mga anak mo pag hindi ka nagseryoso dahil papatayin talaga kita!"

("Tangina! Seryoso ako, Xander! Galing ako sa Mall kanina para ipasyal ang magiina ko tapos nakita ko na lang siyang lumabas sa may department store! Hindi ko siya nahabol dahil maraming tao!")

"Saang Mall 'yan?"

("Veda Mall, Xander!") Seriously? Sa Mall ko?

Ibinaba ko ang tawag at nagmamadaling lumabas ng aking condo. Halos mabangga pa ako sa pintuan dahil sa pagmamadali.

Ibig sabihin ay hindi na siya nagtatago! Alam niya na pagmamay ari ng pamilya ko ang Veda Mall kaya palagay ko ay hindi na niya ako tinataguan. Kung nagtatago siya eh di dapat sa ibang Mall siya pumunta at hindi sa Mall na pagaari ko na ngayon.

Narrator's Pov

"Kumusta ang pinapagawa ko sa inyo?" Humithit siya ng sigarilyo habang mariing nakatuon ang matatalim na titig sa kaniyang mga myembro.

"Ayos na, Master. Naka-schedule ang laban natin sa linggo, 12AM ang oras."

Hinawi niya ang buhok bago sumimsim sa wine na nakahanda sa kaniyang harapan. Ang kaniyang kuko na napipinturahan ng itim cuticle ay nagbibigay ng ingay sa buong silid dahil sa pagtuktok niya sa lamesang kahoy.

"Anyway, where's the bitch now? Kasama ba siya ni Salveda?" Umiling ang isa sa mga ka-grupo.

"Sa pagkakaalam namin ay bumalik na ang babae sa Japan at kasalukuyang naghahanda sa kaniyang paparating na kasal."

Napangisi siya. Napakaswerte naman pala ng putanginang babaeng 'yun! Siya na nga ang nanira ng relasyon, siya pa ang masaya ngayon! Ang galing naman talaga!

Mariing pinisil niya ang kopita dahilan para magkadurog-durog iyon at tumusok sa kaniyang palad. Hindi niya ininda ang pagagos ng dugo mula doon. Nanatiling matalim ang kaniyang titig ngunit may tamis na ngiti ang nakaukit sa kaniyang labi.

Kung ganun pala ay hindi na niya magugulo ang babaeng 'yun dahil malayo na pala ito sa kaniya. Ayaw naman niyang pagaksayahan ng panahon na puntahan ang babae sa bansa ng mga hapon para lang sirain ang buhay nito. Ayaw niyang magpakababa katulad nito. Hahayaan na niya ang babaeng 'yun ngunit sa oras na makita niya ito ay makakatikim ito sa kaniya.

"Alam na niya na bumalik ka na." Balita pa ng mga ito.

"Good!" Tinungga niya ang wine sa mismong bote.

Xander's Pov

"Tanginamo, Eon! Akala ko ba ay nakita mo! Bakit hindi siya nakita ng CCTV ng Veda Mall?!"

Napakamot siya sa ulo.

"Nakita ko talaga siya. Kilala ko ang pinsan ko, Xander. Ang hubog ng katawan niya at kung paano siya lumakad. Katulad na katulad ng kilos ni Janine ang babaeng nakita ko! Nagbago lang siya ng pananamit ngunit alam kong siya 'yun! Promise, mamatay man si Liam!"

"Tarantado! Bakit ako!" Lumipad ang throw pillow sa mukha ni Eon ng batuhan siya ni Liam.

Napatingin kami kay Kyle ng tumayo ito at lumapit sa amin.

"May laban mamaya. Crash daw ang pangalan ng gruping makakalaban natin."

Yes, kahit ilang taon na ang nakalipas ay hindi pa din kami humihinto sa gawaing ito! Kahit may sari-sarili na kaming trabaho ay hindi ito nawawala sa oras namin. Yeah right! Old fucking habits die hard.

"Crash?" Tanong ko. Bago lang 'yun sa pandinig ko kaya baka bagong grupo lang.

Tumango siya.

"Bago lang daw pero kasunod na natin sa Rank." So Rank 2 sila.

"May info ka ba nila?" Tanong ng nakahilatang si James. Nakatutok siya sa kaniyang cellphone habang pangisi-ngisi.

"Wala akong mahanap na info tungkol sa kanila kaya mahihirapan tayo nito! Hindi natin alam ang kanilang kakayahan."

"Ilan daw ang myembro ng grupong 'yun?" Mukhang tama si Kyle, mahihirapan kami. Tuwing lumalaban kami ay lagi kaming may alam na impormasyon sa makakalaban namin pero ito Crash na 'to ay misteryoso.

"Sabi nung lalaki na nagsabing sila daw ang kalaban natin, pito din daw kagaya natin. Yun lang."

Mukhang kailangan naming maghanda dahil wala kaming kaide-ideya kung sino ang Crash na ito! Fuck!

Change of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon