Chapter 7

2.2K 85 9
                                    


Janine's Pov

Its been 4 months since we've start our Classes. Marami na ring nangyari pero para sa akin, ganun parin. Wala namang nagbago. Maliban lang sa maraming nagpapapansin sa akin. But I usually ignore and rejected them. I'm not ready to have a boyfriend yet.

Syempre.. na kay Alex pa rin ang puso ko. And speaking of Alex.

Narito kami ngayon sa cemetery, death anniversary kasi ni Alex.

"Aunt Kylie, uncle John." Bati ko sa parents ni Alex.

"Hi Janine!"

"Janine, it's been 2 years when I last saw you." Si lola Cecille. Grand mother ni Alex.

Ngumiti lang ako sa kaniya. I give her a kiss on her right and left cheek.

Close ako sa buong family ni Alex. Maliban lang dun sa half-brother niya na ni minsan ay hindi ko pa nakikita. Anak sa labas si Alex ni uncle John pero parang totoong pamilya na rin siyang ituring ng pamilya Salveda. Mababait talaga sila.

"You still gorgeous as ever." Nahihiyang ngumiti ako kay auntie Kylie. Kahit laging puro papuri ang naririnig ko sa kaniya noon hanggang ngayon, I'm still not use it. Nakakahiya kasi.

"Auntie talaga, oh. Kayo rin po, maganda pa 'rin. Walang kupas." Balik puri ko sa kaniya. Totoo naman, eh. Napakaganda pa 'rin ng mommy ni Alex. Parang bampira, hindi tumatanda ang itsura.

"Sus! Ate Samsam, binola mo pa si mommy." Ani Lexie. 7 Years old, half-sister ni Alex. Legal na anak nila Aunt Kylie at Uncle John.

Lumapit naman si Lexie sa akin at hinila ang kamay ko paupo para pumantay sa height niya.

"Ate Samsam, mas gumanda ka ngayon. Kung narito siguro si kuya, baka inlove na inlove na yun sayo." Natawa ako sa sinabi niya at tumayo na ulit. Pero pansin kong malungkot ang mga ngiti ni Lexie. Nami-miss niya siguro si Alex.

Kahit naman ako at ang buong pamilya niya, miss na miss na 'rin siya.

"Matagal ng inlove na inlove si Alex kay Janine. 'Diba hijo?" Pagkausap ni Lola sa puntod ni Alex. Napangiti ako dahil doon.

Lumakas ang hangin kaya bahagya akong nanginig. I think Alex is here.

"Hala! Mammu, kuya's here." Biglang yumakap si Lexie kay lola Cecille.

Napa-ngiti ako sa sinabi ni Cleah kaya umupo ako sa harap ng lapida ni Alex. Mas gusto kong narito si Alex at nagpaparamdam. Sa ganoon ay ramdam kong hindi niya talaga ako iniwan.

Xander's Pov

On the way ako papunta sa cemetery kung saan nakalibing ang half-brother ko. Miss na miss ko na rin yun eh. Death anniversary niya ngayon. Bago ako dumiretso sa cemetery, bumili muna ako ng bulaklak para sa kaniya.

Mabilis lang naman ako kaya pagdating ko sa cemetery, dumiretso na agad ako sa puntod niya at nakita ko na rin yung pamilya namin.

Kahit half-brother ko lang yung si Alex, tanggap na tanggap namin siya ni mommy. Kahit 'di galing kay mommy si Alex, mahal na mahal pa rin niya si Alex at ganun din ako. Napakabait naman kasi niya.

I snapped back on my senses when my phone vibrated in my jeans pocket.

Pagtingin ko, si mommy ang nag-text, tumigil muna ako sa paglalakad at tiningnan yun kahit kita ko na sila sa kinatatayuan ko.

Mommy:
Xander, where are you? kanina ka pa naming hinihintay. By the way, narito ang girlfriend niya with her family. Please faster. I love you.

Change of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon