Janine's Pov"Janine! Nabalitaan namin yung nangyari!"
"Yeah... but I'm okay now, Georgina. Thanks to Jillian." Nginitian ko si Jillian na nasa aking tabi lamang at hapit-hapit ang aking bewang.
Natakot ako noong time na yun. Akala ko katapusan ko na. Buti dumating si Jillian at iniligtas ako. Nung tinangka akong gahasain nung isang lalaki na hindi ko alam kung kasamahan ba nila... takot na takot ako. Good thing may pumigil sa kaniya.
Sandali akong umalis sa tabi ni Jillian upang mag-CR dahil kanina pa ako naiihi. On the way sa CR ay napapangiti pa ako dahil sa pagkapanalo nila Jillian sa SU got talent.... nang mabura 'yun dahil sa lalaking humarang sa aking daanan.
"Hi, Janine!" Hindi agad ako nakatakbo ng bigla na lang nila akong hinila papunta sa back gate ng SU.
"Sino kayo? Sagutin niyo ako! Help! Help!" Tinakpan nila ang aking bibig gamit ang panyo... at ang huli ko na lamang natandaan ay ang pagpasok ko sa isang puting van bago ako makatulog.
Nagising lang ako ng makaramdam ng lamig dahil sa upuang bakal na aking kinasasadlakan. Sinag lamang mula sa maliwanag at bilog na bilog na buwan ang aking naging tanglaw sa loob ng.... nasisigurong kong abandonadong gusali.
Nasaan ako? Saan ako dinala ng mga lalaking kumuha sa 'kin?
Nararamdaman ko ang pananakit ng aking palapulsuhan at paa dahil sa lubid na nakatali doon. Maging ang aking labi ay nanunuyo dahil sa kaba at sa pagkakabusal ng panyo sa aking bibig.
Sinubukan kong pumiglas at ikiskis sa upuan ang lubid pero hindi man lang noon nagawang lamatan ang tali. Paano na ako makakaalis dito? Baka hinahanap na ako nila Zoe... ni Jillian!
"Hindi mo makakalag 'yan. 'Wag mo ng subukan pa. Mapapagod ka lang." Nag angat ako ng paningin sa lalaking walang damit pangitaas. Seryoso siyang nakatingin sa akin habang humihithit sa kaniyang yosi. Nasa likod niya ang pito pang mga kalalakihan na masasabi kong katulad ng nakatopless na lalaking ito ay may dating sila.
"Anong kailangan niyo sa 'kin? Ransom ba?" Nagkiskis ang aking mga ngipin sa gigil ng ngumisi siya.
Nagkatinginan lang ang mga kumidnap sa akin at naghagalpakan sa pagtawa.
"Ransom? Hindi namin kailangan ng pera... madami kami 'non." Pinadaan niya ang kaniyang hintuturo sa aking leeg pababa sa aking braso. Napaigkas ako sa nakakadiring pakiramdam. Hindi ko maatim na nahawakan niya ako sa ganoong paraan! "Hmm... magaling pumili si Salveda. Laging maganda ang tinitira."
Salveda? Jillian?
"What do you mean? Are you talking about Jillian Alexander?!" Ipiniglas ko ang aking braso ng hawakan niya ako doon ngunit hindi siya natinag. Mas humigpit lamang iyon na naging dahilan ng pagbaon ng kaniyang kuko sa aking balat.
I shrieked. "Ano ba!"
"That bastard... Jillian Alexander Salveda is our first fucking enemy. Hindi ka naman talaga dawit dito kaso wala kaming maisip na pangganti dahil tinalo ng grupo niya ang grupo ko... kaya kinidnap na lang kita." Pakiramdam ko ay nakakakita ako ng demonyo sa kaniyang katauhan habang tinititigan ang maitim at mabilog niyang mga mata.
BINABASA MO ANG
Change of Hearts
AcciónWARNING: CLICHE! CRINGE! Janine Samantha Valeriano was once a fine lady. Until she met Jillian Alexander Salveda who made her life turn upside down that make her heart change from it's typical norm.