Chapter 18

1.5K 53 1
                                    


Janine's Pov

"Oh" Bigay ko ng towel kay kuya Eon.

"Thanks" Aniya.

Narito kami ngayon nila kuya Eon sa may living room ng bahay namin. Pawis na pawis sila kaya binigyan ko sila ng towel. Kawawa naman at baka matuyuan sila mg pawis eh di nagkasakit pa sila. Mahirap na baka masisi pa nila ako pag nagkasakit sila.

Nakita ko naman si Georgina na patakbo palapit sa amin.

"Janine, tara magswimming. Namiss ko rin magswimming dito sa inyo eh. Okay lang ba?" She's using her puppy eyes again.

"Nah, wala kayong dalang damit." Hindi naman sa ayoko silang magswimming dito sa amin, ang kaso lang kasi eh wala silang dalang damit. Tsaka baka magalit ang parents nila kasi di sila nagpaalam.

Pag nagswimming kasi kami eh pinagpapaalam ko sila.

"Pahihiramin mo naman kami, right?" Aniya.

Napataas naman ako ng kilay sa sinabi niya.

"Pwedeng next time na lang. Narito rin kasi sila." Sabay turo ko sa magkakatabing sila kuya Eon and his friends.

"Makiki join naman sila eh." Parang sure sure siyang sasama sila ah.

Huminga muna ako ng malalim at inilagay ang phone ko sa table ng living room at tumayo sa pagkakaupo sa single couch.

Tinapik ko si Georgina sa braso at kinuha ang juice sa may table at uminom.

"Wala silang damit." Ani ko at naglakad na papunta sa stairs.

Di ko pa man nai-tutung tong ang paa ko sa stairs ay narinig ko naman si Kuya Eon na nagsalita.

"Madali lang kumuha ng damit. Ite-text na lang namin sa bahay namin, diba mga 'tol?"

"Oo naman." Kuya Eon friend answer.

Tumingin ako sa kanila at ngumiti na lang bago tumango. Ayokong maging rude sa kanila kaya hahayaan ko na lang. Nawala lang talaga ako sa mood sa nangyari kanina.

**

"Janine, aren't you going to swim?" Tanong ni Raiko habang nasa pool side.

"No." Mabilis kong sabi at bumalik na ulit sa paglalatop.

Nasa swimming pool kasi silang lahat at ako lang ang hindi. Naghahanap kasi ako sa youtube ng pwedeng kantahin sa contest. Yung mild lang pero dapat malakas ang dating. I preferred 10,000 hours by Justin Bieber kaso it's too for me. Baka di ko kayanin.

Nagulat na lamang ako ng may nagsara ng laptop ko. Si kuya Eon na seryosong seryoso ang mukha. Alam kong pag ganyan siya, galit na yan.

"What?" Inis na tanong ko sa kaniya.

"Sasali ka ba o hindi?"

Napatingin ako sa mga kaibigan ko sa pool, nakatingin silang lahat sa akin maging ang mga tropa ni kuya Eon. Dumako ang tingin ko kay Jillian at nagiwas ng tingin ng makitang nakatingin din siya sa akin.

"No." Muli kong binuksan ang laptop ko at nagpatuloy sa ginagawa.

"Ayaw mo ha." Aniya.

At naramdaman ko na lang na umangat ako sa aking kinauupuan.

"Kyaah! Kuya Eon please put me down... you bastard!"

"Ayaw mo eh. Eh di ihahagis na lang kita"

Nanlaki ang mata ko at nagpipiglas.

"Isusumbong kita! Ibaba mo ko!"

Nakita ko na malapit na kami sa pool kaya nagpupumiglas pa ako lalo.

Change of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon