Chapter 16

1.7K 53 1
                                    

Xander's Pov

"Dude." Alex called me. Lumapit siya sa akin at umupo sa side ng kama ko. Napatingin ako sa kaniya. Anong ginagawa niya dito sa kwarto ko?

"Bakit 'tol?" Tanong ko sa kaniya ngunit focus ang atensyon ko sa pagaayos ng tono ng aking gitara.

"Diba naikwento ko na sayo si Janine? Yung girlfriend ko?" Aniya.

"Yeah, bakit break na kayo?" Natatawa kong tanong.

"Nope." Lumapit siya sa akin at inakbayan ako.

"Oh bakit mo tinatanong sa akin 'yan?"

"Ipangako mo sa akin na aalagaan mo siya."

What? What is he talking about? What is he trying to say? Hindi nga kami close ng GF niya tsaka never ko pa siya nakita.

"Ipangako mo sa akin na aalagaan mo siya." The way he tell me those words, it was so serious. Ano bang nangyayari sa kaniya?

Natahimik tuloy ako sa sinabi ni Alex.

"Wala na ako 'tol, kaya ipangako mo sa akin na mamahalin mo siya at wag mo siyang lolokohin dahil baka pasunudin kita ng di oras sa akin."

"Fuck you, paanong wala ka eh, ayan nga oh, kausap kita. Pinagtitripan mo ba ako? Umayos ka nga." Nakakabwisit naman itong si Alex. Kung ano-anong sinasabi.

Iba tuloy ang nararamdaman ko.

"Basta. Promise me that you will take care of her. Hindi ako nagbibiro 'tol." He said. Seriousness was evident in his voice.

"Ano bang problema mo?" Inis kong sabi.

"'Tol, pinapaubaya ko na siya sayo. Hindi ko na siya maaalagaan kaya ipangako mo sa akin 'tol"

Tumango na lang ako kahit hindi ko alam ang gusto niyang iparating sa akin. Inakbayan ko siya.

"Promise 'tol, I will make her happy just like what you did oh, no... mali pala. Papasayahin ko siya ng higit pa sa pagpapasaya mo sa kaniya." Sabay fistbump ko sa kaniya.

"Thank you 'tol. You promise huh? You'll take care of her. So, I'll go a head. Babantayan kita ha? Lagot ka sa akin pag sinaktan mo siya." He threatened.

"Sure tol. Maasahan mo ako"

Biglaang pagbangon ang nagawa matapos ang panaginip na yon. Sweats are dripping on my forehead.

It was just a dream but it seems like it's real.

"Ipangako mo sa akin na aalagaan mo siya."

"Wala na ako 'tol, kaya ipangako mo sa akin na mamahalin mo siya at wag mo siyang lolokohin dahil baka pasunudin kita ng di oras sa akin."

"Basta. Promise me that you will take care of her. Hindi ako nagbibiro 'tol."

"'Tol, pinapaubaya ko na siya sayo. Hindi ko na siya maaalagaan kaya ipangako mo sa akin 'tol"

"Thank you 'tol. You promise huh? You'll take care of her. So, I'll go a head. Babantayan kita ha? Lagot ka sa akin pag sinaktan mo siya." He threatened.

Napangiti ako sa sinabi niya sa panaginip ko. Nakailang beses siyang nagsabi na ipangako ko sa kaniya na alagaan ko si Janine.

And I will dude, I will take care of Janine. Ng mas higit pa sa pagaalaga mo sa kaniya.

**

"Ano Xander, pupuntahan mo pa ba si Janine sa bahay nila."  Eon asked me while he's using our treadmill.

Change of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon