Janine's Pov
I went to Korea after I spotted Jillian and Jastine in one room. Masakit... sobra. Pakiramdam ko ay nagkadurog-durog ako. Gusto kong kalimutan lahat ng masasakit na nangyari sa akin sa Pilipinas. Hindi ko ata kakayanin kung makasalubong ko man ang isa sa kanila. Mahirap magpanggap na wala akong nakita. Hindi ako tanga para mahalin pa rin siya kahit niloloko na niya ako. Hindi ako martyr at isa pa... ayokong makita ang mukha ng taong pinagkatiwalaan ko. Buong buhay ko, akala ko hindi niya ako tatraydurin dahil "magkapatid" nga kami. Pero mukhang lumabas na ang tunay niyang ugali... ugaling manloloko katulad ng kaniyang pamilya.
Bakit nga ba nagtataka pa ako kung bakit niya ako tinaraydor? Hindi ko nga pala siya kadugo!
Napahinga na lamang ako ng malalim.
Ayoko ng isipin ang nangyari. Kahit dalawang buwan na din ang nakalipas ay sariwa pa din sa akin ang lahat. Maybe, one of this days, I'll forget it eventually. Wala ng bakas ng sakit at pagluha. Yung tatawanan ko na lamang ang nangyari.
Sa panahon na nanatili ako sa Korea, natuto akong gawin lahat ng hindi ko ginagawa dati. Lahat ng kinasusuklaman kong gawain noong panahon na 'sweet girl' pa ako.
Huh! Sweet girl my ass! Duh!
Nakakakilabot isipin na masyado akong malambot dati. Hindi ko masikmurang alalahanin ang mga kabaitan ko noon. Na kahit inaagrabyado na ako ay wala akong ginagawa.
Fuck! If I could turn back the fucking time! Uupakan ko lahat ng mga nagsalita sa akin ng masasama.
"Nine, let's drink! Bakit ka ba nakatunganga lang dyan!" Sita sa akin ng kaibigan kong Pinoy din na nakilala ko lang din sa bar kung saan kami ngayon.
"Sorry, Liez. Wala ako sa mood ngayon." Sumimangot siya tanda ng hindi pagsangayon sa aking sinabi.
"Shit ka naman eh. Kaya nga niyaya kita dito para may kasama ako sa pagubos ng mga beer dito tapos hindi ka naman pala iinom! Kaibigan ba talaga kita?!"
Napaingos ako. "Ayaw lang uminom nasukat agad ang pagkakaibigan at bakit ka ba nagpapakalasing? May problema ka ba?"
Sa paraan ng kaniyang pagtahimik ay nasisiguro kong meron nga siyang problema.
Liez is a happy-go-lucky woman. Kahit marami siyang problema sa pamilya ay nagagawa pa din niyang makangiti at makipagtawanan sa iba. And I salute her for that. If I were her... back when I was a 'sweet-fucking-girl', I eventually locked myself inside my room and think those problem all day.
Dinampot ko ang black label na nasa lamesa para naman may kwenta ako sa pagsama sa kaniya. May problema pala siya!
"Bakit hindi mo sinasabi sa akin na may problema ka? Kahit naman wala akong kwentang kaibigan ay dadamayan naman kita." She laughed at my words.
"Talagang ini-career mo ang pagiging walang kwentang kaibigan, huh..." she sighed. Sa tingin ko ay sasabihin na niya ang problema niya sa akin. "Si Kurt kasi..." Kurt? Oh must be her boyfriend.
"Your boyfriend?"
"Yes"
"Okay, what about him? You can tell me. Don't hesitate, sweetie. I'm your friend."
"Well... I think he's cheating on me."
Napangisi ako. Looks like we are really meant to be bestfriend. We have the same destiny in love. To be cheated on, huh!
"Paano mo naman nasabi na niloloko ka niya?"
Her face crumpled after she drink her beer. Maluluha siyang napatingala. "I... I just know. Alam mo naman sa sarili mo kung niloloko ka na ng boyfriend mo, hindi ba? You have this feeling that he is cheating with another woman. Lalo na nung sinubukan kong tingnan ang cellphone niya. There's this notification... message actually, saying that someone is waiting for him in Hotel Sparks. Ano pa bang papasok sa isip ko kundi may kinikita siyang iba bukod sa akin. Tapos number lang yung nag-message." Doon na siya napaluha ng tuluyan.
BINABASA MO ANG
Change of Hearts
ActionWARNING: CLICHE! CRINGE! Janine Samantha Valeriano was once a fine lady. Until she met Jillian Alexander Salveda who made her life turn upside down that make her heart change from it's typical norm.