Janine's PovIlang araw ko nang hindi nakikita si ate Jastine. Saan kaya siya tumutuloy ngayon? Ngayon ang dating nila Mommy tapos wala siya. Kahit may alitan kami ngayon ni ate Jastine ay gusto ko pa din siyang kasama sa family dinner namin. The last time kasi na nag-attempt si Daddy na mag-dinner kami, nagkaroon ng problema. And by now, hindi ko pa din alam kung may iba pa bang issue bukod sa pagiging anak sa labas ni ate. Nagtataka pa din ako kung bakit hindi malapit si ate Jastine at Daddy.
Nag-di-discussed ang professor namin sa Physics ngunit wala ang atensyon ko doon dahil sa pagaalala sa aking kapatid.
"Are you thinking about your sister again?" Tumango ako kay Jillian. Siguro ay napansin niya ang pagkabalisa ko kaya siya nagtanong. "Malaki na ang kapatid mo. Wag mo na siyang alalahanin!"
"Hindi ko naman maiiwasan na magalala. Kapatid ko siya."
He sighed. "Gusto mo, hanapin natin siya?"
Umiling ako. Kaya ko naman hanapin siya. Social media lang ang gamit ko mahahanap ko na siya kasi nga mahilig siyang mag-update ng location. Ewan ko lang ngayon since nagtatago nga siya.
"No need. Siguro naman ay magpapakita siya mamaya dahil dadating sila Mommy."
"You think so? Ang kapatid mo ay makulit alam kong alam mo yun."
Yun nga, eh. Kahit sabihin na dadating sila Daddy ay hindi pa din ako nakakasiguro kung sisipot siya sa dinner namin, lalo na at may alitan pala sila ni Daddy.
"I can ask my gangmates. Ipapahanap ko siya through them."
"Naku, wag na. Maaabala lang sila."
Tumango na lang siya at marahang hinaplos ang aking buhok. "Wag mo ng isipin 'yun. Magpapakita dinyun sayo."
Sana nga.
_____Paguwi sa bahay ay naabutan ko na sila Mommy na nanonood sa may entertainment room. Nagulat pa ako dahil ang alam ko ay mamayang gabi pa ang dating nila, yun ang sabi ni Daddy sa 'kin.
"Well, napaaga lang dahil gustong-gusto na ng Mommy mo'ng umuwi. She really misses you so bad kaya wala na akong choice. Hindi ko nga alam kung bakit bigla na lang nagalit sa 'kin ng sinabi ko'ng mamaya ng gabi dahil 'yun naman talaga ang oras ng flight namin." Saglit kaming umalis ni Daddy sa entertainment room para ipaghanda ng pagkain si Mommy. Gusto niya kasing ipaghanda namin siya ng pagkain. Ayaw niyang ang mga maid ang maghanda.
Ewan ko ba kay Mommy. Ang arte ngayon. Dati naman kahit sinong magluto gusto niya.
Pansin ko ang pagngisi ni Daddy. "The last time your mother act like this, pinagbubuntis ka pa niya."
Namilog ang aking mga mata. So he means, "b-buntis si Mommy? But she's... old. Menopause baby ang magiging kapatid ko kung ganun!"
Napahalakhak siya. "Sweetie, your mother is not that old. Forty lang ang Mommy mo."
"And 40 is old." Napairap ako at muling hinalo ang sauce ng spaghetti na punapaluto ni Mommy... at ngayon na may possibility na buntis si Mommy, baka ito ang pinaglilihian niya.
"Ayaw mo ba'ng magkaroon ng kapatid?"
"Of course not. Gusto ko ng may kapatid and I hope it will became a boy this time, at sana kamukha mo, Daddy."
Nanatili ang kaniyang ngisi. "I'm sure that it's a boy, sweetie."
Natahimik kami. Sa tingin ko ito na yung pagkakataon na matatanong ko sa kaniya kung bakit may alitan sila ni ate Jastine.
Tumikhim ako. "Ahm... Dad."
"Hmm?" Parang ayoko nang ituloy. Baka masora ko lang ang magagandang ngiti ni Daddy ngayon.
BINABASA MO ANG
Change of Hearts
AksiWARNING: CLICHE! CRINGE! Janine Samantha Valeriano was once a fine lady. Until she met Jillian Alexander Salveda who made her life turn upside down that make her heart change from it's typical norm.