Chapter 32

1.3K 45 2
                                    

Janine's Pov

Hindi ko namalayan na four months na pala ang nakalipas ng maging kami ni Jillian. Sa apat na buwan na 'yun ay mas lalo pa kaming nagiging sweet sa isat isa. Mas nararamdaman namin ang pag ibig sa pagitan naming dalawa.

Si ate naman, nakaalis na at bumalik sa Japan. Biglaan nga and I have this sudden feeling na may problema siyang dinadala. Before she went back in Japan, nagshopping pa kami pero hindi niya ako kinakausap. Parang sinamahan lang niya ako at hindi kami nag bonding as a siblings. Si Mom and Dad naman ay nasa US ulit dahil sa isang company namin 'dun na medyo nagkakaroon ng problema.

October 31. Undas na bukas at kasama ko ang pamilya ni Jillian at tumutulong para magtayo ng tent na sisilungan namin sa tatlong araw na pagbisita kay Alex. Hindi lang naman kami ang mananatili sa sementeryo dahil marami din ang pamilya na nais makapiling ang kanilang mga kaanak na pumanaog na at nagtatayo na din ng mga tent.

"What do you want to eat?" Tanong ni Jillian habang naglalagay ng alcohol sa kamay dahil sa ginawang pagaayos ng griller. Tiningnan ko ang mga pagkain na dala ko at ng pamilya ni Jillian. Pakiramdam ko ay bigla akong naumay sa dami noon kaya umiling na lang ako.

"Busog pa ako."

"Really? Hindi ka kumain ng lunch at ngayon sasabihin mong busog ka..." kumuha siya ng paper plate at humiwa sa cake na nasa table. Lumapit siya sa 'kin at inilahad 'yun. "Eat. Ayokong nalilipasan ka ng gutom."

Sa loob ng apat na buwan, hindi nagbago ang pagiging sweet ni Jillian. Kung nagbago man siya ay mas higit na naging matamis ang mga ipinaparamdam niya sa 'kin. Nagkakaroon kami ng alitan ngunit bibihira lang. Hindi na din namin napagusapan ang tungkol sa mga battle niya pero alam ko na pumupunta pa din siya sa mga laban niya tuwing gabi. Sinasawalang bahala ko na lang ang bagay na 'yun dahil nangako ako sa kaniya na hindi ko siya kokontrolin. Ngunit sinusubaybayan ko din ang mga galaw niya kung nagkakaroon ng problema sa kaniyang mga gawain, pero wala naman ako napapansin. Maybe I'm just over reacting.

Kinuha ko na lang ang pinggan at kumain. Saka ko lamang naramdaman ang gutom ng matikman ang pagkain. Nakadalawang kuha pa ako bago mabusog. Ngingisi-ngisi lang sa 'kin si Jillian.

"Busog ka pa pala ng lagay na 'yan."

Inirapan ko siya na ikinatawa lang niya.

"Ate Samsam, tabi tayo sa pagtulog." Si Lexie. Siya yung kapatid ni Xander at half sister ni Alex.

"Kami ang tabi ni Ate Samsam mo."

Napangiti ako ng magharutan ang magkapatid.

Naging madali ang pagsasabi namin ni Jillian sa parents niya tungkol sa aming relasyon. Walang kisapmatang agad nila kaming tinanggap. Wala naman daw silang magagawa dahil ang puso na namin ang nagdesisyon na mahalin ang isat isa. At kung saan daw masaya si Jillian ay masaya na din sila. Basta igalang ko lang daw si Alex at wag kakalimutan ang mga pinagsamahan namin.

Yeah! Kahit naman hindi nila sabihin sa 'kin ay nasa puso at isip ko na si Alex. Nakaukit na siya doon.

"Kuya, you are not allowed to sleep beside ate Samsam because you're a guy. That's not good!"

"I don't care. Basta tabi kami ni ate Samsam mo!" Niyakap niya ako at bahagyang inugoy. Ngayon ko lang nakita ang side na ito ni Jillian. Kung titingnan ay parang hindi niya ito magagawa pero ngayon... para siyang bata habang nakikipagusap sa kapatid. He's so cute!

Sa huli ay si Lexie din ang nanalo dahil hindi pumayag ang parents ni Jillian na magtabi kami sa loob ng isang tent.

"We know you, Xander. That 'thing' will never at peace if you'll sleep beside Janine." Tinuro ni uncle John ang bagay na nasa pagitan ng hita ni Jillian. Naiinis na nagmartsa si Jillian sa itim na tent na sa tingin ko ay ang tutulugan niya, pero bago 'yun ay bumalik ulit siya at hinalikan ako sa labi. Mabilis lamang 'yun dahil nagtitili si Lexie na kadiri daw ang kuya niya.

Change of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon