Janine's PovNapabalikwas agad ako sa pagkakatulog ng marinig ko ang alarm ko. 5 am pa lang at kung siguro walamg pasok ngayon, 11 am pa ang gising ko. First day of school kaya hindi pwedeng ma-late tapos may flag ceremony pa kaya kailangan maaga talaga.
8am pa naman ang klase ko pero dapat kasi 7am ay nasa school na ako para maka-attend sa ceremony. Sabi 'rin sakin ni Mommy na agahan ko kasi anak ako ng stockholder ng school which is Daddy. Na kesyo hindi responsable ang anak ng isang Zamiel Valeriano. Baka kasi in the future ay ibato ito kay Daddy para mapaalis ito sa pagiging stockholder.
Well... advance magisip si Mommy.
Pagkatapos kong mag-shower, sinuot ko na ang uniform na exclusive lang para sa mga Architecture students. White long sleeve tucked in fitted skirt and a pair of 4 inch black shoes.
After fixing myself, bumaba na agad ako at nagpunta sa dining room. Naabutan ko sila Mommy at Daddy na nagko-coffee. Mamaya pa siguro ang trabaho nila. Nagtatawanan sila at hindi ko alam kung bakit. Napangiti ako ng mapansin ang paghaplos ni Daddy sa bewang ni Mommy habang nakatitig dito. Nakakatuwa dahil kahit tumatagal ang panahon na magkasama sila ay hindi nababago ang pagmamahal nila sa isat isa. Mas tumitindi pa nga ang pagmamahalan nila. And I am really for my parents. I love them so much!
Naramdaman siguro nila na tila may nakamasid kaya napatingin sila sa direksyon ko.
"Your so beautiful in your uniform, honey." Daddy complimented and well... I know that.
Napansin ko ang mabilis na pagalis ng mga braso ni Daddy sa bewang ni Mommy at parang gusto kong ngumisi. Ayaw niya 'rij namang nakikita ko silang nagp-PDA sa harap ko.
"Thanks Daddy..." Lumapit ako at humalik sa kaniyang psingi. Ganun 'rin ang ginawa ko kay Mommy.
Umupo naman ako sa katapat na upuan ni mommy. Si Daddy ay sa pinakapubo ng mesa nakapwesto.
"So, are you excited?" Mommy asked me but I can sense she's the excited one.
"Of course. I'm very excited. Sa tagal ko na bang nakatira dito sa Lorietaga ay ngayon lang ako makakapasok sa Salveda University."
Kasi simula nung bata pa ako ay hindi pumasok sa isip ko na magaral sa SU. Kasi siguro nakikita ko yung mga estudyante na lumalabas sa University na 'yun tuwing napapadaan ako, ang yayabang at ang aarte. Kaya sa San Jose Colleges ako pumasok mula elem. hanggang Senior high since hindi lang naman college lang ang offer 'dun. Ewan ko nga kung bakit 'yun ang pangalan ng school na 'yun eh. Parang college lang ang inide-demand kumbaga.
"Dapat kumain ka ng marami para maging productive ang utak mo at makapagisip ng maayos." Aniya at naglagay ng fried rice, hotdog, ham at fried chicken sa plate ko.
Sa dami ng nilagay na pagkain ni Mommy sa pinggan ko eh hindi ko maisip kung saan ko ito ilalagay. Hindi 'to magkakasya sa tyan ko!
Pero pinilit ko parin ubusin kahit halos masuka na ako sa kabusugan. Si Mommy ang naglagay at hindi siya papayag na ibalik ko ulit.
6:30am na ng umalis ako sa bahay. Hinatid lang ako ni mang Elmer sa SU at umalis na 'rin siya agad.
Sa gym ako dumiretso dahil sabi ng Student council na pagalagala ay doon daw ang punta dahil sa Flag Ceremony.
Malaki ang gym. Sa tingin ko ay kasya ang 5 thousand na estudyante dito. Sa bandang unahan ay may malaki at malawak na stage. At sa bawat samentadong haligi ng gym ay may mga nakaarrange na speaker.
Tsaka ko lang naalala sila Raiko ng mapuna ang babaeng ka-built niya.
Madali ko siyang ini-text upang ipaalam na nasa may gym na ako.
Ilang sandali lang 'rin naman ay dumati na siya kasama sila Zoe.
"Naninibago ako. Hindi tayo magkakaklase." Athena pouted.
Magkakaiba kasi kami ng kinuhang program. Hindi naman pwede na lagi na lang kaming magkasama at meron 'rin kasi kaming mga gustong program na kuhanin. Hindi lang sa amin umiikot ang buhay. Kailangan 'rin naming magkanya-kanya.
Si Georgina, BS Tourism ang program na napili. Si Raiko, Culinary Arts. Gusto niyang i-master ang knowledge niya sa cooking since masarap talaga siya magluto. Si Athena, BS Psych ang program na kinuha while Zoe took BS in Accountancy. Hindi na nakapagtataka dahil mga bank ang negosyo ng mga magulang niya. Meron na silang daan-daang branches ng banko sa Pilipinas. Meron 'rin sa ibang bansa.
Naghiwa-hiwalay na 'rin kami ng matapos ang flag ceremony. Kaniya-kaniya kaming punta sa mga designated rooms namin.
Sa isang modern building ang room ko. Ibang iba 'to sa building ng ibang department. Hanggang 5th floor ang building at ang mga salamin ay hindi na nabubuksan dahil na 'rin sa aircon ito panigurado.
May mga estudyanteng naglalabas masok doon na katulad ng uniporme ko. I'm sure Architecture students 'rin sila.
May elevator ang building upang mapadali ang pagakyat baba ng mga estudyante. Ngunit may iilan 'rin na mas pinipili na lamang ang paggamit ng hagdanan.
Sa 3rd floor ang designated room ko. Nasa pintuan pa lamang ako ay pinagtitinginan na ako ng mga estudyante na nasa loob.
Pasimple kong tiningnan ang itsura ko. Wala namang problema o mali. Nang biglang may dumaan na babae sa tabi ko. Baka siya 'yung titingnan. Maganda 'rin siya pero mukhang suplada. Yung parang pinagsamang Georgina at Zoe. Maarte at mukhang suplada.
Pumasok na lamang ako at naupo sa pangalawang row. Hindi armchair ang gamit 'kundi slant table na may kaparis na upuan. May mga magkakagrupo ng estudyante at meron 'rin na solo lamang habang gumagamit ng kani-kanilang cellphone. Kinuha ko na lang 'rin ang cellphone ko para naman maiwasan nilang isipin na loner ako.
Ngunit hindi pa man ako nakukuha ang cellphone ko ay may narinig ako sa likuran. Mga grupo ng kalalakihan na naguusap. Ramdam na ramdam ko ang maririin nilang titig sa akin.
"Sino 'yan? Parang ngayon ko lang nakita dito 'yan eh."
"Hindi ko 'rin kilala pero ang ganda niya, ah."
"Baka kata-transfer lang o malay mo nagshift lang mula sa ibang program."
Naramdaman ko ang pagtayo ng isa at alam kong lalapitan niya ako.
Buti na lang at agad na dumating Professor namin kaya bumalik na lamang siya sa pagkakaupo. Kahit hindi ko nakikita ay nararamdaman ko ang mga ginagawa nila. Nasa likod ko lang sila! Duh!
"Good morning students."
"Good morning Prof."
Nagpakilala ang Professor namin. Si Prof. Brava. Lalaki siya. Medyo gwapo, at mga nasa 30's na siguro. Sinusuri ko si Prof habang nagle-lecture ito ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang tatlong lalaki.
"Mr. Salveda and friends. Good morning. Ang aga ninyo sa klase." Nahihimigan ko ang pagkasarkastiko sa boses ng gwapong propesor ngunit hindi man lamang siya pinansin ng mga pumasok.
Napakawalang manners naman ng mga ito!
Naiiling ko na lamang na pinagpatuloy ang pagsusulat ng lecture na naka-projector. Kaso nakakabigla na sa tabi ko pa umupo ang isa sa mga bagong dating.
Pinagpatuloy ko na lamang ang pagsusulat.
Hindi pansin ang mariin niyang pagtitig sakin.
BINABASA MO ANG
Change of Hearts
ActionWARNING: CLICHE! CRINGE! Janine Samantha Valeriano was once a fine lady. Until she met Jillian Alexander Salveda who made her life turn upside down that make her heart change from it's typical norm.