Xander's PovUnknown number:
Please Jillian! Talk to me!Baliw na talaga siya! Bakit ba niya pinagpipilitan ang sarili niya sa akin. Bakit ba hindi niya maintindihan na may iba na akong mahal... at 'yun ay ang kapatid niya! Bakit kung makaasta ang babaeng ito ay wala ng ibang lalaki sa mundo!
"Sino ka-text mo?"
Napatingin ako kay Eon na umupo sa aking tabi at bahagyang sinilip ang aking cellphone. Inilayo ko 'yun sa kaniya. Baka kung anong isipin niya kapag nakita niya ang message ng kapatid ni Janine. Worst, baka isipin niya pa na pinagtataksilan ko ang girlfriend ko.
"It's none of your business!"
"Weh? Baka tina-timer mo ang pinsan ko ah." Nasapok ko siya.
"Tanga! Hindi ko magagawa 'yun kay Janine..." binura ko ang message ng baliw at ini-blocked ang number niya. "Hinding-hindi."
Ngumisi siya at tumango. "Well... I trust you. I know my cousin is in good hands."
"Fucking yeah!" I hissed at him. Humalakhak lang siya at nakihalubilo na muli kila Matthew na naglalaro sa computer.
Muli namang natuon ang aking atensyon sa aking cellphone ng tumunog ito. Akala ko ay ang baliw na 'yun pero naalala kong na-iblock ko na nga pala ang number niya.
Si Janine pala ang nag-message.
My Baby:
Punta ka sa likod ng SU. I have a surprise for you.Napngiti ako ng mabasa ang message. Bigla akong na-excite sa kung ano mang surpresa niya sa 'kin.
Nagmamadali akong lumabas pero bago ko pa man iyon magawa ay tinawag na ako ni Liam.
"Saan ang punta mo?" Tutok siya sa computer dahil 1v1 sila ni Matthew sa paborito nilang games.
"I'll go to my baby, why?" Bahagyang umangat ang gilid ng aking labi ng tuksuhin nila ako. The hell I care with their tease.
Umalis na din ako at agad na hinanap ng mata ko si Janine ng makarating ako sa likod ng SU, pero nagtiimbagang lang ako ng makita ang taong kinaiinisan ko. Anong ginagawa niya dito? Nakangiti siya sa akin na animo'y hindi niya sinisira ang relasyon namin ng kapatid niya. Kahit kailan talaga hindi ko nagustuhan ang presensiya niya!
"Hi, Jillian."
Napipikit na lang ako sa inis ng mapagtanto kung bakit siya ang nadatnan ko at hindi ang girlfriend na inaasahan ko.
"What do you want?" My teeth grind to each other. Pakiramdam ko ay anumang oras ay matatanggal ang isa sa mga ngipin ko sa panggigigil.
"Well... I just want to may future boyfriend... and husband." Humagikhik siya. Nangilo ako bigla ng marinig 'yun.
"In your fucking dreams." Akmang aalis na ako ng pinigilan niya ako sa braso. "Tangina! Ano ba ang gusto mo? Hindi pa ba sapat sayo na muntik na kaming maghiwalay ni Janine dahil dyan sa katangahan mo?" Hindi ako nagpigil na magbitaw ng masasakit na salita. Hindi ko ugali ang magtimpi lalo na sa katulad ng babaeng ito. She deserved those hurtful words.
"Anong gusto ko? Spend your time with me... please?" Bakas ang sakit sa mata niya ngunit sige pa din siya.
Yeah, I am purposely saying hurtful words to stop her. Pero tila hindi 'yun epektibo. Masyadong mataas ang confidence ng babaeng ito.
Aaminin ko na may pagkakapareho sila ni Janine given that they are siblings, but Jastine has something that I can't explain. And it's something negative.
Napahalakhak ako sa gusto niyang mangyari. Like seriously? Hindi ako ganun katanga para sumama sa kaniya at paglaanan siya ng oras!
"You know what, Jastine. I pity you. You're too desperate. Umabot ka talaga dito para lang sirain kami ni Janine! Nakakahiya ka! Binababa mo lang ang sarili mo!"
Mabilis akong umalis sa lugar na 'yun. Nagiinit lang ang ulo ko. Sino ba naman ang babaeng desperada na kahit boyfriend ng kapatid niya ay aagawin?! Psycho!
Akala ko si Janine na at may surpresa talaga sa 'kin. Oo nasorpresa ako dahil siya ang naabutan ko! Pero hindi nakakatuwang surpresa 'yun.
Paniguradong kinuha niya ang cellphone ni Janine para lang mai-message ako at makita.
Typical desperate bitch!
Janine's Pov
Kanina ko pa hinahanap ang aking cellphone at hindi ko man lang alam kung saan ko 'yun naipatong! Ayokong bumili na naman ng bago dahil bago pa din ang cellphone ko'ng 'yun kaya magtitiis ako sa paghahanap.
"Janine! Anong hinahanap mo?" Si Georgina. Nakamasid siya sa 'kin habang nagaapply ng foundation.
"Yung phone ko."
"Naku, Janine! Paniguradong nanakaw na 'yun. Alam mo naman ang mga tao ngayon, kahit hindi pagaati ay kukuhanin!" Napangisi ako ng marinig ang pait sa boses niya. I'm sure she has a problem with James. Sila na kasi. Nagulat nga ako ng malaman ko but then, I am happy for them. Baka may LQ lang sila ngayon kaya grabe siyang makahugot.
Humalakhak si Raiko.
"May problema ba, Raiko?" Tanong ko.
"May LQ na naman sila ni James kaya ganyan 'yan. Grabe makahugot ng words. Akala mo break na!" Tama nga ako!
"Tse! Napakadaldal mo talaga!" Georgina punched Raiko lightly. Ngumisi lang si Raiko at tinukso ulit siya.
Nagpatuloy ulit ako sa paghahanap dito sa com. lab dahil dito ko naalala na pinatong ko 'yun sa kung saan. Hindi ko pinansin ang mga lalaking dumating. Sila kuya Eon lang naman. Si Jillian ay lumapit sa akin.
"What are you doing, baby?" Napakamot ako sa aking pisngi.
"Hinahanap ko kasi ang cellphone ko."
Tumango ito at bahagyang may kinuha sa bulsa. "Ito ba?"
Nanlaki ang mata ko ng makita ang aking cellphone. "Bakit nasa iyo ito?"
He shrugged. Hindi niya ako sinagot at hinila na lang palabas ng com. lab. Pumasok na kami sa nect subject namin.
After ng klase namin ay inihatid na din ako ni Jillian sa bahay. Pagod na din ako kaya hindi na ako pumayag na munuod kami ni sine. Gusto ko man umoo sa date namin kaso ay pagod na nga ako.
"Pasok ka muna." Aya ko sa kaniya ngunit umiling lang siya na ipinagtaka ko. Bakit kaya? Dati namin ay siya pa ang nangungunang pumasok sa loob.
"Hindi na." Ngumiti siya sa 'kin at nagpatak ng matamis na halik sa aking labi.
"I love you, Janine." Seryoso ngunit may lambing ang bakas sa gwapo niyang mukha.
Nayakap ko siya sa kaniyang bewang.
"I love you too."
Parang ayoko ng mahiwalay sa kaniya. Pakiramdam ko ay naaadik na ako sa kaniya.
Norma pa ba 'yun? When I was with Alex before, I never felt like this. Lunod na lunod ako sa pagmamahal kay Jillian. At alam kong ganun din siya sa 'kin dahil nagpaulit ulit ang bigkas niya ng mahal kita sa 'kin. Natawa ako.
"I love you, I love you, I love you---"
"Janine! Get inside." Nawala ang ngiti sa 'king labi ng marinig ang boses ng kapatid ko'ng malayo na ang loob sa akin. Maging si Jillian ay napatiim bagang.
"Later... I'm still talking to Jillian---"
"Seriously? Pwede bang hayaan mo kaming dalawa ng kapatid mo? Wag kang makisali dito!"
"Shh! Jillian, don't talk to her like that." Bulong ko sa kaniya pero umismid lang siya kay Jastine at bumaling sa akin. "Go inside, baby. I'll call you later."
Tumango ako at hinintay siyang makaalis. Si ate Jastine ay nananatiling nakamasid sa 'kin. Hindi ko napigilan ang pagirap sa kaniya at nauna ng pumasok sa loob ng bahay.
Masyadong nakikialam na siya sa amin ni Jillian. Nakakainis na! Pag hindi ko talaga napigilan ay baka magkapisikalan kami ng kapatid ko'ng 'yun... kahit labag sa loob ko.
BINABASA MO ANG
Change of Hearts
AcciónWARNING: CLICHE! CRINGE! Janine Samantha Valeriano was once a fine lady. Until she met Jillian Alexander Salveda who made her life turn upside down that make her heart change from it's typical norm.