Chapter 50

186 2 2
                                    

Janine's Pov

"Oh my ghad! Sweetie! Where have you been? Pinag alala mo kami ng Daddy mo." Nginitian ko lang si Mommy.

Ayokong sabihin sa kanila ang mga pinaggagawa kong kabulastugan dahil madi-disappoint lang sila sa'kin.

"Saan ka ba talaga galing? Kung hindi pa sinabi sa amin ni Eon na okay ka lang at nagkikita kayo, ipapahanap ka na sana namin sa mga pulis."

Bibigyan ko si Kuya Eon ng tumataginting na halik sa pisngi dahil pinagtakpan niya ako. Akalain mong hindi niya ako isusumbong eh napaka sumbungero ng tao 'yun? Mukhang matured na talaga ang gagong 'yun. Thanks to Zoe.

"Ah opo nagkikita po kami," sa Gang fight. Gusto ko mang ituloy ay baka kalbuhin ako ni Mommy pag nalaman niyang kasali ako sa isang Gang!

"So? It means you're here all along? Wala ka sa Korea?" Napangiwi ako sa klase ng tingin na ibinibigay sa akin ni Mommy. Kahit yata hindi ko sabihin na kasali ako sa isang Gang ay kakalbuhin niya pa din ako dahil sa pagiging MIA ko sa buhay nila.

"Ahm... yeah. Pero isang buwan lang naman." Lies! Mahigit dalawang buwan na ako sa Pilipinas!

Tumango si Mommy, nananatiling masama ang tingin sa akin. Si Daddy na nakaakbay sa akin ay iginiya kami sa hapag. Lunch na at ito ang Brunch nila. Ang tagal naman kasing matulog. Palibahasa nga mga pagod.

Kung malaman lang ni Mommy ang mga iniisip ko, panot ang kahihinatnan ko.

"Nagpakita ka na ba sa kapatid mo?" Tumango ako kay Daddy. "Nasaan siya?"

Napalinga ako. Saka ko lang napansin na wala si Joshua sa living room ng dumaan kami. "Nandyan lang 'yun sa salas kanina. Naglalaro eh. Wait, hanapin ko lang."

Hindi ko na hinintay ang sagot nila Daddy. Wala sa living room maging sa mga kwarto si Joshua. Saktong pumasok ang nanny ni Joshua na nakakapagtakang basang basa.

"Anyare?" Napakamot siya sa kaniyang ulo.

"Tinulak po kasi ako ni Joshua sa swimming pool."

Napakapilyo talaga ng batang 'yun. Manang mana sa pinagmanahan.

"Sige. Pasensya ka na kay Josh, ah. Alam mo naman bata." Pero nung bata naman ako, hindi ako ganun ka-pilya. Yes, natatandaan kong miminsang initulak ko din sa pool ang nanny ko kaya nag-resigned pero hindi ko naman binabato ng bola.

Hell! Wala kang bola noon, Janine!  I shrugged my inner thoughts. Matagal na 'yun at hindi na dapat binabalikan. Unless, it's a happy memories.

Hindi ko na lang pinansin ang pasimpleng irap ng Nanny. Baka mabukulan ko lang pag pinatulan ko pa. Hindi ba niya alam na Nanny ang pinasok niyang trabaho? Dapat asahan na niya ang mga ganito. Bata ang inaalagaan niya kaya masanay na siya!

"Ate!" Tawag sa akin ng makulit kong kapatid. Kasalukuyan siyang lumulutang sa swimming pool dahil sa kaniyang inflatable swimming ring. Ang kaniyang Blondie'ng buhok ay naka-push back dahil sa pagkabasa. Pag lumaki itong kapatid ko, hindi na siya sa swimming pool lalangoy kundi sa mga babae. Bata pa lang kitang-kita na ang ka-gwapuhan. Palibhasa gwapo si Daddy. Replica pa naman si Josh.

"Josh, hinahanap ka na nila Mommy. Gising na sila." Hindi ako pinansin ng bata. Patuloy siyang nagkakawag sa pool.

Saka ko lang naalalang umalis ang nanny ni Josh. Iniwan ang kapatid ko sa pool? Paano kung malunod si Josh?!

Shit!

Wala man lang nagbabantay sa kaniya kung hindi pa ako dumating!

Saktong dumanting ang Nanny ni Josh na nakapagpalit na ng damit.

Change of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon