Chapter 30

1.4K 44 7
                                    


Janine's Pov

Napamulat ako ng maramdaman ang pagguhit ng daliri sa aking ilong, binabaybay ang pagkahubog nito. It was Jillian. He was looking at down at me. Nakatulog na kami sa aking kwarto pagkatapos kong gamutin ang kaniyang daliring naipit ko.

"How's your finger?"

"It's fine now. Thanks for my caring girlfriend."

"Who were at fault also..." dugtong ko sa kaniyang sinabi na ikinatawa niya.

Talaga naman eh. Ako yung gumamot kasi ako din naman ang may kasalanan.

Tumayo na ako at nag-inat. Ganun din ang ginawa niya.

"Uwi na ako. Hinahanap na ako ni Mom."

Tumango-tango ako at niyakap siya sa bewang na ikinangiti niya.

"Hmm... sayang. Di mo makikilala ang half-sister ko. Dadating kasi siya mamaya galing sa Japan. Kakain kami sa labas at gusto ko sana nandun ka pero okay lang kahit wag na. Alam kong kailangan ka ni Tita."

"Mom..." pagtatama niya.

"Ni Mom. Happy?" Ngumisi siya at hinalikan ang aking noo.

"Halika na. Ihatid mo na ako sa baba."

Pagkaalis ni Jillian ay inayos ko na agad ang sarili. Susunduin namin si ate sa Airport. Na-miss ko talaga siya. Ang tagal na din niya dun sa Japan. Hindi kami ganun ka-close dahil matagal kaming nagkalayo tsaka attitude din kasi si ate kaya hindi ko masyadong bet ang ugali niya. Pero okay naman siya sa 'kin. Lagi niya nga akong pino-protektahan noong nandito pa siya. Kasama ko sila Mommy at Daddy sa pagsundo sa kaniya sa airport. Anak siya ni Daddy sa Japanese noong panahon ng pagka-playboy ni Dad. Hindi siya nagtaksil kay Mommy dahil hindi pa naman sila magkakilala noong nabuntis niya ang Mommy ni ate. Nalaman lang ito ni Dad noong isang taon ako at natanggap naman yun ni Mom.

"Ate Jastine. I miss you.." Niyakap ko siya ng mahigpit. Nakangisi ang mapupulang labi niya sa 'kin dahil pulang lipstick na nakapahid doon.

Kung titingnan siya, masasabi kong ang laki ng pinagbago niya. She was a simple girl way back. Walang mababakas sa kaniya noon na magiging ganito siya ngayon. The way she dress back then, she always wore jeans. Pinipilit ko pa nga siya noong mag-skirt man lang pero ayaw niya.

But right now... just wow. Ang pretty niya... I mean... she's gorgeous. Halos walang naman si ate Jastine kay Daddy. Ang medyo morena lang niyang kutis ang bukod tanging nakuha niya sa genes ni Daddy.

"Me too my Li'l sis. How are you?" Tanong niya.

"I'm fine. Marami tayong paguusapan pag dating natin sa bahay."

Sandali din siyang niyakap ni Mommy at Daddy bago sila magyayang kumain ng lunch. Sa isang Filipino restaurant kami nagtungo dahil 'yun ang request sa kanila ni Jastine. Na-miss na daw niya ang Filipino dish na matagal na niyang hindi natitikman.

"How are you, Jastine?" Panimulang tanong ni Mommy habang nagsisimula na kaming kumain.

"Ahm... I'm fine, Tita. Sa wakas at nakatapos na din pong mag-aral."

"So... what's your job now?" Si Daddy. Bahagyang kunot ang noo nito habang kumakain. Kahit mag-ama sila ni ate Jastine ay pansin ko na civil lang sila sa isat isa. Mas close pa nga si ate Jastine kay Mommy. I don't know why. Daddy is not that affectionate towards ate Jastine. They are having this thin line between them.

Nagtataka nga ako noong una dahil si Daddy, he's always sweet towards me but when it come to her, he is always stoic. O baka naman dahil hindi sila laging magkasama kaya ganito ang turingan nila sa isat isa.

Change of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon