Janine's Pov"Bagay ba sa akin?" Tanong ni Georgina habang umiikot suot ang isang pink dress tube na hanggang hita lamang ang haba.
"Grabe, George, lalamigin ka niyan eh." Napangisi ako sa sinabi ni Raiko.
"Hindi ah." Depensa niya at umirap bago pumasok sa loob ng fitting room.
"Grabe, di ako makakapagsuot ng ganun." Naiiling pa si Raiko.
"Nakapili na ba kayo?" Tanong ni Georgina bitbit yung limang napili niyang tube dress.
Tumango ako. Hindi naman 'ganun kadami ang nabili ko. Wala lang talaga ako sa mood. Lung siguro okay ako, baka halos lahat ng klaseng damit nabili ko na.
After namin magshopping, inihabilin muna namin ang mga pinamili namin sa baggage counter dahil manonood pa kami ng sine.
Kasalukuyan kaming nakatingin sa mga maliliit na billboards ng mga showing na movie. Hindi namin maisip kung anong papanoorin dahil sa mgaganda talaga ang mga showing na movie ngayon.
"Guys, ano na panonoodin natin? Tingnan niyo, humahaba na ang pila ng mga cinemas. Baka abutin tayo ng limit." Nagpapanick na si Georgina habang nakatingin sa mga cinemas na unti-unting humahaba ang pila.
"Kung panoodin na lang natin lahat?" Natatawang suhestiyon ni Raiko na tinutulan ko.
"What? No way gagabihin tayo. May pupuntahan pa ako."
"Okay, ito na lang panoodin natin. Okay lang ba sa inyo?" Tinuro ni Athena ang isang billboards. Mukha namang maganda kaya pumayag na kami.
Pero ng makalabas kami sa sinehan ay namumugto ang mga mata namin. Maganda nga kaso tragic dahil namatay lang yung bidang lalaki sa ending.
Tahimik lang sila habang naglalakad kami pa-exit ng mall. I know, ayaw lang nilang magsalita tungkol sa movie dahil siguro naiisip nila na relate ako sa movie na napanood namin.
Totoo naman. Relate ako dahil halos ganun 'din ang nangyari sakin.
"Ahm... guys! Mauna na kayo. Sabi ko naman sa inyo kanina na may pupuntahan ako."
"Oh... okay." 'Yun na lang ang nasabi nila bago umalis.
Namimiss ko na rin siya, eh. It's been a year ng huli ko siyang bisitahin kaya sabik na sabik na akong puntahan siya.
Malamig na simoy ng hangin ang bumungad sakin ng ibaba ako ng taxi sa may sementeryo. Naghahalo ang kulay kahel at asul sa kalangitan. Mayroon na 'ring mangilan-ngilang bituin ang lumalabas sa kalangitan.
"Hi, love." Marahan kong hinimas ang marmol na batong nakabaon sa lupa at napapalibutan ito ng berdeng mga damo.
R.I.P
Alexander Jayvee A. Javier
Born: March 10, 1997
Died: June 25, 2019
"Sorry ha, kung ngayon lang ako nakadalaw." I gulped. Pilit ko mang pigilan ang mga luhamg nais kumawala ay hindi ko 'rin nagawa. Sunod-sunod na tila ulan na nagbagsakan ang aking mga luha. "It's been a year, love. Kamusta ka na?"Alexander died a year ago. Dahil 'yun sa sakit niyang leukemia. Hindi niya 'yun sinabi samin. Nalaman na lang namin ng nawalan siya ng malay ng nagce-celebrate kami after kong grumaduate ng Senior High.
Dapat nagsasaya kami that time but he was rushed at the hospital. Na-comatose siya ng mga ilang araw. Hinintay namin siyang magising dahil plano namin na ipa-chemo siya pero he didn't wake up. After 6 days ng pagiging coma niya, he died. Hindi na kinaya ng katawan niya. Alam kong lumaban siya pero siguro 'yun na talaga yung time na babawiin na siya ni lord samin.
BINABASA MO ANG
Change of Hearts
ActionWARNING: CLICHE! CRINGE! Janine Samantha Valeriano was once a fine lady. Until she met Jillian Alexander Salveda who made her life turn upside down that make her heart change from it's typical norm.