Janine's Pov
"Fuck!"
"Nine!"
Nasapo ko ang aking batok sa panggigigil.
"The hell, Nine?! Bakit ka na nanapak?!"
"Bakit kaya?! Huh? Tanginamo! Sinabi ko bang halikan mo ang pisngi ko?!" Napahagikhik si Liez sa tabi ni Kurt. "Bakit ka tumatawa? Hindi ka ba magagalit na hinalikan ako sa pisngi niyang asawa mo?!"
"Girl, bakit ako magagalit? Alam kong ginagawa lang niya ang duty niya as your 'boyfriend'."
Boyfriend my ass. Nagtawanan sila ngunit maya-maya ay may sarili ng mundo ang dalawa. Halikan dito at doon!
Damn! Nakakakilabot!
Lumabas na lamang ako ng mansion na tinitirahan namin ng buong grupo. Kay Kurt ang mansion na ito. Pinagawa niya ito ng nagpakasal silang dalawa ni Liez dalawang taon ang nakalipas. At ngayon ay nagsisimula ng bumuo ng pamilya. Liez is already five months pregnant. And I am happy for her. Finally, she already settle down wirh Kurt and it's her dream. To be with Kurt till they old.
Hindi ko talaga boyfriend si Kurt. It was Liez idea. To make Jillian jealous. As if he will.
Mula ng mai-kwento ko sa kanila ang nangyari sa akin noon ay bumuo silang dalawa ng plano. Plano kung paano ako makakaganti sa nanakit at nagtaksil sa akin. And that plan is to show that I already have a boyfriend and it's Kurt. Mabuti na nga lamang at hindi nagseselos si Liez. Bakit nga naman siya magseselos eh siya ang nagsuhestyon na maging 'boyfriend' ko si Kurt. At first, ayaw namin ni Kurt pero ng magtampo si Liez sa amin ay pumayag na din kami.
Liez loves me so much that she risked their relationship for me to revenge to those people who hurt me back then. Wala namang malisya sa amin ni Kurt. We are best of friends. We never kissed on the lips nor cheeks. At nakakainis lang at hindi ko inaasahan ang halik na yun ni Kurt. Siguro kung ako si Liez ay magseselos ako. But knowing Liez, she's a kind woman. She can bare the hurt she feels even though she's already jealous.
Anyway, wala naman dapat ika selos sa amin ni Kurt. As I was saying, we're just friends.
Then, the memory of Jillian begging me to come back to him flashed on my mind. Gusto ko mang hindi isipin, kaso ang makulit kung utak ay ayaw magpapigil. Parang bang gusto talagang alalahanin ang pangyayaring 'yun.
Aaminin ko, na-miss ko ang taong 'yun pero susugal pa ba akong masaktan muli? Hindi ko na yata kakayanin. Pangalawang beses ko pa lang masaktan sa pagibig ay sumusuko na ako. Ayoko na.
Kung hindi kaya nawala si Alex sa akin, ano na kayang nangyayari sa amin ngayon. It's been what? 6 years... almost 7 years since Alex died. I miss him so damn much! Kahit hindi na siya ang tinitibok ng puso ko, nananatili pa din siya dito. Nakaukit na ata ang pangalan niya dito.
Siguro kasal na kami ngayon ni Alex kung hindi siya nagkasakit. Maybe we're having a child now.
I sighed. Bakit ngayon ko lamang ba siya naalala? Nakakahiya na ngayon ko lamang muli naisip ang lalaking aking unang minahal.
Napatingala ako at pinagmasdan ang maliwanag na kalangitan dahil sa maliwanag na buwan at sa mga nagsabog bituin.
"Nine..."
"Bakit lumabas ka pa ng mansion?"
Ngumiti lang sa akin si Liez at naupo sa aking tabi. "Well... I want to know what happen yesterday?"
Napangisi ako. "I didn't expect that he will throw himself at me."
"Ano bang ini-expect mo?"
"That he will snob me and pretend that we don't know each other." Akala ko ay mahihiya siya dahil sa mga katarantaduhang ginawa niya sa akin at magpapanggap na hindi kami magkakilala dahil sa kahihiyan. Kaso nga pala, makapal ang mukha ng hayop na 'yun. At talagang niyakap pa ako!
BINABASA MO ANG
Change of Hearts
ActionWARNING: CLICHE! CRINGE! Janine Samantha Valeriano was once a fine lady. Until she met Jillian Alexander Salveda who made her life turn upside down that make her heart change from it's typical norm.