Chapter 11

1.7K 57 1
                                    

Janine's Pov

Kanina pa akong inaayusan ng Ini-hire na make-up artist ni Mommy. Nilalagyan na ako ngayon ng Contact lenses... yeah dahil bagay daw sa akin ang brown contact lenses. Masyado daw black ang mata ko kaya hinayaan ko na lang. Lipstick naman ang nilalagay sa akin. Pink lipstick ang ginamit. 'Di naman kakapalan ang makeup ko.

Sa buhok ko naman ay kinulot lang ang dulo. Pero bagay naman sa make-up at gown ko. Matapos akong ayusan, nagbihis na din ako ng dress na binili ko kay Mrs. Ferrer. Sila na ang nag ayos ng dress bago ko isuot ang aking sapatos.

Then, viola, okay na. I'm so ready.

Need kong maging maganda dahil ako ang representative ng course namin para sa pageant.

Bumaba ako mula sa stairs at naabutan ko sa baba sila Mom, Dad, at sila besty na for sure ay kanina pang naghihintay sa akin. Pagkalapat pa lang ng mga paa ko sa tile floor, sinalubong agad ako ng tili ni Georgina.

"Ganda mo talaga, pero syempre, mas maganda pa 'rin ako."

"Luh! Kaganda naman ni Janine sayo." Asar ni Raiko kay Georgina.

"Heh! Don't be such an epal. Hmpp." Napaismid si Georgina.

"Sigurado akong panalo ka na." Athena.

"Yeah. Athena's right." Zoe.

Nginitian ko na lang sila at bumaling na kila Mom at Dad na kanina pa titig na titig sa akin. Pansin kong nagpunas pa ng luha si Mommy.

Luh! Na-ayusan lang ako, naiiyak na si Mommy. Ganun ba ako ka-pangit dati para iyakan ni Mommy 'nung naayusan?

"Mom, why are you crying?" I dried her cheeks using my hand.

"Nothing honey. You're just to beautiful to cry on." Natatawang pinagpatuloy ko ang pagpunas sa luha niya.

"Mom. Your over reacting. Makaiyak naman ikaw oh, parang ikakasal na ako." I laughed.

Natawa 'din si Daddy kaya nakatanggap siya ng siko kay Mommy. Sadist 'din si Mommy, eh. Haha!

"Why are you laughing?" Inis na tanong ni Mom kay Dad.

"Ha? Hindi ah." Tanggi ni Daddy. Napa-tss na lang si Mommy. Nakakatuwa talaga sila pag nag-aasaran.

"Let's go. Baka ma-late pa ako."

Pero, bago kami umalis. We took a picture first. I am not Janine Samantha Valeriano kung hindi ako makaka-take ng picture sa isang araw. Lalo na ngayon na ayos na ayos ako. Memorable day 'to.

**

Pagkababa ko palang sa kotse ni Dad, flash agad ng camera ang bumungad sa akin. Di naman ako na orient. Napapikit tuloy ako. Dumiretso kami sa room namin ni Jillian. Bawat partner na candidate, may room na assigned. Kung saan pwedeng mag-bihis o mag-ayos.

And speaking of Jillian,

Hindi ko pa siya nakikita mula nung practice. Absent kasi ng two weeks. Sabi daw, nagkasakit. Pero pupunta daw dito sa pageant. Ayun lang ang alam ko.

Ako lang at ang make-up artist ko dala yung gown, ang kasama ko papunta sa room namin ni Jillian. Pumunta na kasi sila Mom sa may arena kung saan pag-gaganapan ang pageant.

Hahawakan ko pa lang ang pinto ng biglang nagbukas yung room, at lumabas si tita Kylie. Remember.. Alex and Xander' mother.

"Janine. Ikaw pala ang partner ni Jillian? Good lord, Am I looking at a Goddess? You're so beautiful, Janine." Aniya sabay beso sa akin.

"Thank you po tita." I smiled.

"Sige, pasok ka na. Nandyan na si Xander." Nagpaalam na siyang umalis. Pumasok na rin ako kasama yung make-up artist ko sa loob ng room. Naabutan ko si Xander na nakapangalumbaba sa harap ng salamin habang nag-cecellphone. Naramdaman niya siguro yung presence ko kaya napalingon siya sa akin. Ngumiti ako sa kaniya at pumunta na sa kabilang table kaharap ang dresser.

Change of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon