Xander's Pov
Pagkatapos naming magusap-usap, naghanda na din kami. Narito kami sa gym ng hide-out namin at nage-ensayo. Ganito kami pag mapapalaban. Pinaghahandaan naming mabuti. Tsaka hindi kami pwedeng magpabaya ngayon dahil wala kaming alam sa grupong makaka engkwentro namin ngayon.
Nagkanya-kanya na kami papunta sa abandoned building kung saan gaganapin ang aming laban. Pagdating namin sa building ay pumasok na kami. Hindi na kami nagpatumpik-tumpik pa dahil may mga trabaho pa kami bukas... o sabihin na nating mamaya dahil 12AM na din naman.
Maaalikabok na kahon, sako-sakong semento at hallow block na halos durog-durog na ang laman ng abandonadong building. Gumagapang na din ang mga damo kaya nagmukhang sukalan na ang loob ng building. Kahit ang pader ay inaakyat na ng mga halaman. Hindi na din naman nakakapagtaka dahil abandonado na ito. Sayang nga!
Nakakailang hakbang pa lamang kami ng makarinig ng mga ugong ng sasakyan. Sinilip namin ang labas. Anim na ibat-ibang klase ng sasakyan ang pumarada sa tabi ng aming mga sasakyan. Mukhang bigatin din ang 'Crash' na ito dahil hindi basta basta ang kanilang mga sasakyan. Bumaba silang lahat. Nagsibabaan ang may ari ng mga sasakyan at lumapit sa amin. Mga singkit ang mga ito... mga mukhang koreano. Sa bilang ko ay anim lang sila. Akala ko ba ay pito ang mga ito?
"Hilarious Black, right?" Tanong nang may kulay blonde na buhok.
"Yeah." Sagot ni Terrence.
"Anim lang ba kayo?" Nakangising tanong ni Kyle.
"No. Hindi pa dumadating si Master." Sagot ng naka-leather Jacket at ripped jeans. Tumaas ang aking kilay ng titigan ako nito ng masama. Wala pa man ay parang gusto na niyang magsimula. Baka siya'y...
"Bakit pahulihin? Baka naman naduwag na?" Matthew.
Ngumisi lang ang lalaking masama ang tingin sa akin dahil sa sinabi ni Matthew.
"Hiindi siya duwag at siguradong parating na siya--- oh and speaking of."
Pulang ferrari ang pumarada sa pagitan namin at ng grupo ng Crash. Nakakapagtakang nakapasok ang sasakyan niya sa loob ng gusali.
Nanlamig ang aking katawan sa hindi ko malamang dahilan. Ninenerbiyos na ako. Siguro ay dahil sa palagi kong pagkakape sa trabaho? Damn!
Narrator's Pov
Nakatuon ang atensyon ng Hilarious Black sa pulang sasakyan. Matagal pang hindi bumaba ang Master ng kabilang grupo na tila ba pinagmamasdan ang kaganapan sa paligid.
Ang myembro ng Crash ay nakangisi lang sa kabilang gang. Alam nila ang magiging reaksyon ng kabilang grupo pag nakita ang kanilang Master.
Unti-unting nagbukas ang pintuan ng sasakyan. Sa una ay paa pa lamang ang nakikita ngunit ng tuluyan ng lumabas ang Master ng Crash ay nawindang ang kabilang grupo. Nakanganga at nanlalaki ang mata ng mga ito habang nakatitig sa Master na nakangisi lamang sa kanilang direksyon.
Tila binuhusan ng malamig na tubig si Xander ng makita si Janine... ang tinutukoy na Master ng Crash. Namumutla at hindi malaman ang gagawin. Kung lalapitan ba ito o mananatili sa kinatatayuan upang pagmasdan ang kabuuan ng dalaga.
"Master Nine." Bati ng Crash. Bahagya pang yumuko ang mga ito sa kanilang Master.
Hindi maikakaila na malaki ng ang pinagbago ng dalaga. Mula sa pananamit nito noon na mga dresses, ngayon ay nakasuot ito ng itim na sando na naka-tucked in sa pantalon nitong hapit sa mahahaba nitong hita. At ang itim nitong combat shoes na halos kuminang sa kintab.
Janine Samantha Valeriano...
"Long time no see, guys!" Nakangiting bati nito ngunit kababakasan ng gakit ang kaniyang tinig.
BINABASA MO ANG
Change of Hearts
ActionWARNING: CLICHE! CRINGE! Janine Samantha Valeriano was once a fine lady. Until she met Jillian Alexander Salveda who made her life turn upside down that make her heart change from it's typical norm.