Chapter 25

1.4K 44 3
                                    


Janine's Pov

"Good morning, baby." Halos malaglag ako sa aking kama ng makita ang pagmumukha ni Jillian. Jusko anong ginagawa niya dito? Nang ganito kaaga?

"Baby, are you okay?"

"I-Im okay." Inalalayan niya akong umupo sa kama ko.

"Why are you here?" Matalas ang aking tono ng tanungin ko siya.

"Why? Bawal ba? Boyfriend mo naman ako ah!" Umupo siya aking tabi at umakbay sa 'kin na inalis ko naman kaagad.

Seriously? Paano siya nakapasok dito? Pinayagan ba siya manang Linda?

Hinarap ko siya ng nakapamewang.

"Kahit naman boyfriend kita, hindi pa 'rin dapat ikaw pumapasok ng walang paalam!"

Hinila niya ako sa aking palapulsuhan at pinaupo sa kaniyang kandungan.

"Tss... late ka na sa school kaya mag-shower ka na. Alam ko naman na mabango ka kahit di nagsa-shower." Inamoy niya ang aking leeg na ikinaigtad ko. Mamaya sasapukin ko na ito! Ang harot! "Ang bango mo kahit bagong gising!"

Marahan kong tinampal ang kaniyang pisngi bago tumayo at dumiretso sa CR. Napapangiti na lang ako ng lihim sa mga ginagawa niya. Hindi ko akalain na sweet pala ang isang Jillian Alexander Salveda.

"Labas ka na. Intayin mo na lang ako sa baba." Nagmamadali akong pumasok sa Bathroom. Baka makita niya pa ang ngiti ko!

**

Before I'll go down stairs, I'd make sure na maayos na ang itsura ko. Nakakahiya naman kung ang girlfriend ng isang Jillian Alexander Salveda ay mukhang gusgusin. Ano na lang sasabihin ng ibang tao?

"Lets go..."  kinuha niya ang kamay ko at marahang hinila.

"Wait! Hindi mo ba ako pakakainin? Grabe ka naman maging boyfriend!" Hindi man lang niya ako pinansin!

Pinagbukasan niya ako ng pinto ng kaniyang poging kotse. Mana sa may ari! Lahat na lang ba ng gamit nitong si Jillian ay pogi din?

Tinitigan ko lang siyang umikot papunta sa may driver side. Mukha siyang modelo habang lumalakad papasok sa loob ng sasakyan. Suot suot niya ang kaniyang sun glasses na  lalong nagpalakas ng kaniyang dating. His blond hair. His natural red lips and hid pointed nose!  And his body that girls are dying to touch? Goodness! I can say, I am so lucky! Dahil ang mala-adonis na lalaking ito ay masasabing ko akin. Pagaari ko na siya at walang pwede humawak.

Possessive? Well... we are both possessive to each other so we're quits.

"Gwapo ba ako?" He asked while grinning. Napansin niya ata ang malalim kung titig sa kaniya pero hindi ko naman ikinahihiya yun. He's mine so why would I be shy?

"Yes, Jillian--"

"Starting today, you'll call me baby. Understood?"

Kumunot ang noo ko bago tumango. Do I have a choice? At tsaka, mas okay na din. Pero...

"Why 'baby'?"

He grinned mischievously. "Because you're my baby and I am yours too... so baby? Just keep quiet kung gusto mong pumasok ng hindi pantal ang labi. Kanina pa ako nagtitimpi dito." Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan 'yun. Namumulang tumango na lang ako at tumahimik.

Saglit kaming dumaan sa isang sikat na coffee shop para bumili ng breakfast namin. Hindi pa din pala siya kumakain ng umalis sa bahay kaya ito sa kotse kami kumakain. Sinusubuan ko lang siya habang on the way kami sa SU.

Change of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon