Chapter 13

1.8K 66 1
                                    

Narrator's Pov

Nakiupo ang anim na kalalakihan sa longue kung saan nandoon ang mga babaeng sila Janine, Zoe, Athena, Raiko at Georgina.

"Huy, anong ginagawa mo dito Zoe?" Yamot na tanong ni Eon sa kaniyang nililigawan. Nakainis naman talaga 'daw eh nagiinom ba naman. Tsk.

"Nagse-celebrate!" Napasigok pa si Zoe bago nilagok ng bacardi. Naiiling si Eon bago kinuha ang iniinom nito. Hinila niya ito pasandal sa kaniya. Halata namang antok na antok na ito. Pikit na itong napasandal sa dibdib tsaka niya ito niyakap sa bewang.

"Huy boyish, nagiinom ka pala?" Lame na tanong ni Matthew kay Raiko. Inungusan lang ni Raiko ito.

"Malamang! Nainom ako nito. Ito nga oh. Tss." Inisang tagay ni Raiko ang beer. Napahalakhak si Matthew dahil sa pagsinok nito.

"Hey, Georgina! Kilala mo ba ako?" Nakangiting tanong ni James dito. Nilalaro ang buhok nito.

Matamang tinitigan ni Georgina ang lalaki. Nang makilala ay tumango lang si Georgina na parang walang pakialam dito.

"Y-yeah! Ikaw yung bumugbog dun sa mga manyak." Patuloy ang pagsinok niya habang sumasagot.

"Yeah. Glad that you remember me." Ngumiti si James kaya lalong lumiit ang mata nito. Kumubabaw si Georgina sa lamesa. Walang pakialam kay James.

"Hi miss masungit!" Napairap si Athena kay Terrence.

"Miss masungit? Sino ka para tawagin mo akong 'ganyan?" Sumimangot si Athena. Hindi naman siya masyadong lasing. Nahihilo lang siya.

"Haha! Joke lang!"

"Tss.. Joke mo mukha mo." Ismid ni Athena kay Terrence.

Maya-maya ay tumayo si Janine kaya nakuha niya ang atensyon ng mga lalaki. Pusuray-suray na pumunta si Janine sa counter bar at um-order pa ng beer. Bumalik siya sa longue pagkagaling niya doon.

"Thanks!" Kukuhanin sana ni Raiko ang binili nitong beer ng biglang pinalo ni Janine ang kamay ni Raiko.

"Anong thanks ka dyan. Akin lang to!" Sumisinok at halos pumikit na si Janine sa kalasingan pero sige pa din siya sa paginom.

Gulat ang mga lalaki habang nakatingin sa tatlong bote ng beer.

"Iyo lang yan?" Gulat na tanong ni Eon.

"Oo, bakit?"

"Isusumbong kita kay tita." Pananakot ni Eon kay Janine.

"Do it. I don't care." Humalakhak ang babae.

"Sasabihin ko talaga. Ha!" Kulit ni Eon.

Samantala, si Jillian, manghang nakatitig kay Janine.

Si Janine ba talga 'to?
Sa isip-isip niya. Lumagok si Jillian ng alak, hindi pa 'rin inaalis ang titig dito.

Xander's Pov

"Guys! Sayaw tayo." Sinabi ni Janine at tumayo ito.

Naubos na niya 'yung tatlong bacardi niya at talagang pasuraysuray na siyang maglakad. I can't believe Janine is a monster alcoholic, o baka ngayon lang siya nagka-ganito. Base na 'rin sa reaksyon ni Eon habang manghang pinagmamasdan ang pinsan.

Ako? Hindi pa ako lasing. Medyo nahihilo lang pero nasa wisyo pa ako. Unlike Janine.

"Nga pala," ani Janine.

Nagulat na lang ako ng lumapit siya sa akin... at hinawakan ang mukha ko. What the fuck? Anong ginagawa niya? Sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Damn!

Change of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon