Chapter 35

1.2K 42 2
                                    

Janine's Pov

One week since we celebrated our ninth monthsary at hindi pa 'din ako maka move on sa kilig. Iyon na ang pinaka masayang monthsary namin ni Jillian. He always surprise me everytime we celebrated our monthsary but singing infronf of hundred people... and bravely interrupts them while shopping... oh Jillian! I really love him... to infinity and beyond!

"Problema mo at tulala ka na naman? Tsaka anong nginingiti ngiti mo?" Taliwas sa kasiyahang aking nararamdaman ay sinita niya ako. Nakasimangot siya sa 'kin habang nakapamewang sa aking harapan

Napansin ko ng mula ng siya ay bumalik, hindi na siya ganun kalapit sa 'kin at lagi niya din akong nahiya sinisinghalan.

Ano kayang nagawa ko?! Pero siguro napapraning na naman ako!

"Kasi ate ,hindi pa din ko makamove-on sa surprise sa akin ni Jillian sa mall eh." Niyakap ko ang unan at doon tumili ng malakas. Nang muli akong tumingin kay ate Jastine ay nakaismid siya ngunit hindi sa 'kin... sa ibang direksyon siya nakamasid.

Napakunot ang aking noo. Ngayon, hindi na ako napapraning. Alam kong may problema siya... sa 'kin at hindi ko alam kung ano 'yun! Wala naman akong ginagawang masama sa kaniya!

Gusto ko siyang komprontahin ngunit kilala ko si ate... paniguradong ako na naman ang lalabas na may kasalanan. Ayokong paratangan ko siya ng walang kasiguraduhan!

Kaya isina walang bahala ko na lang 'yun ulit. "May problema ka ba?" Sa halip ay tanong ko.

Ngumiti lang siya sa akin at tuluyan ng lumabas sa aking kwarto. Bukod sa parang galit siya o ano ay umiiwas din siya sa akin.

Bumangon ako sa kama at inabot ang aking laptop. Bumungad ang litrato namin ni Jillian na naka wallpaper sa aking laptop. Napapangiting pinagmasdan ito. Kinuhanan ito ng nag-fieldtrip kami last month. Sa isang kilalang beach ang aming pinuntahan upang obserbahan ang mga infrastructure doon especially those hut and cabin. Aakalain mo talagang isang hotel pag pumasok sa loob noon ngunit sa labas ay gawa lamang 'yun sa dekalidad na kahoy.

Nakahirap ang aming posisyon sa camera at kita sa background ang kulay asul na karagatan at maputing buhangin. Bahagyang nakatagilid ang aking ulo at nakapikit dahil sa sinag ng araw ngunit hindi alintana ang sinag na 'yun kay Jillian dahil nakangiti siya at nakahalik sa aking pisngi habang tumatama ang sinag sa kaniyang mukha na nagbigay depina sa kaniyang tsokolateng mata.

Hindi ko alam na kinuhanan kami dito. Basta na lamang ito ipinasa sa 'kin ng isa sa mga kaklase ko na may dalang DLSR ng mga araw na 'yun.

This is our best photo because of it's simplicity. Walang halong script at purong romantiko ang kuha.

I can say, the photographer do know how to take pictures perfectly.

Then, someone knocked.

"Come in!"

Pumasok si manang Linda.

"Ano po 'yun, Manang?"

"Nandyan sa baba si Alexander." Ngumiti siya ng may halong tukso. Natawa lang ako at pinatay ang aking laptop. Mag-eedit sana ako ng aking thesis pero pwede ko naman muna yung ipagpaliban. Matagal pa naman ang final defense.

"Sige po. Pakisabi ay hintayin na lamang ako sa living room." Tumango siya at lumabas na sa aking kwarto. Nagpalit lamang ako ng tshirt dahil nakasando ako. Ayokong pagsabihan na naman niya ako dahil sa mga sinusuot ko. 'Wag daq akong magsuot ng ganun pag lumalabas ng aking kwarto at pag nasa harap niya o kahit sinong lalaki. Talagang hindi ko na gagawin ang pagsusuot ng ganun pag nasa harap ko siya dahil ayoko ng mapunit ang aking damit.

Change of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon