Kabanata 2:
Nagising ako sa nakakabinging tunog ng Alarm Clock ko. Pagtingin ko dito alas siyete pa lamang ng umaga. Akmang matutulog sana ulit ako ng biglang bumukas ang pinto sa kwarto ko.
“Allyssa bumangon kana diyan… alas nuwebe pa ang pasok mo. Sila Allyna kanina pa tumatawag dito” pambungad saakin ni Mommy.
Ano ba naman yan! Inaantok pa nga ang tao… pero may magagawa pa ba ako? Bumangon nalang ako sa higaan ko at naligo, para makakain at makapasok na. nang matapos ko na lahat agad kung tinext sila Allyda na dalhan ako ng salamin. Kasi dahil sa mga kapabayaan nila. Nasira ito. Hindi naman ako nagkamali. Nang dumating silang dalawa sa bahay ng naka-kotse. May dala nga silang Eye-Glass.
Ngayon back to normal na naman ang itsura namin tatlo. Isang malaking NERD GIRLS ang tawag saamin. Pero kahit ganyan kaming tatlo. Wala naman silang masabi sa angking katalinuhan namin. Kung ako ang tatanungin. Ang masasabi ko lang, kung hindi siguro kami nag papangggap na NERD. Siguro magiging popular kami at tatawaging THE PRINCESSES. Pero gaya nga ng sinabi ko kailangan naming magpanggap kasi ito lang ang nakikita naming paraan para maprotektahan namin ang pamilya namin.
Nakarating kami sa School ng matiwasay. Mukhang bulung-bulungan parin sa mga tao ang nangyareng pagpapakita ng THE TRIPPLE A DANCER. At habang naglalakad kaming tatlo na parang invisible kasi hindi man lang nila mapansin. May biglang bumato saakin ng TINAPAY??? Tiningnan ko mula sa likod kung sino ang nagbato noon. Isang lalaki lang ang nakita ko…
Tinanggal ko ang salamin ko at susugurin siya… bwisit na lalaking yun… anong ginawa ko sakanya at binato niya ako ng tinapay ha??? Sapakin ko kaya siya??? Bwisit… Takte…
Hinawakan ni Allyda ang kamay ko at pinakalma ako… pero sa halip na sundin siya. Inirapan ko siya at sinugod pa din ang lalaking bumato saakin nung TINAPAY…
“HOY LALAKE!! ANONG KARAPATAN MONG BATUHIN AKO NG TINAPAY HA??” sigaw ko doon sa lalaki habang galit na galit.
Tiningnan ko maigi yung lalaki. Nakatulala lang siya saakin… ni hindi man lang niya magawang gumalaw. Talagang nakatitig lang siya saakin…
“HOY!! LALAKEEE”
Aba ayaw parin patinag. Nakatitig pa din… bwisit ni hindi nga ata kumukurap to…
Tumingin ako sa likod ko, kung nasaan si Allyda at Allyna… nakatingin lang sila saamin… sumenyas ako na BULAG BA TO??? Pero nagkibit balikat lang sila..
Hinarap ko ulit yung lalaki na ngayon ay titig na titig pa din sa pagmumukha ko….
“HOY LALAKEEE…. KUNG BULAG KA… HUWAG MUNG IBABATO ANG TINAPAY.. KASI MAKAKATAMA KA” sabi ko at tinalikuran na siya…. Pero sa pagtalikod ko ay ang biglang paghawak niya sa kamay ko. Napatingin ako sa kamay niya.
See hindi naman pala bulag…
“ANO YUN?” pasigaw kung sambit
“So-Sorry”
Naiba ang tingin ko sakanya… nakayuko kasi siya habang sinasabi ito… ramdam ko ang pagkahiya niya habang sinasabi ito…
BINABASA MO ANG
The Dancers Story [COMPLETED]
Teen FictionBeing A dancer doesn't mean that you are capable in doing moves, steps because love is like a dance, when you follow the steps, moves and you perfect it, you have an assurance to meet your goal and that is the popularity you wanted. Like love if you...
![The Dancers Story [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/9644680-64-k741575.jpg)