Kabanata 42:
Allyna POV
Matapos kung marinig lahat kay J.R. Iniwan ko kaagad siya sa may pool, gusto kong Makita kaagad si Luigi, gusto ko siyang batukan! At sabihing bakit mo ko kinalimutan?. Sa lahat ng pwedeng makalimutan niya bakit ako pa?. naiiyak ako habang hinahanap ko siya sa kung saan saan dito sa Hotel.
Nakakapanghina ng loob ang lahat ng mga nalaman ko sakanila. Parang feeling ko nagloloko lang saakin si J.R kaya niya nasabi yun! Possible bang gawin nila yun para saamin! Ayaw ko mang maniwala pero ano naman ang dahilan nila para gawin ang mga bagay na yun? Naiiyak ako sa frustration. Baka maloko na naman kami ngayon.
Naglalakad ako habang umiiyak patungong Garden ng hotel na ito. Kahit saan ko hanapin si Luigi hindi ko siya mahanap. Nakakapanlumo! Baka iniwan na niya ako…
Pagkaupo ko sa may upuan doon, diretso ako hagulhol. Kahit anong pigil ko sa luha ko ayaw pa din nitong tumigil.
“Bakit naman kasi?” bulalas ko.
Hindi ko na maakaya itong sakit ng mga iniisip ko.
“Bakit ka umiiyak?” napatayo ako sa nagsalita. Hindi ako pwedeng magkamali si Luigi yun.
Mas lalo akong napaiyak ng Makita ko siyang papalapit na saakin…
“Hoy Ikaw na unggoy ka… bakit mo nagawa yun..” bulalas ko habang hindi ko na mapigilan ang mga luhang lumalabas sa pisngi ko.
Lumapit siya saakin kahit na may malaking tanong sa utak niya…
“Ang alin?” sabay punas niya ng luha sa pisngi ko. Naiiyak tuloy ako lalo sa mga inaakto niya.
“Akala ko mas pinili mo siya kaysa saakin!!” dugtong niya. Pinagsasabi nito?
“Anong snasabi mong pinili ko siya kesa sayo?” tanong ko habang nakatingin ng seryoso sa mukha niya.
“Akala ko pinili mo si J.R kaysa saakin. Akala ko wala na talagang pagasa…” napanganga ako sa sinabi niya. Sa lahat ng pwedeng maisip bakit ito pa…
“Nagseselos ka ba?” walang prenong tanong ko.
“Kapag sinabi ko bang Ou! Babalik ka ba saakin?”
“Bakit naging tayo ba?” pambabara ko. Kahit papaano nawawala yung sakit ditto sa puso ko habang kausap ko siya.
“Hindi!” malungkot na utas niya.
Kahit ang tagal na panahon ang nasayang, bakit feeling ko walang nagbago sakanya, feeling ko siya parin yung lalaking minahal ko dati pa!! ayaw niya ba talagang magbago. Bakit parang kapag ako ang titingnan ang daming nagbago saakin including na doon ang anyo ko at ang pagkatao ko.
Habang nakikita ko ngayon ang mukha niyang nakangiti saakin parang lahat ng sakit na dinulot niya biglang naglaho. Ang sarap sa pakiramdam na maramdaman ulit ito.
“Hay naku!! Aminin mo na kasing nagseselos ka, dami pang palusot eh…” sabi ko.
Bumuntong hininga siya…
“Alam kong wala akong karapatang magselos kasi hindi naman talaga tayo dati pa. pero nung Makita kong hinabol mo siya, nasaktan ako! Akala ko mawawala ka na naman saakin. Nasaktan ako Allyna…”
Tumulo na naman ang luha ko. Masakit na isiping nasasaktan ko siya pero masarap ding isipin na nagkakaganyan siya ng dahil sayo. Pero sa sitwasyon ko ngayon mas lamang saakin ang saya! Ngayon palang ang sarap na niyang yakapin at kahit na malaman ko ulit na ginagago niya ako tatanggapin at tatanggapin ko ulit siya para lang maging masaya.
BINABASA MO ANG
The Dancers Story [COMPLETED]
Novela JuvenilBeing A dancer doesn't mean that you are capable in doing moves, steps because love is like a dance, when you follow the steps, moves and you perfect it, you have an assurance to meet your goal and that is the popularity you wanted. Like love if you...