Kabanata 4:

1.3K 27 0
                                    

Kabanata 4:

Sa wakas tapos na ang bakasyon. Grabe nabagot ako buong bakasyon, gusto ko parin talaga sa school kasi kahit papaano may ginagawa ka, unlike kapag sa bahay. Nakakaboring!!

Maaga kaming tatlo nagising kasi 9 palang ng umaga ay may klase na kami. Kahit naman nerd kaming ituring ng iba sa school, gusto parin naman naming pumasok kasi katulad nga ng sinabi ko nakakaboring sa bahay!

“Allyda. Tara na” sigaw ni Allyna. Ang taray na naman nito, ayaw kasi talaga nito ang naghihintay. Ang tagal naman kasing kumain ni Allyda. Sa aming tatlo yan ang siyam siyam kung magayos.

“Eto na!” sigaw niya. Tumayo na din ako at agad na lumabas ng bahay. Kay Allyda ang gagamitin naming  sasakyan, kaya feeling pa VIP ang isang yun. Tsss.

“Tara na” seryosong sabi ko at agad na pumunta sa sasakyan ni Allyda. Nagsitunguan naman ang dalawa. Nang makapasok na kami sa loob ng sasakyan. Si Allyna ang nagbukas ng gate para makalabas kami. Siya na din ang nagsarado at ng nasarado na niya, agad na din naman siyang pumasok sa sasakyan at agad din namang pinaharurot ni Allyda ang sasakyan niya. Tahimik lang akong nasa likod, yung dalawa naman panay lang ang kwento nung napanuod nila kagabe, horror ata. Hindi na kasi ako nanuod dahil sa sobrang antok. Nakakapagtaka talaga ang tao, kapag napanuod na nila ang isang palabas bakit kaya pinapaulit-ulit pa nila ang esksena sa napanuod nila… Tsss.

“Allysa” napatingin ako kay Allyna na ngayon ay nakaharap saakin.

“Bakit?”

“Ngayon ba lilinisin ang bahay natin ni aling Lumeng?” tumango ako.

“Yup bakit?”

“Wala naman!” sabi niya at agad na niyang ibinalik ang tingin niya sa bintana. Hindi kalaunan dumating nadin naman agad kami sa school. Isa isa na rin kaming nagsilabasan at inayos muna ang sarili bago lumabas. Hay! Balik na naman sa pagiging Nerd ang role namin dito sa school.

Nauna na akong lumabas, sumunod na din naman si Allyna at ang huli ay si Allyda. Papasok palang kami sa gate ng parang may pinaguusapan ang mga tao. Ano na naman kaya yun?. Tumingin kami sa likod namin, wala namang tao. Tss pinagloloko ba kami ng mga ito. Naglakad nalang ulit kami at nawindang kami ng bigla silang sumugod papunta saamin. Hindi ko alam kung bakit, napatingin ako kila Allyda mukhang wala din silang alam. Pero nung malapit na sila doon ko lang napagtanto na hindi pala kami ang pinaguusapan at pinagkakaguluhan nila kundi yung bagong labas ng sasakyan na tatlong lalaki. Nabunggo na kami nung mga haliparot na babae dahil doon sa tatlong yun eh!! Tumingin din ako kila Allyda mukhang inis na din sila. Bwisit naman kasi.

Imbes na pansinin pa yun, naglakad nalang kami paalis doon. Sino ba kasi yung mga lalaking yun? Mukhang bagong salta at bagong lipat. Bwisit talaga… At sa lahat ba naman ng lilipatan bakit sa school pa namin. Nakakapanginit ng ulo. Pasalamat sila hindi ko masyado nakita yung mga mukha nila…

“Sino ba yung mga yun. At akala mo hari kung sambahin” galit na utas ni Allyna. Naku! Mukhang High Blood na naman ito.

Nagkibit balikat lang ako.

“Hindi ko din kilala eh. Pero base sa mga kilos ng mga ka-schoolmate natin mukhang transferee, hindi naman kasi sila ganyan dati…” paliwanag ni Allyda. See pareho nga kami ng iniisip.

The Dancers Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon