Kabanata 49:
Allyna POV
Isang lingo ang lumipas, isang lingong puno ng mga bulaklak ang office namin, halos oras oras may natatanggap kaming mga flowers mula sakinila. ! Malapit na nga kami magtayo ng flower shop.
“Maready ka! Aalis tayo” sabi saakin sa kabilang linya. Saan naman kaya ko dadalhin ng lalaking ito.
“Saan?” tanong ko
“Secret!” busit talaga, hindi nalang sabihin eh.
“Ok sige. Wait mo ako sa lounge ng 3 hours…” sabi ko
“Ang tagal naman!” aba nagrereklamo pa.
“Nagrereklamo ka!?”
“Hindi.” Sige may awa naman ako.
“sige dahil may busilak naman akong puso, tatlong oras at kalahati nalang…”
“Ayan ba ang may busilak na puso.?” Nagrereklamo pa eh noh..
“Ok sige na nga. 30 min. nalang! Kapag ikaw may reklamo pa diyan ay ewan ko nalang sayo…”
“Ayan ang gusto ko sayo. Mahal na mahal mo ako…” nambola pa eh noh!!
“Ok sige na!!” at binabaan ko na siya.
Inayos ko ang mga gamit ko at umalis na ng opisina. Sila Allyda at Allyssa kasi may mga lakad ngayon kaya wala sila. Hay!
Nagtungo kaagad ako sa room ko at nagayos.
Pagkababa ko ng lobby, nakangiti kaagad ang suitor ko saakin. Kung ganyan ba naman ka-gwapo ang sasalubong sayo sa may Lobby. Abay dito nalang ako habang buhay. Joke. HAHA!
“Saan ba tayo pupunta?” tanong ko ng nasa sasakyan na kami.
“Sa bahay namin…”
“ANO?”
“Papakilala kita sa mga magulang ko.” Kalmadong sabi niya na nagpalaki ng mata ko.
“Di nga?”
“Ou nga!!”
“Teka lang. di pa ako ready noh…”
“Kaya mo yan. Kaw pa!!” Oh sige palakasin mo ang loob ko. Hay.
Bahala na to, kaya mo to Allyna.
Pagkapasok ko ng bahay nilang mansion ata kung tawagin.sinalubong kaagad ako ng mga magulang niya. Wow! Welcome na welcome ako ah.
“Mom, Dad! Meet Allyna. My soon to be girlfriend!”
Ngumiti naman din kaagad ako sakanila at naglahad ng kamay.
“Nice to meet you po.”
“Ang ganda mo pala iha! Akala ko, nananaginip lang itong si Luigi nang pangalan mo, yun pala totoo ka!!” sabi nung papa niya.
Hehe! Nananaginip daw? Sino? Si Luigi. Haha! Pati pala sa panaginip sakanya ako. How sweet !
“Punta na tayo ng kitchen…” yaya saamin ng mama niya. Ang ganda ng Mama niya at ang gwapo din ng Papa niya.
Nagkwentuhan lang kami doon, ang dami nilang tanong saakin, tinanong din nila kung model ba daw ako, siyempre sinagot ko ng maayos. Natuwa pa nga saakin ang Mom niya kasi hindi niya daw inaasahan na makaka-meet siya ng model in person. Saan kayang lupalop nanggaling ang Mom niya at hindi pa nakakameet ng Model. Hay! Dibale na nga lang.
Nilibot niya lang din ako sa loob ng mansion nila. At nang mapagod nagpahangin sa Garden. Ang sarap namang tumira sa bahay nila. Ang refreshing :)
“Allyna!” tawag saakin ni Luigi.
BINABASA MO ANG
The Dancers Story [COMPLETED]
Roman pour AdolescentsBeing A dancer doesn't mean that you are capable in doing moves, steps because love is like a dance, when you follow the steps, moves and you perfect it, you have an assurance to meet your goal and that is the popularity you wanted. Like love if you...