Kabanata 16:
Allyda POV
Nasa school na kami at ako naman ay nag Cr na muna! Medyo tinatawag kasi ako ng kalikasan eh! Haha!
Pagkatapos kung mag Cr doon ko naman nakasalubong yung tatlong impostor. Talagang hinarangan pa nila ako daraanan ko. Hay!
“Ano kailangan niyo” mahinahon kung tanong.
“Wala naman!” nakataas ang kilay na sabi nung parang leader nila.
Aali na sana ako doon pero bigla akong hinigit pabalik nung leader nila.
Aray naman! Ang sakit sa braso ah!
“Hindi pa kami tapos kaya huwag na huwag mo kaming matatalikuran!!”
Hindi ako nakaimik…pinabayaan ko nalang sila! Katakot naman sila… someone help me!
“Wala kanaman pala eh! Matapang ka lang kapag nandiyan mga kaibigan mo” sabi nung umaaligid kay Karlwin.
May biglang dumaan doon na estudyante na may hawak ng juice, bigla nila itong kinuha at feeling ko sa mukha ko ang bagsak niyan…
“Akin na lang!” sabi nung lumalandi kay Luigi.
Yung babaeng kinuhaan naman nila ng Juice ay bigla ng tumakbo. Hindi man lang ako tinulungan dito..
Humarap ako doon sa mga impostor… “Ano ba ang gagawin niyo at ayaw niyo pa ako paalisin”
“Simple lang girl… maghihiganti kami! Inaakit niyo na nga saamin ang XEKELE, may balak pa kayong kunin saamin ang trono namin…”
Nakakagigil na ah! Anong inaakit?
“Huwag kayong magalala. Wala sa vocabulary namin ang salitang pangaakit…” matapang na sagot ko.
“Talaga? Bakit feeling ko meron na!” sabi nung kalandian ni Luigi
Hindi na ako makapagtimpi dito. Sasapakin ko na to!
Inirapan ko nalang sila at biglang tinalikuran, pero bigla nila akong binuhusan ng Juice! OMG! Wala pa naman akong dalang pamalit… Shete talaga!
“Yan ang nababagay sa mga taong tumatalikod saamin” humahalakhak na sabi nung kalandian ni Xhander.
Hinarap ko sila… “Ano bang problema niyo at ganyan kayo kung makapang api sa amin” galit na ako. As in galit na talaga!
“Problema ba namin? Kayo ang problema namin”
Nagpipigil na ako dito, basang sisiw na din ako…
“Inggit lang ata kayo eh! Kasi yung XEKELE na gusto niyo ay saamin na umaaligid” galit na utas ko. Kita kung sasampalin na sana ako nung kalandian ni Karlwin pero hindi niya naidapo ang kamay niya sa mukha ko kasi may biglang pumigil sakaniya.
BINABASA MO ANG
The Dancers Story [COMPLETED]
Novela JuvenilBeing A dancer doesn't mean that you are capable in doing moves, steps because love is like a dance, when you follow the steps, moves and you perfect it, you have an assurance to meet your goal and that is the popularity you wanted. Like love if you...