Kabanata 21:
Allyda POV
Sabay sabay kaming nakarating sa bahay namin. Naunang pumasok si Allyssa at Xhander. Sumunod naman ay sila Allyda at Luigi. Samantalang ako nandito pa din nakaupo. Kinakabahan ako sa mangyayare! Baka kasi hindi sila pumayag sa gusto namin….
“Ok ka lang?” tanong ng katabi ko saakin.
Ngumiti ako… “Ou!. Tara na” tumango naman din kaagad siya.
Pagkapasok namin ng bahay. Nandoon na kaagad ang apat. Si Allyda at Allyssa magkatabi sa malaking sofa si Xhander naman at si Luigi nakatayo lang at mukhang hinihintay nila ako. Mukhang ako talaga ang magpapaliwanag dito ah! Hay sabagay ako naman kasi ang nakaisip ng planong ito kaya nararapat lang na ako ang magpaliwanag.
“Guys yung sa kanina!!” panimula ko ng makaupo ako sa tabi nila Allyssa.
Lahat sila nakatingin na saakin pwera lang si Allyssa. Bigla kasi siyang umalis doon. Hay! Sabagay alam na din naman niya ang plano eh…
“Kasi ganito kasi yun!!” teka bakit ba ako kinakabahan. O. G!
“Allyda simulan muna!”mahinahong sabi ni Xhander saakin.
Tumingin ako kay Allyna. Tahimik lang siya at mukhang hinihintay niya din ang sasabihin ko. Hay!!
Bumuntong hininga muna ako. Ok game na to…
“Kasi Guys kailangan kasi namin ng tulong niyo!” pumikit ako. “Kasi yung tatlong yun kanina sa Restaurant. Kababata namin sila, kaibigan at manliligaw. Pero hindi sila katulad ng mga simpleng manliligaw lang. lahat ginagawa nila para makuha kami, as in kaya nilang manakit ng tao kapag nalaman nilang may umaaligid saamin. Nakakatakot sila. Ilan beses namin silang pinalayo at tinakasan kaso ang ending nakikita pa din talaga nila kami.” Bumuntong hininga ulit ako “Kaya sana kung pwede lang tulungan niyo kami”
“A-Ano naman ang maitutulong namin?” utal utal na tanong ni Karlwin.
“Yun ay ang magpanggap na Boyfriend namin. 1 month lang naman. Sure kasi kami na aalis din yang mga yan. Kaya please pwede ba?” pagsusumamo ko.
Rinig ko ang pagbuntong hininga nila… “Ok fine!”
Halos mahulog ako sa kinauupuan ko sa sabay sabay nilang sinabi. Hindi man lang sila nagisip…
“T-Talaga?”
“Ou…”
Tumingin ako kay Allyna. Tumayo na siya at akmang aakyat na sa kwarto niya.
“Saan ka pupunta?” tanong sakanya ni Luigi.
Tinaasan niya lang ng kilay… “Saan pa edi matutulog! Pumayag na din naman kayo diba! So pwede na siguro kayong umuwe” pagtataray niya at mabilis na umakyat ng hagdan. Hay! Hindi man lang marunong magpasalamat…
BINABASA MO ANG
The Dancers Story [COMPLETED]
Ficção AdolescenteBeing A dancer doesn't mean that you are capable in doing moves, steps because love is like a dance, when you follow the steps, moves and you perfect it, you have an assurance to meet your goal and that is the popularity you wanted. Like love if you...