Kabanata 8:
Matapos ang nangyareng insidente doon sa gym, nakapagdesisyunan na namin na huwag nalang pumasok at umuwe nalang!. Hindi namin kayang Makita ang mga yun, baka masapak ko sila ng wala sa oras.
“Allyssa! Meryenda na tayo” yaya saakin ni Allyda
Agad na din naman akong nagtungo sa kusina at agad na sinunggaban ang hinandang pagkain ni Allyda.
Si allyna naman nasa Sala lang at patuloy na pinagaaralan ang pagkanta niya sa isa namin song na pagaaralan. Nakapag desisyunan kasi namin na siya ang kumanta habang sinasayaw namin yun.
“Allyna! Tama na muna yan” biglang sigaw ni Allyda.
“Patapos na ako…”
Hindi nalang ulit umimik si Allyda, tumabi nalang siya saakin at kumain na din.
“Allyssa. Ano na ang balak natin bukas sa pagpasok natin…?” tanong saakin ni Allyda.
“Wala!” walang reaksyong sagot ko.
“Anong wala?”
Tsss. Kailangan talaga dito sa babaeng to pinapaliwanag mo ang sagot mo. Tsss… “Ang ibig kung sabihin. Wala tayong gagawin! Kung ano yung pinapakita nila ganun pa din tayo. Cold, mataray at higit sa lahat. Huwag nalang natin sila pansinin kahit na inaapi nila tayo. Yun lang kasi ang naisip kung paraan para maiwasan sila” paliwanag ko
“Ah!!” sabi niya at sabay subo ng pagkain niya
Sa haba ng sinabi ko AH! Lang ang sabi niya. Hambalusin ko kaya ito.
“Uy! Uy! Uy! Ano pinaguusapan niyo diyan???” biglang sulpot ni allyna sa kusina.
Tss! Sinenyasan ko nalang si Allyda na ipaliwanag ang mga sinabi ko. Pagod na akong magsalita eh… Tsss
“Kasi ganito yun. Ang sabi ni Leader. Wala daw tayong gagawin bukas sa oras na maharap natin sila. Iwasan nalang daw at huwag pansinin para wala ng gulo…”
“Ok!” sagot ni Allyna at bigla na din niyang sinunggaban ang pagkain niya.
“Tsss”
Natapos ang araw na iyon na panay lang kami nuod na TV at sayaw ng sayaw! Medyo hapon pa naman ang pasok namin bukas, kaya ok lang na medyo tanghaliin ang gising namin.
Kinaumagahan! Narinig ko nalang ang biglang pag ring ng Cellphone ko. Feeling ko may tumatawag. Napatingin ako sa Wall clock katapat ng Kama ko. Alas sais pa lang naman ng umaga ah! Ang aga namin mangistorbo nito… Tsss
Hindi na ako nagabala na tingnan kung sino ang tumawag sa kadahilanan na wala pa ako sa wisyo…
“Ano ba yun?! Ang aga aga istorbo?” inis na sabi ko sa kabilang linya
BINABASA MO ANG
The Dancers Story [COMPLETED]
Teen FictionBeing A dancer doesn't mean that you are capable in doing moves, steps because love is like a dance, when you follow the steps, moves and you perfect it, you have an assurance to meet your goal and that is the popularity you wanted. Like love if you...