Kabanata 3:
Madaming lumipas na araw sa amin. Nakalipat na din kami sa bahay na tutuluyan namin. Nasa France na din sila mama ngayon. At higit sa lahat tapos na ang school year. Yikes! Bakasyon na namin ngayon. Pero ano nga ba ang ginagawa namin ngayon. Isang malaking WALA. Nandito lang kami sa loob ng bahay, nanunuod ng kung ano ang matipuhan.
“Ano ba yan! Wala bang magandang palabas ngayon?” tanong ni allyna habang nakasimangot ang mukha.
Hindi kami kumibo sa sinabi niya. Instead tinutok lang namin ang sarili namin sa TV na wala namang magandang palabas.
“Tara alis nalang tayo! Nababagot ako dito sa bahay…” yaya ni Allyda
“Sige. Tara” pagsang ayon ni Allyna.
“Ikaw Allysa? Sasama ka ba?” tanong ni Allyda saakin.
Instead na sumagot. Tumayo nalang ako at pansin kung sinusundan nila ako ng tingin.
“Ano pang hinihintay niyo. Magbihis na kayo” sabi ko habang nakatingin sakanila. Bigla namang nag ngitian ang dalawa sa sinabi ko.
Dumiretso na nga kami sa kanya kanya naming mga kwarto at nagayos na para mabilis na makaalis. Naglagay din kami ng Nerd outfit namin. Mamaya kasi may makakakita saamin na ka-schoolmate namin. Baka Mawindang pa saamin. Nang matapos na kami sa pagaayos, agad kaming pumunta sa may kotse namin. Pero ang kotse ko ang gagamitin namin kaya ako ang magmamaneho. Tinamad ata yung dalawa! Nagsisakayan naman agad kami doon. Katabi ko si Allyna at si Allyda naman ang nasa likod, siya na din ang nagbukas ng gate namin. Nang mabuksan niya na, agad ko na din namang pinaandar ang sasakyan at hinintay si Allyda na pumasok. Sinarado niya din kasi ang gate ng bahay.
“Lets go” masiglang sabi ni Allyda nang makapasok na sa kotse.
Agad naman kaming nagsitunguan at mabilis na pinaharurot ang sasakyan.
Nang makalabas na kami ng Village. Doon nagsimulang magsalita si Allyda na kung ano ano. Hindi ko na siya pinansin kasi busy ako sa kakamaneho, mamaya may kung ano pang mangyare saamin. Si allyna lang ata ang kausap niya. Medyo di nagtagal, nakarating na din naman kami sa mall. Agad ko itong pi-nark sa parking Lot at nung Ok na isa-isa na din kaming nagsilabasan.
Dinala kami ng paa namin sa isang Rastaurant, nagutom kami eh. Pagkapasok palang namin, rinig kaagad namin ang grupo ng mga lalaki na nagtatawanan. Ano ba naman yan. Sila lang ata ang maingay dito. Tss! Umupo na kaming tatlo, si Allyna na ang tumayo at umorder alam nadin naman niya ang mga gusto at hindi namin gusto na pagkain. Nasa harap ko lang si Allyda na nakapangalumababa at nakatingin saakin. Ano na naman ba ang problema nito.
Inisnaban ko lang siya.
“Allysa. Ang ganda mo talaga!” bulalas niya. Natutomboy na ata itong bestfriend ko.
“Ano ba ang pinagsasabi mo?”
“Totoo nga. Siguro kung wala kang malaking eye glass diyan. Baka naglalaway na ang mga lalaki sayo ngayon”
BINABASA MO ANG
The Dancers Story [COMPLETED]
JugendliteraturBeing A dancer doesn't mean that you are capable in doing moves, steps because love is like a dance, when you follow the steps, moves and you perfect it, you have an assurance to meet your goal and that is the popularity you wanted. Like love if you...