Kabanata 46:
Allyssa POV
[Play this song.. Starship by WHITE LOVE]
Maaga ako nagising sa tunog ng Alarm Clock ko. Tss! Kung hindi lang pictorial ngayon, baka mamaya pa ako magigising. Tss!!. Pagkabangon ko sa higaan ko, diretso kaagad ako sa kwarto ng dalawa. Kailangan namin magayos ng maaga para maaga din kaming makarating sa place ng Pictorial. Tss!
Medyo malayo sa hotel ang pictorial, ewan ko ba doon sa nag o-organize!! Tss.
“Gumising na nga kayo!!”sigaw ko kay Allyna, napatayo naman kaagad siya at agad na napatingin sa orasan niya. Tss!
Sunod kong pinuntahan ay si Allyda na alam kong mahimbing na natutulog ngayon sa kwarto niya. Saaming tatlo si Allyda po ang matagal at pahirapan sa pagkilos. Tss! Di na ako nagpatumpik tumpik, binuksan ko na kaagad ang kwarto niya at agad na tumakbo para talunan siya sa kama niya.
“GumisIng kana tulog mantika!!” sigaw ko na nagpabangon sakanya. Tss! Kailangan pang tinatalunan eh.
Aalis na sana ako ng magsalita siya.
“Aray ko Allyssa… Ang sakit nun ah!!” sabi niya habang hinihimas ang likod niya.
“Tss! Mag ready na kayo.” At sabay sarado ko ng pintuan niya.
Naligo na din ako at nagbihis. Hindi nalang siguro kami kakain dito sa hotel, doon nalang siguro kami mag be-breakfast sa pictorial. Masyado na kaming late eh. Alas dyes ang usapan, alas dose na kaya ng hapon. Tss! Kasalanan to ng alarm clock ko eh. Anong oras na kasi kami nakauwe kagabe dahil sa kakulitan nung tatlong Xekele.
Pagkatapos namin mag ayos. Kinontak kaagad namin si Arvin para sa sasakyan namin. Ilang minuto ang nakalipas at ang sabi niya lang ay Ok na daw sasakyan namin. Tss!
Pagkarating namin sa pag sho-shootan , agad nadin kaming inasikaso ng mga make-up artist. Tss!
Kanya-kanya kaming make-up artist na tatlo. Hindi nila kami nagawang napagalitan kasi kami din naman ang nagpapasahod sakanila. Tss!!
Nang matapos na kaming ayusan, lalabas na sana kaming tatlo ng biglang may sumalubong saamin.
“Xhander?” gulat na tanong ko. Paano kaya nila nalaman na nandito kami?. Tss!
Ngumiti na naman ang loko. Tss.
“Anong ngini ngiti ngiti mo diyan?”
“Ang ganda mo kasi sa ayos mo!!” pamuri niya.
Napatingin ako sa sarili ko. Tama lang naman ang suot ko! Naka dress na fitted at isang killer heels.
“Dati na akong maganda! Kaya alam ko na yan” sabi ko at tinalikuran na siya, pero sa sinabi niyang yun. Napangiti ako at kinabog na naman ang puso ko.
Mabilis niyang hinawakan ang kamay ko para mapatigil ako sa paghakbang.
“Bakit?”tanong ko habang humarap sakanya.
“Sabay na tayo. Gusto ko Makita nila na akin kana!!” Akin ka diyan? Hindi ka pa nga nanliligaw! Iyo na kaagad ako. Tss.
“Tsk. Tsk. Tsk. Huwag ka nga mag assume! Ni hindi ka pa nga nanliligaw, iyo kaagad. Tss!” sagot ko.
Ngumiti na naman ang loko. Hilig niya talaga ang pagngiti noh.
“Kahit hindi ako manligaw, alam ko na na akin ka!!” sabi niya na mas lalong nagpakabog ng dibdib ko. Naiwan akong nakatulala doon sa sinabi niya. Paano niya kaya nalaman?! Tss.
“Tara na My Princess!!” na-miss ko tuloy ang pagtawag niya ng ganyan saakin.
Napangiti nalang ako. At kinikilig talaga ako.
BINABASA MO ANG
The Dancers Story [COMPLETED]
Teen FictionBeing A dancer doesn't mean that you are capable in doing moves, steps because love is like a dance, when you follow the steps, moves and you perfect it, you have an assurance to meet your goal and that is the popularity you wanted. Like love if you...