Kabanata 14:
Allyssa POV
Pagising namin kinaumagahan, agad na din naman kaming nag ayos para sa pagpasok. After ng maraming seremonya nandito na ulit kami sa tapat ng gate ng school. Hay! Panibagong araw na naman. Tss!!
Habang naglalakad kaming tatlo sa hallway, parang may kung anong tinitingnan o binubulungan ang mga tao sa likod namin, hindi ko alam kung ano ang pinaguusapan nila pero nung napatingin kami sa likod. Hindi na kami nagtaka kung sino ang pinaguusapan nila. Ang tatlong unggoy na naman! Bagong gupit sila ngayon, sinuri kung mabute ang gupit nila! Mala koreano ang dating ng buhok nila, nagpakulay din sila. Tss! Yabang! Kaya pala naglalaway ang mga babae, Tss
“Tara na” utos ko sa dalawang babae na nakatingin pa din doon sa tatlong unggoy.
“Akala mo! May nagbago, wala naman” iritang sabi ni Allyna. Hay! Nagtataray na naman siya.
“Meron kaya! Ang cool nga nila eh…” malumanay na sabi ni Allyda kay Allyna.
“Allyda alam mo minsan hindi kita mabasa! Minsan kampi ka saamin, minsan naman sakanila! Hay naku!!”
“Ano ka ba Allyna. Sinasabi ko lang naman ang totoo ah! Tara na nga” sabay hila ni Allyda saamin. Tss! Nagpatianod nalang kami ni Allyna.
Nang dumating kami sa room, nakakapagtaka lang kasi bakit walang tao?.
“Anong meron at walang tao?” tanong ni Allyna
Nagkibit balikta lang ako. Wala naman kasi talaga akong alam.
“Hindi ko alam eh!” sagot ni Allyda.
“Hi girls!” biglang singit nang kararating lang na tatlong unggoy. Tss!
Tumingin ako sa kay Allyna at Allyda, hindi nila pinansin yung tatlo bagkus nagsi upuan lang sila sa kanya kanya nilang upuan.
“Bakit kayo nandito?” sabi nung Luigi…
“Malamang magaaral!” pambara ni Allyna. Ayan na naman sila, ang sakit na naman sa tenga nito… Tss! Umupo nalang ako sa upuan ko at lagay ng headset sa tenga ko, buti pa ang tugtog kahit maingay masarap sa pakiramdam eh ang dalawang to, sarap patayin kapag naguumpisa ng magbangayan. Tss!
Sa kakapakinig ko, hindi ko namalayan na may tumabi na pala saakin. Wth!!
“Alam mo ang ganda mo” biglang sabi ni Xhander habang nakapangalumbaba at nakatitig saakin.
Imbes na kiligin, binigyan ko lang siya ng “Alam ko na yan look”. Kahit naman may headset ang tenga ko naririnig ko pa din naman ang nangyayare sa kapaligiran. Tss!
“Siguro kung ibang babae pa yan. Malamang kanina pa sila kinilig, pero dahil ikaw si Allyssa, walang panama ang pambobola ko…” bulalas niya habang nakangiti saakin.
BINABASA MO ANG
The Dancers Story [COMPLETED]
Teen FictionBeing A dancer doesn't mean that you are capable in doing moves, steps because love is like a dance, when you follow the steps, moves and you perfect it, you have an assurance to meet your goal and that is the popularity you wanted. Like love if you...