Kabanata 9:
Lumipas ang isang buong lingo na walang ginawa ang tatlong unggoy at ang tatlong impostor kung hindi pasakitin ang ulo namin. Talagang hindi nila kami tatantanan… Mga busit talaga!! Tss. Nasa bahay lang ulit kaming tatlo at nanunuod ng TV. Sabado ngayon at nagbabalak kaming tatlo na mag shopping, medyo maaga pa naman! Kaya eto at nanunuod muna kami ng kung ano ang matipuhan.
“Allyssa” tawag saakin ni Allyna.
“Bakit?”
“Gusto ko lang sana mag request sayo!”
Naiba naman agad ang tingin ko sakaniya… “Ano yun?”
“Kung pwede lang sana na huwag muna tayong mag disguise ngayon. I mean huwag muna tayong mag Nerd outpit… Magsho-shoping lang naman kasi tayo. Wala naman siguro makakakilala satin niyan…”
“Agree ako diyan” singit ni Allyda…
Napabuntong hininga nalang ako… Hay naku! May magagawa pa ako?
“Ok!” walang ganang sabi ko.
“Yes! Sa wakas… ma fe-feel ko na ulit ang maging ako” masayang sigaw ni Allyna.
Napaisip tuloy ako sa sinabi niya. Talaga bang masyado na naming nilalayo ang sarili namin sa tunay na kami. Masyado na ba talaga kaming nagpapadala sa nakaraan at pati ang buhay na nakaugalian namin ay pilit na naming tinatalikuran. Hay! Buhay…
“Ano na naman yang pumapasok sa utak mo!!” biglang singit ni Allyda sa tabi ko…
“Wala. Napaisip lang ako sa sinabi ni Allyna…”
“Bakit ano ba ang sinabi ni Allyna?”
“Yung sa wakas mafe-feel na niya ang maging siya ulit…”
“Oh ano namang meron doon!”
Bumuntong hininga ako… “Napaisip lang ako. Siguro masyado na nating nakukulong ang sarili natin sa nakaraan, kaya yung mga gusto nating gawin minsan nagdadalawang isip pa tayo kung makabubuti ba o hindi. Na fe-feel ko lang na masyado na nating nilalayo ang sarili natin sa tunay nating pagkatao…”
Tumingin sila ng seryoso saakin…
“No comment” biglang sabi ni Allyna. Natawa naman ako doon, showbiz lang kung makasagot itong babaeng ito ah! Tss
“Ang masasabi ko lang Allyssa. Kung ayaw mo na at sawa kana dito sa mga pinaggagagawa natin, pwede naman tayong bumalik eh. Pero siguro hindi na natin maibabalik pa yung dati, yung tayo pa din yung tinitingala ng mga tao. Siguro kung babalik man tayo sa dati hindi na yun ng kagaya nang dati kasi marami ng nagbago. Siguro makuntento nalang tayo sa kung ano ang meron tayo ngayon. Siguro tanggapin nalang natin na tayo na ay isang ulirang estudyante hindi yung tayo pa din yung sumasayaw sa entablado at hinahanggan ng lahat.”
BINABASA MO ANG
The Dancers Story [COMPLETED]
Roman pour AdolescentsBeing A dancer doesn't mean that you are capable in doing moves, steps because love is like a dance, when you follow the steps, moves and you perfect it, you have an assurance to meet your goal and that is the popularity you wanted. Like love if you...