Kabanata 31:
Allyda POV
“Isang lingo na pala ang lumipas simula ng dumating tayo dito!” bulalas ni Allyna habang kinakain ang pizza’ng hawak niya.
“Ou nga e. hindi ko padin lubos maisip na magiging ganito ang kapalaran natin?” tanong ko sakanya.
“ nakakalungkot…” malungkot na utas niya.
Napatulala tuloy ako… si Allyssa isang lingo na namin hindi nakakausap ng matino, at palagi lang siyang nagkukulong! Dalawang beses na din kaming nagpapatingin sa psychiatrist. Pati sila mama at tita natatakot na sa pagkukulong ng kwarto ni Allyssa. Hindi kasi namin alam ang tumatakbo sa utak niya! Ok sana kung umiyak siya saamin at ilabas lahat ng sama ng loob niya, kaso hindi ganun ang pagkakakilala namin sakanya.
Noong nakaraang lingo! Habang nagtitingin si Allyna ng news sa internet. May nabasa kaming article !
We are missing…
“Allyssa Raine Jailo Lee, Allyna Mae Railen Loo and Allyna Jane Lenil Laa are all missing in the mountain…”
Yan kaagad ang bumungad saamin. At hanggang ngayon bali-balita pa din iyon sa social network sa pilipinas. Ayoko na sana tingnan pa kaso mapilit si Allyna…
Panay din ang tawag nila Chris, Alex at J.R kila mama. Siguro alam na nila ang nangyare, nabalitaan din namin na nandito pala sa France yung tatlo… hindi man lang sila nagpaalam saamin na babalik na sila.
Sila Mama naman bumalik na muna ng pilipinas para isettle yung balita doon. Pumayag na din silang palabasin na patay na kami at tinanggap na din namin ang kondisyon sa gusto nilang mangyare. Yun ay ang hinding hindi na kami babalik pa ng pilipinas.
Nakakalungkot mang isipin pero kailangan namin gawin iyon alang alang sa kapakanan namin at sa kagustuhan ni Allyssa. Pero ngayon wala na kaming choice kundi sundin ang gusto nilang mangyare para nadin sa ikatatahimik ng lahat and I know ngayon palang nagdidiwang na yung tatlong unggoy na yun kasi sa wakas natupad na nila ang gusto nilang mangyare saamin yun ay ang pahirapan kami. Although hindi ko alam ang totoong rason nila but still nandoon pa din yung katotohanan na may masama silang binabalak saamin kaya nila gustong pumasok sa buhay namin.
Maraming tao ang dumarating satin. Ginusto man natin o hindi nandoon parin ang katotohanang naging parte sila ng buhay natin, kahit sinaktan man nila tayo o pinasaya hindi parin maiiwasan ang hindi ka masakatan kapag naiisip mong hindi mo na sila makakasama. Kaya itong nararamdamin namin ngayon kailangan na namin itong tanggalin at kalimutan para hindi na kami mahirapan na tanggapin ang panibagong taong darating na magpapasaya at makakasakit saamin…
Kahit masakit man saamin na gawin ang bagay na ito, pero ito na lang talaga ang natitira naming paraan para makatakas sa sakit ng kahapon na nagparamdam saamin kung gaano kaganda ang buhay…
We need to move on and start a new life…
Siguro nga! Hanggang ditto nalang ang lovestory naming pero sure akong may darating na panibago at mumulatin ulit saamin ang tunay na kagandahan ng mundo…
BINABASA MO ANG
The Dancers Story [COMPLETED]
Teen FictionBeing A dancer doesn't mean that you are capable in doing moves, steps because love is like a dance, when you follow the steps, moves and you perfect it, you have an assurance to meet your goal and that is the popularity you wanted. Like love if you...