Kabanata 44:
Allyssa POV
Maaga ako nagising. Maaga din akong pumasok sa opisina. Kahit na gusto kong magmukmok sa bahay at isiping maigi ang gagawin kong desisyon, nag co-come up parin ako sa iisang desisyon. Hindi ko na ginising sila Allyna kasi alam kong katatapos lang nila sa isang masayang pangyayare na alam kong hanggang ngayon ay nilalasap pa nila. Ayokong hadlangan sila kasi ako noon ang nagdesisyon para sa kaligayahan nila, gusto ko sila naman ngayon, gusto ko maging masaya na din sila. Ayokong itulad sila saakin na selfish at pati ang kapakanan nilang dalawa hindi ko inisip.
Pagkalabas ko ng kwarto namin. Snalubong kaagad ako ni Arvin na maaga kong pinapasok.
“Goodmorning Mam!” bati niya
“Goodmorning…”
“Ano ang mga schedule ko ngayon?” tanong ko habang nasa loob kami ng elevator papunta ng office.
“In 9 am may meeting po kayo sa isang investor, Mga 12 po ,may meeting din po kayo sa isa sa mga board member. Alas dos po ime-meet niyo po ang mag o-organize ng pictorial. At mga 6 po ng gabe may isang business meeting po kayo sa isa sa mga endorser or investor ng hotel na ito.” Nahihilo na kaagad ako marinig ko palang na ang dami kong ime-meet na tao. Tss!
“Ok…”
“Pero po sa ngayon madami pa po kayong pipirmahan at aaprobahan na mga papers!!”
“Tss…” sagot ko sakanya habang papasok na kami ng office.
“Arvin padeliver nalang ng breakfast para saakin ah! At kapag pumasok sila Allyda sabihin mo nalang na day off nila… Tenks..”
“Yes Mam!!” at isinara ko na ang pinto.
Diretso kaagad ako sa trabaho, gusto ko kaagad tapusin itong mga pipirmahan ko para kahit papaano makapag isip isip naman ako.
Natapos ang oras na tapos ko na lahat ng mga dapat pirmahan. Around 8 na ng umaga ng makapag breakpast ako. Kagutom!! Pinadala ko nalang kay Arvin ang kakainin ko sa opisina. Tumawag na din saakin sila Allyda na may lakad daw sila. Siyempre pumayag ako! Ayoko namang hadlangan ang kaligayahn ng mga kaibigan ko noh… tama na yung ka-dramahan. Nakakapagod na eh!!...
“Mam mag ready na po kayo!”
“Sige…”sagot ko. Lumabas naman din kaagad si Arvin.
Nagayos lang ako doon sa loob at nung ready na ako. Lumabas naman din kaagad ako. Sa may isang restaurant kami magkikita nitong investor na ito. Isa daw siya sa isa sa pinakamalaking owner ng isang restaurant dito sa pilipinas.
“I’m Ready!” nakangiting utas ko kay Arvin.
“Lets go Mam!!”
“Ok..”
Kotse ng kompanya ang dinala namin. Sinama ko na din si Arvin kasi halos siya ang may alam kung saan yung lugar na pag me-meetan namin at siya din ang may alam kong ano at sino ba yung taong ime-meet ko.
Nakarating kami sa isng napaka sosyal na restaurant na hindi naman kalayuan sa Hotel.
Pagkababa ko ng sasakyan, si Arvin lang din ang umalalay saakin. Pakiramdam ko tuloy may bitbit akong body guard. Tss!!
“Mam!! May sasabihin po ako sainyo…”
“Ano yun?” tanong ko habang papasok na kami ng restaurant
Napakamot siya ng ulo… “Hindi ko po alam kung dapat ko pa ba itong sabihin sainyo….”
“Ano nga?”
BINABASA MO ANG
The Dancers Story [COMPLETED]
Teen FictionBeing A dancer doesn't mean that you are capable in doing moves, steps because love is like a dance, when you follow the steps, moves and you perfect it, you have an assurance to meet your goal and that is the popularity you wanted. Like love if you...