Kabanata 12:
Allyna POV
Tinanghali kami ng gising kaya ang nangyare saamin. Eto nagmamadali kami! Nasa amin pa naman yung Research na ngayon ipapasa. Pagkatingin ko sa relo, hala mag 1 na ng hapon. Patakbo na kami papunta sa may sasakyan at agad na itong pinahururot, sasakyan ko ang ginamit ngayon kaya ang nangyare ako ang magmamaneho.
“Late na talaga tayo nito! Ni hindi man lang tayo kumain. Tss” seryososng sabi ni Allyssa.
“Ou nga! Tinanghali tayo eh” nakangiting utas ni Allyda
“Kasalanan kasi ito nung tatlong unggoy na yun eh! Kung ginawa nila yung trabaho nila edi sana maaga tayo natapos at maaga din nakatulog” mataray na sabi ko habang nagmamaneho.
“Ayan. Kana naman Allyna, ang aga aga para kang may Menstruation.” Si Allyda
“Eh. Nakakainis naman kasi…”
“Tahimik pwede” biglang utos ni Madam.
Imbes na dumaldal, tumahimik nalang din ako, mamaya mabigwasan pa ako ng mala tigreng babaeng to. Nakakatakot pa naman yan magalit.
Dahil sa katahimikan ang bumalot sa loob ng sasakyan, mabilis kaming nakarating sa aming paruruonan. Chos!!
Pagkalabas namin ng sasakyan, patakbo na kaagad kami papasok ng school, may limang minuto pa naman bago ang klase kaya eto kami hindi magkanda ugaga sa pagtakbo.
Nang makarating kami ng room, agad naman namin nakuha ang atensyon ng buong klase. Alam kong maganda kami! Kaya huwag niyo na kaming tingnan. HAY NAKU!!
Pagkaupo namin ng upuan sakto namang pumasok yung professor. Bute nalang hindi pa kami Late.
“Class pass your project now!” pambungad niya. Grabe naman, hindi man lang kami pahingahin, pasa kaagad. Tumingin ako kay Allyda. Siya kasi ang may hawak ng project, agad din naman siyang tumayo para ibigay doon sa professor namin na nakatayo na sa harapan.
Napatingin ako sa harapan ko na which is si Lucifer pala. Inirapan ko lang siya, para kasing aso kung makatingin saakin. Hay!
“Ang taray naman ni Ms. Taray ngayon” biglang sabi niya
Sinalubong ko ang kilay ko… “Bakit kailan ba ako hindi naging mataray?”
“Alam mo try mo kayang ngumiti minsan” nangaasar ba to.
“Palagi akong nakangiti yun nga lang kapag wala ka sa paligid…”
“Sungit. May period ka noh!”
Tusukin ko kaya yang mata mo para magkaroon ng period…
“Gusto mo XEKELEN KITA DIYAN”
Nabadtrip ata sa sinabi kung XEKELEN kaya ayun humarap na siya sa klase. Wala kana man pala eh! Asar talo! Bwahahaaha
![](https://img.wattpad.com/cover/9644680-288-k741575.jpg)
BINABASA MO ANG
The Dancers Story [COMPLETED]
Roman pour AdolescentsBeing A dancer doesn't mean that you are capable in doing moves, steps because love is like a dance, when you follow the steps, moves and you perfect it, you have an assurance to meet your goal and that is the popularity you wanted. Like love if you...