Kabanata 10:
Lunes na naman at simula na naman ng kalbaryo naming tatlo sa mga unggoy na yun. Inuulit ko, hindi na kami mga nerd ngayon. Papalabas na kami ng sasakyan ni Allyda, nakapagdesisyunan kasi namin na isang kotse parin ang gagamitin namin kapag papasok kami, kasi sayang sa Gas.
Nang makalabas kami ng sasakyan, nakuha kaagad namin ang atensyon ng mga kalalakihan. Tss! Sanay na ako sa mga ganyang tingin nila, nung hindi pa kasi kami Nerd ganyan na talaga kung makatingin ang mga lalaki saamin, pero nung naging Nerd na kami. Ni halos hindi nga nila kami pansinin eh! Doon ko lang din talaga nalaman na Ang mga lalaki talaga ay mas inuunang tingnan ang panlabas na anyo bago ang loob.
Pagkapasok namin ng school, halos maglaway saamin ang mga kalalakihan. Ang mga babae naman, panay ang tanung kung sino daw kami! Like hello! Kami ito. Nagpaganda lang, hindi na agad kilala.
Pagkarating namin ng Room agad naman kaming umupo doon sa upuan namin. Nandiyan na din si Jema. At si Jema lang ang nangahas na lumapit saamin para magtanong.
“Allyssa, Allyda, Allyna? Kayo ba yan!?” gulat na tanong niya.
Tumango nalang kami bilang tugon. Hay!
“Hindi nga! Grabe ang ganda niyo pala kapag hindi kayo NERD. Sabagay maganda naman talaga kayo kahit nung naka NERD pa kayo eh…” Nakangiting sabi niya.
Ngumiti nalang ulit kami. “Sige balik na ako doon” at tinuro niya ang upuan niya.
Tumango nalang din ulit kami.
Tumingin ako sa harapan ko, himala wala pa yung tatlong unggoy at yung tatlong impostor. Tss! Baka nagdate kagabe kaya ganun. Hay naku, bakit ko ba iniintindi yun. Makaidlip na nga lang muna…
Mga ilang minuto ang lumipas, feeling ko ang sakit ng puson. WTF!!
Napabangon ako at yayayain ko sana si Allyda na nasa tabi ko kaso may ginagawa siya, nakakahiya naman! Tiningnan ko si Allyna. Nakatingin siya sa Cellphone niya at mukhang inaaral niya yung kanta na kakantahin niya. Ang sakit na talaga ng puson ko. Tiningnan ko ang Kalendaryo ko sa Cellphone. Shocks. 21 na pala. Kaya pala sumasakit na ang puson ko…
Kinalabit ko si Allyda… “Bakit?” pambungad niya
“Allyda. Punta lang ako Clinic. Feeling ko mag kakaroon na ako. Ang sakit na eh”
“Ha! Samahan na kita…” offer niya saakin. Agad ko namang tinanggihan.
“Huwag na! pumasok kana lang… Ok lang ako…”
“Sure ka ba diyan?”
“Ou!” at agad na din naman akong tumayo para makaalis na doon.
Pagkalabas ko ng pintuan ng room. Grabe feeling ko hindi ko kayang lumakad. Ang sakit talaga! Pinagpapawisan na din ako… kahit feeling ko hindi ko na kayang maglakad, sinikap ko padin. Ayokong magaalala sila Allyda at Allyna saakin.
BINABASA MO ANG
The Dancers Story [COMPLETED]
Roman pour AdolescentsBeing A dancer doesn't mean that you are capable in doing moves, steps because love is like a dance, when you follow the steps, moves and you perfect it, you have an assurance to meet your goal and that is the popularity you wanted. Like love if you...